Ako Na Lang

1.9K 47 0
                                    

11-2-13

Daniel's POV

"Sobra ko na bang sama? Nagpapakabait naman ako eh. Bakit ako pa?" Umiiyak na bulong ng bestfriend ko. Nakakainis. Iniiyakan na naman niya yung leschugas na lalaking 'yon. Ugh.

"Bes, di ka nagkulang. Sadyang tanga lang yun at pinakawalan ka pa." Eh kasi naman eh. Ako nahihirapan dito eh. Kung nasasaktan siya, mas nasasaktan ako. Ikaw ba naman? Makita mo yung babaeng katagal tagal mo nang pinapangarap na naiyak dahil sa ibang lalaki, sino ba naman di masasaktan nun?

"Am I not that good enough? Ako pa napaglaruan?" Ako din Kath, napaglaruan ako ni Kupido. Stupido kasi, tatanga tanga pumana. Sayo pa 'ko tinamaan. Tsk tsk.

"No Kath, wag mong isipin yun. Full package ka na nga eh. Siguro, di lang talaga kayo para sa isa't isa. Ang dami daming lalaking nagkakandarapa sa'yo, 'bat dun ka bumagsak?" Ang dami kong kaagaw. Ugh.

"Mahal ko siya eh.... Mahal na mahal. To the point na isa-sakripisyo ko ang kaligayahan ko para sa kanya." Parehas pala tayo Kath eh. Ang pinagkaiba lang, kahit buhay ko isasakripisyo ko para sa'yo.

"Wala tayong magagawa Kath. Madaming manloloko at tatanga tanga sa mundo." Ako din tatanga tanga. Ay mali pala, yung puso ko pala. Tatanga tanga, sa taong may mahal na iba pa nagmahal. 

Sumandal siya sa balikat ko kaya niyakap ko siya sa bewang tsaka pinatong ang ulo ko sa ulo niya. Walang malisya 'to ah. Pero sa totoo lang, parang may ewan sa tiyan ko na nagdidiwang. Yung puso ko nagmamala-kabayo.

"Daniel, sa tingin mo minahal ako ni Quen kahit isang segundo lang?" Bigla niyang tanong. Aish. Kumukulo talaga dugo ko pag naririnig ko ang pangalan nung epal na yun.

"Why ask me? Naramdaman mo ba?" Tanong ko pabalik. Pero kung sa'kin, di niya minahal si Kath. Kasi ako lang ang magmamahal kay Kath.

"Wala. Yung kasweetan niya naman ang nakapagpahulog sa'kin eh." Ako nga, wala ka pang ginagawa, nahulog na ko agad. 'Bat ganun?

"Sana pinigil mo na nung naramdaman mong nahuhulog ka na. Mahirap kasi 'yan eh." Ako din, sana pinigil ko na matagal pa. Tanga ka Daniel. Ako Na Lang kasi Kath. Ako Na Lang.

"Oo nga noh. Teka, may pinanghuhugutan ka Deej? Galing mag-advice ah? Uy may mahal ka noh? Sino yaaaaaaan?!" Tignan mo 'to. Nagjojoke pa eh nasasaktan na. Loko eh noh? Magbestfriend nga kami. >.>

"Wala. Sadyang gwapong matalino lang ako chong!" Yabang eh. Gwapo naman talaga ako, yung matalino medyo nasa bingit. :PP

Tumawa siya. Yes. Ang hirap patawanin nito kapag may problema eh. Medyo mabilis ngayon. Dati rati ay dalawang araw bago ko mapangiti to.

Bigla ulit siya sumeryoso. "Pero seryoso, inlababo ka pards?" Natigilan ako. Ee. Baka madulas ako. Fck.

"Ha? Di noh. Wala pa yung girl of my dreams ko eh." Parang lumungkot siya. Is it just me or what? Gustong gusto ko sabihing 'Oo, at sayo ko na-inlababo. Nasa tabi ko yung girl of my dreams ko.' Pigil pigil din. Natatakot ako sa sasabihin niya eh.

"Pag nakita mo na, pakilala mo na agad sa'kin ha?" Di ko na kaya.

Tinanggal ko yung kamay ko sa bewang niya. "Well then Bes, meet Kathryn, the girl of my dreams." Bleeh. Bahala na.

Napatingin siya sa'kin. At bigla akong binatukan. Aish. "Aray naman." Bigla niya 'kong Inirapan

"Nakakabadtrip ka! Ikaw may kasalanan nito ehh!" Gigil na gigil siya eh. Ano na namang nagawa 'ko?

"Ako pa may kasalanan? Di nga kami magkasundo sundo nung lokong yun eh." Hinihimas 'ko yung parteng binatukan niya. Sakit kaya mam batok nito.

"Ang torpe mo! Kung sinabi mo agad agad edi tayo na?" Inis na inis niyang sabi. Yun lang pala--------- ANO DAW?!

"HA?!" Di ko magets eh. Slow ako. >.< "Sige, pa-simplehin natin, MAHAL KITA. Gets mo na?" Panong nangyari--?

"Pero si Quen---" "Let's say na minahal ko si Quen dahil gusto 'kong pigilan yung nararamdaman ko para sayo." Aish Daniel. Tanga ka talaga. >.<

"T-talaga?" Binatukan niya ko ulit. Wah. "Ayaw mo ba?" Niyakap ko siya nang mahigpit.

"Di mo alam kung gano ko hinihiling na sana, Ako Na Lang. Yun pala, Ako Lang talaga." Binulong ko sakanya at tumawa siya.

"Kung sinabi mo nang maaga aga diba?" "Dyahe kasi pag agad agad." Diba?

"Oh ano? Tayo na?" Tinusok tusok ko yung tagiliran niya tas taas baba yung kilay ko. Pang asar lang diba? "Aba! Manligaw ka muna!" Oks na oks sa'kin.

"Punta ko sa inyo mamaya. Papaalam ako kay Mama at Papa." Pinalo niya ko sa braso. "Aba! Kung maka-Mama at Papa to ah!"

"Di pa ko tapos. Mama at Papa MO!" Palusot lang. "Wehh? Palusot.com!" 

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now