Bet Your Heart ♡ Chapter 25

20.8K 206 32
                                    

Chapter Twenty-Five

Mark's POV

Nakaupo lang ako sa sofa habang hinihintay na magising si Lianne. Ang sabi kasi ni Mama, huwag ko na lang daw siyang gisingin at hinintay na lang na bumaba dahil baka lalong mainis sa akin kapag inistorbo ko ang tulog niya.

Naihanda ko na ang sarili ko. Tapos na akong maligo, magbihis, magpabango at magpapogi sa harap ng salamin haggang sa mabasag. Joke! Handa na rin talaga ako sa pag-amin ko sa kanya. Pero siyempre, hindi pa rin nawawala ang kaba.

Grabe! Para akong elementary student na unang beses makakausap ang crush. Nakakatawa! Pero wala na talagang urungan ito.

Nang hindi pa rin siya bumababa ay pumunta ulit ako sa music room para kunin ang CD kung saan naka-save ang ni-record ko.

Napabuntong-hininga pa ako nang mahawakan ko na ang CD. Ito na talaga. After this day, everything will be real. No more games, just the real thing.

Bumuga ako ng hangin saka humiling na huwag na sana ako pumalpak pa ulit ngayon dahil kapag naging epic fail na naman ito, hindi ko na naman alam kung kailan ulit ako magkakalakas ng loob.

Be a man, dude! sabi ko pa sa sarili ko.

Huminga ulit ako ng malalin at lumabas na ako sa music room. Dumiretso ako sa garden kung saan inihanda ni Mama ang meryenda.

Ginutom na naman ulit ako pagkakita ko sa pagkain. Pero kahit ang gutom, natatalo ng kaba ko.

"Gising na ba si Lianne, anak?" tanong ni Mama nang makita ako at nilapitan niya pa ako para ayusin ang kuwelyo ng damit ko.

Umiling ako at alanganing ngumiti sa kanya.

"Bakit mukhag kinakabahan ka?" puna pa niya sa hitsura ko. "Para namang hindi mo pa girlfriend si Lianne kung kabahan ka ngayon." Then she laughed.

Kung alam mo lang, 'Ma, ang kalokohan namin ni Lianne, gusto ko sanang sabihin pero itinago ko na lang.

"Huwag kang kabahan. Siguradong hindi ka naman matitiis ni Lianne." Alam kong hindi naman pinapalakas ni Mama ang loob ko, but somehow, nabigyan niya ako ng lakas ng loob.

She knows how to make my nerves calm. She's really my mother.

"Thanks, 'Ma," nakangiti nang sabi ko.

She tapped my cheek. "Sige na. Gigisingin ko na si Lianne. Hindi pa naman yata siya kumakain ng lunch and it's already three-thirty. Kawawa naman."

Umalis na si Mama at para na naman akong pusang hindi mapaanak na paikot-ikot sa isang parte ng garden namin. Dinadaga na naman ang dibdib ko.

Paulit-ulit lang ako sa paghinga ng malalim ay pagbuga ng malakas. Daig ko pa ang nanganganak sa breathing exercise na ginagawa ko. Para na naman akong timang.

Umupo na lang ako sa pagbabakasakali na maging kalmado ako pero kakasayad lang ng pang-upo ko sa upuan ay napatayo rin agad ako sa malakas na sigaw galing sa loob ng bahay namin.

"Mark!" It's Mom. "Si Lianne! Oh, my God! Mark!"

Natatarantang napatakbo ako papasok sa loob ng bahay at inilang hakbang lang ang hagdan paakyat ng second floor kung nasaan ang kuwarto ni Lianne.

∞∞∞

Lianne's POV

I heard a Knock. Kanina pa ako gising but I don't feel like moving or getting up from my bed. Feeling ko kapag ginawa ko iyon ay iikot ang paningin ko at babagsak ako. So, minabuti kong huwag na lang muna bumangon.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon