She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32

16.5K 180 54
  • Dedicated kay to all the graduates of batch 2011-2012
                                    

Chapter Thirty-One

Lianne's POV

Thursday morning and I woke up so early.

"Good morning sa inyo! Sweet and mild ang kasama ko... Tamis na 'yong hatid... umaga ay walang pait!" ayan ang kinakanta ko habang nag-aayos ako.

Hindi pa ako nagkakape kaya 'yang commercial jingle ng Nescafe ang kinakanta ko. Hindi ko rim mapigil ang ngiti kong abot sa magkabilang tainga ko. Feeling ko, mas lalo akong gumanda ngayong araw. Nakakaganda talaga lalo ang pagiging masaya.

Kaya pala gusto ni Ejhay iyong mga ngiti ko dati... kasi mas maganda ako. Siguro na-in love siya sa ngiti ko dati? Echos! Ang OA ko na naman.

Bumaba na ako pagkatapos kong mag-ayos at nagpunta sa dining area. First time naming magsasabay-sabay kumain ng breakfast. Happy family!

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanila pagkabungad ko sa dining hall.

Ako na lang pala ang hinihintay nila. Nakaayos na ang lahat sa lamesa at nakaupo na silang lahat sa mga upuan nila. Mukhang hinihintay talaga nila ako.

Mabilis na lumapit ako sa kanila at humalik ako sa kila Mommy at Daddy. Huli kong hinalikan si Ate Hannah.

"Good morning, ate," bati ko pa sa kanya.

May espesyal pa talaga siyang bati mula sa akin. Well... what can I say? Ganoon talaga dapat ang magaganda.

"Good morning, baby sis!" masiglang bati niya rin sa akin.

Para naman akong kinilig sa endearment niya sa akin. Baby sis... that's just so sweet! Kahit si Mommy at Daddy ay napangiti sa amin.

Paupo na sana ako sa upuan sa tabi ni Daddy pero natigilan ako. Mali ang sitting arrangement namin. Dapat dito na nakaupo si Ate Hannah. 'Di ba, ganoon iyon? Kung sino ang mas matanda, siya dapat ang nakaupo sa tabi ng kabisera.

"Wait... you should sit beside Dad," sabi ko kay Ate Hannah.

Natigilan naman siya at parang nag-alinlangan sa sinabi ko. Nang hindi siya kumilos ay lumapit ako sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat.

"Come on, ate... it's fine," I assured her.

Tumayo siya pero alanganin pa rin ang galaw niya at tumingin pa siya sa magulang namin na parang humihingi ng permiso pero hindi siya binigyan ng sagot ng mga ito.

"I don't think—"

"Please..." nakangiti kong putol sa kung anuman ang sasabihin niya.

Wala na siyang nagawa kundi ang lumipat kahit parang napipilitan lang siya. Umupo naman ako sa tabi niya kung saan siya kanina nakaupo. Tahimik kaming nagsimula kumain. Pero hindi man kami nagkikibuan, parang lahat kami ay magaan ang pakiramdam.

"Ate Hannah, do you still go to school?" basag ko sa katahimikan.

Natigilan naman silang lahat sa tinanong ko at napatingin silang lahat sa akin na parang may nasabi akong mali.

Bago pa makasagot si ate Hannah, si Daddy na ang nagsalita. "She stopped this semester. Kailangan na muna niya magpagaling."

Noon ko lang naalala na may sakit nga pala siya. Nakaramdam na naman ako ng guilt dahil sa pang-uusisa ko. Halata kasi na nalungkot siya dahil doon. Sino ba namang ang gustong tumigil sa pag-aaral?

Ibinaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor at hinawakan ko siya sa balikat. "When you get better, sabay tayong papasok sa school, Ate..." Then I smiled.

"O-of course..." Napangiti na ulit siya. "I'll get better soon."

Nawala ang awkward na atmosphere at bumalik kami sa masayang pagkain. Pagkatapos naming kumain ng almusal ay nagpunta na ako sa kabilang bahay. Si Mark kasi ang maghahatid sa akin sa university.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon