Bet Your Heart ♡ Chapter 47

18.4K 196 60
                                    

Chapter Forty-Seven

Lianne's POV

Pagkapasok ni Mark sa bathroom ay hindi pa rin ako bumangon sa kama niya. Ang sarap kaya humiga rito. Ang lambot ng kama niya, hindi katulad ng sa ibang lalaki na medyo matigas ang mattress. Malambot itong sa kanya pero hindi naman kasing lambot ng kama ng babae.

Tapos, hmm... Inamuy-amoy ko ang comforter niya. Ang bango pa kaya masarap talagang higaan. Ibinalot ko pa sa katawan ko iyon at nagmukha akong sausage na ibinalot sa dough.

Pumikit ako at dinama pa ang lambot ng kama niya pati na rin ang amoy nito na kasing amoy ni Mark. Nakaka-adik ang amoy niya at hindi masakit sa ilong katulad ng sa ibang lalake pero hindi rin naman katulad ng pangbabaeng amoy. Masculine pa rin at nakaka-turn on...

Oopss! Turn on, Lianne?!

Well, anyway... isinubsob ko pa ang mukha ko sa unan niya na mabango rin. Ano kaya ang shampoo at bath soap niya?

Ahh! Bakit ganito? Nakaka-adik talaga ang amoy niya. Parang gusto ko na lang dito matulog palagi... na katabi siya. Echos!

Napatihaya ako at napatitig ulit sa kisame.

Ganito ba ang epekto ng nararamdaman ko sa kanya? Ganito ba kapag in love ka sa isang tao? Lahat ng tungkol sa kanya ay gusto mong malaman. Hindi naman ako ganito sa mga ex-boyfriend ko. I don't really care about them. At lalong wala akong pakialam kung ano man ang sabon at shampoo na gamit nila! Ang alam ko lang noon, boyfriend material sila na puwedeng ipang-display sa campus.

Am I really falling in love with Mark?

Napapikit ako habang iniisip ang kasagutan sa tanong ko at hindi ko namalayan na hinatak na pala ako ng antok sa pagtulog. Marahil ay dahil sa napakakumportableng pakiramdam dito sa kama niya.

∞∞∞

Mark's POV

Mabilis akong naligo dahil ayoko nang paghintayin pa ng matagal si Lianne. Mahirap ng masintensyahan ng wala sa oras.

Paglabas ko ng bathroom ay nagulat ako nang makita kong nakahiga pa rin sa kama ko ang diyosa. Balot na balot siya ng kumot ko at mukhang nakatulog na yata.

Napangiti ako. How lovely is it to see your girl sleeping on your bed? And would it be lovelier if I was there beside her?

Lumapit ako ng tahimik sa kanya. Mukhang nakatulog nga talaga siya. Tsk! Ganoon ba kakumportable ang kama ko para makatulog siya agad, eh, saglit lang naman akong naligo?

Umupo ako sa gilid ng kama ko. Gumalaw siya at akala ko ay magigising na siya pero nanatili pa rin siyang nakapikit.

"Babe..." I softly uttered, then I ran my fingers through her hair.

Hindi siya sumagot. Napahimbing na yata ang tulog niya at parang ayaw ko na lang din siyang gisingin kaya tumabi na lang ako sa kanya. Tamang-tama, gusto ko pang matulog. Pero parang mas masarap siyang pagmasdan kaysa anupaman.

Itinukod ko ang isang siko ko sa kama at ipinatong ko sa palad ko ang gilid ng ulo ko. Nakatagilid ako to see the full view of her beautiful face.

Everything about her is just beautiful... her wit, her woman spirit, her being naughty and mischievous, her voice, her eyes and eyebrows, nose, cheeks, chin and lips.

Napangiti ako sa kabaliwan ko sa kanya at napatitig sa huli kong nabanggit. Hindi pa ako nakuntento, I touched it lightly with my thumb. I should have kissed these lips yesterday kung mas tumagal pa ang traffic at hindi kami nagulat sa busina ng sasakyan sa likod namin.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon