Still Playing ♡ Chapter 4 & 5

14.5K 166 22
                                    

Chapter Four

Lianne's POV

Hay... ang sarap gumising kahit kulang pa ang tulog. Or nakatulog nga ba ako kagabi? Oh, well... this could be just an ordinary day. Another day to live but I'm not sure if prepared enough to go on.

I sighed then I shook my head to drop that thought on my mind.

Every morning should be welcomed with a smile. So, I posted a sweet smile on my lips, like I used to. I stretched my arms upward. Then I let out another sigh.

Tumayo na ako at nagpunta ng bathroom para maligo. At dahil maaga pa naman, gusto ko munang magbabad sa malamig na tubig sa bathtub. Hindi naman mainit ang paligid, gusto ko lang talaga sa malamig ngayon.

I poured the tub with water and put liquid soap, then I dipped one of my feet, testing the coldness of the water. I shivered a little. But then, I dipped my whole body afterwards.

Pumikit ako at dinama ang lamig ng tubig. Parang gusto ko pang lagyan ng yelo itong tub. Para mamanhid ang buong katawan ko.

Flashes of memories intrusively entered my mind. Nangilid ang mga luha ko at kahit anong pigil ko ay walang pakundangang tumulo ang mga iyon. Umiling ako at natawa sa sarili kong habang nakapikit pa rin.

I wanted this! Bakit ko kailangan palaging umiyak? Bakit ba ang hirap pigiling tumulo ng mga luha? At bakit ba ang hirap pigilin ng nararamdaman?

Parang may rubber strap na nakakabit sa akin at nasa kabilang dulo si Mark. Habang lumalayo ako sa kanya, lalong lumalala ang paghila nito sa akin pabalik sa kanya. Pero alam kong kapag nagpahatak ako pabalik sa kanya, masasaktan ko lang siya sa impact ng pagbalik ko at ganoon din ako.

Mas mabuti pang maputol na lang iyon. Masasaktan pa rin kami pareho, pero at least, iyon na ang huli. Dahil wala na ang nagkokonekta sa amin. Hindi na ulit kami masasaktan.

O hindi nga ba?

Parang gusto ko na lang magpakalunod dito sa bathtub. Pero siyempre hindi ko gagawin iyon. Mababawasan magaganda sa mundo.

Shit happens, but life goes on nga, 'di ba?

Lalake lang iyan! Sabi nga nila, there are plenty of fish in the sea.

But the fish you are looking for is always as far deep down as they could possibly be. Kailangan mo sumisid pailalim, sasakit ang ulo mo dahil sa pressure, puwede ka ring malunod o makain ng mga malalaking isda. That's how hard to search for a good catch... to find love. Pero hindi naman isda ang hanap ko kaya hindi ako sa dagat maghahanap.

Hindi ko naman alam kung matatawa ako sa sarili ko o ano. At one moment I'm trying to console myself, then another moment, I'm hurting myself.

Naaaliw ako sa pagbababad sa bathtub at sap ag-iisip ng kung anu-ano. Halos wala ng bula ang tubig. Pinaglaruan ko ang ilan pang mga bula doon. Habang ginagawa ko iyon, unti-unti ring pumuputok ang mga natitirang bula.

Nakakatuwang pagmasdan ang pagputok ng mga bula. Pero mas nakakatuwa sana kung parang bula na lang din na nawawala ang nararamdaman ko para kay Mark.

Naloloka na talaga ako. Sa lahat na lang ng bagay naikukumpara ko itong nararamdaman ko!

"Baliw ka, Lianne..." kausap ko sa hangin at ngumiti na naman ako.

Baliw na nga talaga ako.

Maya-maya umahon na rin ako sa bathtub at mabilis nang naligo. Nilalamig na rin kasi ako. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, nagtimpla ako ng kape. Ito lang ang aalmusalin ko dahil tinatamad ako maghanda ng pagkain.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon