She Played Her Part ♡ Chapter 28

15.6K 161 38
                                    

Chapter Twenty-Eight

Lianne's POV

Nagising ako na masama pa rin ang pakiramdam. Pagtingin ko sa orasan, alas kwatro pa lang ng madaling araw. Ang aga-aga pa pala! Bakit ba ako nagising ng ganitong oras?

Pinilit kong bumangon kahit nahihirapan ako pero natigilan din ako kaagad sa paggalaw ng maramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy galing sa ilong ko.

Shit!

Napatayo ako at napatakbo papunta sa bathroom pagkakita ko sa dugo. Naligo ako kahit ang lamig pa at sinadya kong malamig na tubig talaga ang ipangpaligo.

Huminto rin naman kaagad ang pagdurugo ng ilong ko. Pero nagtataka ako kung bakit ako nag-nose bleed, hindi naman mainit sa loob ng kuwarto ko dahil bukas ang air conditioner. Nagno-nose bleed lang ako kapag sobrang init ng panahon.

Hindi kaya dahil sa mainit kahapon sa field ng university at ngayon lang nag-react ang katawan ko? Tsk! Ang abnormal talaga ng katawan ko minsan. Ang weirdo ko na nga kahapon ng dahil sa flash na napansin ko sa katirikan ng araw, 'tapos ngayon ang abnormal naman ng katawan ko.

Ganito ba talaga kapag maraming life changing circumstances ang nagaganap sa isang tao? Nagiging abnormal din ang katawan?

Paglabas ko ng bathroom, sakto namang pumasok si Mommy sa kuwarto. Ngumiti siya pagkakita sa akin.

Ang tagal kong hindi nakita ang ngiti ng Mommy ko. Parang sumikat na kaagad ang araw sa loob ng kuwarto ko dahil sa ngiti niyang iyon, kahit madilim pa sa labas. At naging warm din ang paligid ng kuwarto ko, kahit na malamig.

Napangiti na rin ako.

Umupo siya sa kama ko and she motioned me to come to her open arms. Lumapit naman ako at sinalubong din siya ng yakap. Napapikit ako at sobrang dinama ang yakap niya.

Grabe... ang aga-aga, ang drama ng buhay ko at gusto kong maiyak.

Mga ilang minuto na kaming magkayakap pero parang walang gustong bumitaw sa aming dalawa. Ang sarap sa pakiramdam ng yakap ni Mommy. Iyong sama ng pakiramdam ko kanina, medyo nawala dahil sa yakap niya. I'm like a kid who needs her mother's caress to feel okay.

"M-mommy..." parang isang dekada ko ring hindi nasabi ang salitang iyon. Nahirapan pa akong banggitin dahil para iyong bagong salita sa akin.

Hindi siya sumagot, hinaplos niya lang ang likod ko na prang hinehele ako. Gusto ko na lang ulit matulog habang yakap niya ako.

"Nagpapasalamat ako kay Mark... napauwi ka na rin niya sa wakas." Inilayo niya ako sa kanya at pinagmasdan niya ako.

Gusto ko sanang sabihin na hindi naman dahil kay Mark kaya ako napauwi na lang bigla. Pero hindi ko na lang sinabi, may nagawa rin naman si Mark para mapauwi ako. Takot ko lang na hindi niya ako i-date? Joke! Of course, he also pushed me to go home.

"Mom..." tawag ko ulit sa kanya.

May gusto akong itanong pero hindi ko alam kung dapat ko pa bang itanong iyon. Gusto ko lang naman malaman kung anong mga nangyari noon. Kung paano niya nagawang magpatawad kaagad at kung paano niya natanggap kahit sobrang sakit para sa kanya ng mga nangyari.

Dahil para sa akin, parang napakahirap gawin niyon. Napakahirap na tanggapin lahat. Kung hindi pa siguro sinabi sa akin ni Ejhay ang mga sinabi niya noong nakaraan, baka hanggang ngayon hindi ko pa rin matatanggap at baka nga hindi ko na tanggapin kahit kailan.

"H-how did you... how did you accepted everything?" tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang mga kamay ko.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon