Bet Your Heart ♡ Chapter 39

18.6K 190 40
                                    

Chapter Thirty-Nine

Mark's POV

"This is the story of love..." I sang while making some strokes on the draft paper. "Let's make it last forever..."

Napapangit-ngiti pa ako habang iniisip si Lianne. Ito yata iyong sinasabi nila na 'inspired.' Kahit ano pa mang ginagawa mo, nasa isip mo pa rin siya at mapapangiti ka na lang talaga na parang baliw. Hindi ko alam dati na ganito pala kalakas ang tama ko sa kanya. Siguro dahil ayoko rin talagang i-acknowledge iyon dati.

Pero wala, eh... hindi pa rin napigilan at kung nagbago man iyon, mas lalo lang tumindi.

"You hold the words that mean so much..."

Yes, she does. And I am waiting patiently for those words from her. Kapag narinig ko na iyon sa kanya, baka ako na ang pinaka masayang lalaki sa mundo. I know, it's cliché pero ganoon yata talaga ang nararamdaman ng lahat ng lalaking nakuha ang babaeng gusto nila. Lahat nagiging pinaka masuwerte.

Ang korni sa pandinig pero iyon talaga ang totoo.

But in my case... ako ang pinaka malas sa lahat ng suwerte. Why? Wala lang namang alam na gawaing-bahay ang babaeng gustung-gusto ko makasama habang-buhay. But I guess, it would be well paid by her mere presence and smile every day of our lives together.

Ang cheesy, shit!

"Let's make a plan together..." I made a finish touch in my draft then I dropped my body to my bed.

Future... whatever lies in it, I want it to be with her. Being with her is enough.

"Baby, oh... when my world falls behind, I just look into those eyes... And see the story of love..."

Hay... it's been a while. Nami-miss ko na si Lianne. Kanina pa sila umalis at mukhang nag-enjoy yata sila na hindi niya man lang ako naisipang i-text sa kung ano'ng ginagawa nila ngayon.

Kaya kahit makaistorbo man ako sa kanila, I dialed her number to check on her. Nakailang ring ang cellphone niya bago niya sinagot iyon.

"Bakit?" I never imagined this word as a greeting until now. Wow lang!

"Wow! I miss you, too, babe!" I said full of sarcasm kahit totoo naman talaga ang sinabi ko.

"Why are you calling?" Biglang na lang singit ng lalaking boses galing sa kabilang linya. Of course, it's Renz.

"I just want to check out if my girlfriend is fine," I answered in a proud tone.

Well, totoo namang girlfriend ko ang kasama niya! Aba? Mabuti nga at pinagbigyan ko pa siya na i-date ang girlfriend ko. Pero kung hindi ko lang alam na hinahanap-hanap niya iyong babaeng nakilala niya sa Boracay, nunca na papayag ako sa mga gusto niya ngayon. Iyang panliligaw niya kay Lianne? Imposibleng totohanin niya. I've heard him talking to someone in his phone and his really looking for that girl named Wendy, and not Lianne.

"Of course, she's fine with me," pikong sagot niya kaagad.

Ang dali talaga nitong asarin. Napaka mainitin ng ulo.

Hindi pa man ako nakakapagsalita para sana lalo siyang inisin ay nagsalita na ulit siya.

"'Di ba, may usapan na tayo?" he asked, almost a hiss.

I know, I know... but what can I do? I missed my girlfriend. Wala naman sa usapan namin na hindi ko puwedeng ma-miss si Lianne.

"I just miss her—"

"Okay, bye! H'wag ka nang mang-iistorbo!" Then he cut off the line.

Napatingin na lang ako sa screen ng cellphone ko at napailing. Iyong bugnutin talaga na 'yon, parang palaging may dalaw. Daig pa si Lianne, eh.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon