Bet Your Heart ♡ Chapter 15

23.4K 232 69
                                    

Chapter Fifteen

Wendy's POV

"Pero puwede bang ako muna isipin mo habang ako ang kasama mo?" Lumingon ako sa kanya at hinawakan ko ang isang braso niya. "Puwede bang wala munang Lianne? Puwede bang si Wendy lang muna?"

Nagkatitigan kami at nabasa ko sa mga mata niya ang awa. Napangiti na naman ako ng pilit.

Ayokong kaawaan ako ng kahit sino. Sino ba naman ang may gusto niyon? Hindi ko dapat sinabi iyon. Hindi dapat ako mapakita ng kahit anong kahinaan sa kanya. Ang pathetic ko tuloy. Mukha akong nanglilimos ng atensiyon niya.

Bakit ba ako nagiging ganito sa kanya? Napabuntong-hininga na lang ako nang wala akong makuhang sagot.

Tumayo ako. "Tara na nga. Nagugutom ako," aya ko sa kanya, at inabot ko pa ang kamay ko para tulungan siyang makatayo.

Tinanggap niya naman iyon para tumayo na rin at nang makatayo na siya ay inakbayan niya ako.

"Ipapakilala kita kila Mama mamayang dinner, kaya mag-snacks na lang muna tayo ngayon. And I won't accept a 'no'," wika niya na may kasama pang hand gesture ang isang kamay niya na hindi nakaakbay sa akin.

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Ano pa ba ang magagawa ko? Hindi daw siya tatanggap ng 'no'. Edi, okay. Bahala na mamaya kung paano niya ako ipapakilala sa parents niya.

Siguro naman, mababait din sila.

Napadpad kami sa isang café dahil nga snacks lang ang kakainin namin. Magkatabi kaming umupo sa isang table malapit sa glass wall ng café kung saan kitang-kita pa rin ang beach at ang papalubog na araw.

"Wendy..." tawag niya sa akin. "Kanina pa ganyan mukha mo, ngumiti ka nga. Sige ka, papangit ka," dagdag niya pa na parang kumakausap ng bata.

"S-sorry. Pagod na siguro ako," pagdadahilan ko at ngumiti na naman ako ng pilit sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. "Sige, after natin kumain ihahatid na kita sa hotel mo para makapagpahinga ka. Ipapakilala kita kila Mama, remember? Ayoko namang ganyan ang mukha mo kapag ipinakilala kita sa kanila. Baka sabihin nila Mama lagi kang nangungunsumi sa'kin," medyo pabiro niya pang sabi at pinisil niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

Napangiti na talaga ako ng totoo sa gesture na ginawa niya. Ang sweet kasi ng pagiging palabiro niya. And it really lightened up my mood.

Sana lang... hay, never mind.

"'Ayan... dapat ganyan palagi ang ngiti mo," sabi niya pa while smiling also.

"Oo na po," natatawa ko nang sagot.

Dumating na rin maya-maya ang orders namin. Nagkukwentuhan kami habang kumain. Ang dami-dami niyang kwento tungkol sa mga kalokohang ginawa niya noon, kaya tawa ako nang tawa. Parang hindi nga ako nabusog sa kinain ko, pero sa kakatawa sa mga kwento niya ako nabusog.

"Let's go. Para makapagpahinga ka," yaya niya maya-maya matapos kaming kumain.

Tumango na lang ako at umalis na kami doon.

Naglalakad na kami papunta sa hotel na tinutuluyan ko nang naramdaman kong hinawakan niya ako sa kamay. Napatingin ako sa kamay naming dalawa at umangat ang tingin ko sa mukha niya. Nakita kong diretso lang ang tingin niya sa dinaraanan namin. Kaya ibinalik ko na lang ang tingin ko sa mga kamay naming.

Parang bumilis ang tibok ng puso ko sa paghawak niya sa kamay ko. Hindi ko maintindihan.

Kinakabahan ba ako?

Hindi ko din magawang bawiin ang kamay ko. Kaya hinayaan ko na lang ang magkahawak naming kamay. Nag-pretend na lang ako na parang wala lang sa akin iyon.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon