Still Playing ♡ Chapter 6 & 7

14.6K 187 31
                                    

Chapter Six

Lianne's POV

Sa mga sumunod na araw, si Renz ang madalas kong kasama. Perfect attendance na nga niya ang buong linggo. At sa tuwing kasama ko siya, hindi niya nakakalimutang ipamukha sa akin na mali ang ginawa kong pakikipaghiwalay sa kuya niya.

Kahit paulit-ulit ko lang na sinasabi sa kanya na hindi ko mahal si Mark, hindi pa rin siya naniniwala. At ang malala pa, hindi niya ako hinahayaang maglalalapit kay Ejhay! Kapag nakikita niya akong kausap ko si Ejhay ine-excuse niya ako at sinasabihan niya ako na huwag makipag-flirt kay Ejhay!

Flirt talaga ang term niya!

Pero napapansin kong blooming talaga siya araw-araw. Nagdududa na tuloy ako kung hindi nga ba sila nakakapag-usap ni Wendy katulad ng sinasabi niya. Mas blooming pa siya sa akin! Pero sabi nga nila... kapag galing daw sa break-up, nagiging blooming. Bakit ako hindi? I look miserable!

Ang mga bruha naman, hindi ko inaasahang makikisimpatya sila sa akin kahit hindi naman nila alam ang nangyari. Pinagpaplanuhan na nila kung paano ito-torture si Mark! Kay Faye daw ang abs, kay Trace naman ang lips at kay Myleen naman iyong... that thing in between the thighs! Ugh!

Ang mga walang hiya... nakuha pang pagparti-partihin ang mga pinagnanasahan nilang parte ng katawan ni Mark! At oo, pinagnanahasan talaga nila si Mark! Ang masama pa, hindi man lang nila ako binigyan ng kahit hinliliit lang ng paa ni Mark!

Ang dadamot nila!

On the way na ako pauwi sa bahay. Ipinasundo ako ni Mommy dahil Friday ngayon and she insisted na ipasundo ako. Feeling niya siguro ay hindi na naman ako uuwi katulad ng nakaraang weekend. At balak ko nga sana ulit gawin iyon.

Masyado kasi akong napagod nitong mga nakaraang araw dahil sa paghabol sa mga lessons namin at mas nakakapag-focus ako sa unit ko dahil walang gaanong distractions.

Pero hindi ako ipinasundo ni Mommy dahil nami-miss niya na ako. Ipinasundo niya ako dahil walang kasama si ate Hannah ngayon sa bahay kundi ang mga kasambahay. Nasa Cebu sila ngayon ni Daddy, doing some business.

So pinauwi talaga ako para magbantay sa ate ko. Oh, well... I don't mind. Huwag lang sana magpupunta si Mark sa bahay ngayong weekend and everything will be fine.

Napapikit ako. I'm so tired and I just want to lie down to my bed. I intentionally made myself busy these days to avoid thinking about Mark and my feelings for him. Kapag hindi ako busy sa theater, sumasama ako sa mga activities ng student council. Kapag wala akong paper works na gagawin pag-uwi, I borrowed some books from Tracy or in the library to keep myself occupied.

Although, sometimes I just suddenly stop in the middle of whatever I'm doing because he entered my mind. But it's just for few seconds and I can manage to focus again with what I was doing.

Pero ang masama, palagi pa rin siyang present sa panaginip ko. I'm always happy with him in my dreams and it pains me every time I wake up. There were times that I don't want to sleep, but there were a lot more times that I don't want to wake up anymore just to be happy with him.

Napabuntong-hininga ako at kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Then I texted Renz.

I'll be at home tonight.

I sent it and after less than a minute, nakatanggap agad ako ng reply galing sa kanya.

O'ryt... I'll be there too.

Napangiti ako. Perfect attendance na talaga ang best friend ko. Kung mayroon mang magandang idinulot ang break up namin ni Mark, iyon ay ang pagbabalik ng closeness namin ni Renz. Kahit palagi niya lang akong kinukunsensiya—which he doesn't believe that I have—sa ginawa ko sa kuya niya, at least, I don't have to ask him to be around these days.

♡ Playing Love Games ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon