Bet Your Heart ♡ Chapter 18

22.3K 221 49
                                    

Chapter Eighteen

Lianne's POV

Paggising ko kinabukasan, ang sama ng pakiramdam ko. Bukod sa kulang ako sa tulog dahil pinuyat ako ni Mark, I mean... ng sinabi ni Mark bago siya umalis, ay masakit din ang puson ko. May girl thing na naman ako at dini-dysmenorrhea ako.

Kung kailan last day na ng vacation namin dito sa Boracay saka pa ako nagkaroon ng dalaw. Hindi na naman ako makapag-enjoy nito. Nakakaasar lang, 'di ba? Puro kabuwisitan lang ang napala ko rito sa Boracay. Nasaan ang hustisya?!

Whatever... kahit magreklamo ako maghapon dito, hindi naman mawawala 'to.

Pinilit kong tumayo sa higaan at dumiretso sa banyo. Mabilis akong naligo. Pagkatapos ay nakaramdam naman ako ng kaunting ginhawa sa katawan. Napreskuhan ako kahit papaano. Pero hindi pa din nawala ang sakit ng puson ko.

Ugh! Bakit kasi ngayon pa ako nagkaroon?! 'Kaasar talaga!

Naupo na lang ako sa tabi ng bintana at nag-sightseeing. Naghanap ako ng mga lalaking may abs. At wala pang five minutes, may nang-istorbo na sa paghahanap ng mga mata ko ng abs, may kumatok sa pinto.

Tinatamad na tumayo ako at pinagbuksan ng pinto ang kumakatok. Bumungad sa akin ang taong mapagbubuhusan ko ng init ng ulo kung sakaling hindi siya umalis kapag itinaboy ko siya.

"Good morning!" enthusiatic na bati ni Mark sa akin.

I just stared at him at kahit gusto ko siyang pagbasakan na lang ng pinto ay hindi ko magawa dahil wala akong lakas at nakakapit lang ako sa doorknob to support myself. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa sakit ng puson ko at idagdag pa na hindi pa ako kumakain. Pero kahit gutom ako, nangingibabaw pa rin ang masakit sa akin.

Nawala rin agad ang sigla sa mukha niya nang mapansin niya ang hitsura ko at napalitan iyon ng pag-aalala.

"H-hey!" wika niya at hinawakan ako sa braso. "Ano'ng nangyari sa'yo? May sakit ka ba? Bakit namumutla ka?" sunud-sunod niyang tanong at hinawakan pa ako sa noo gamit ang isa niya pang kamay na parang tinitignan kung may sakit ako.

"I'm fine," matamlay kong sagot sa kanya kasabay ng paghawi ko sa kamay niyang nasa noo ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Of course, you're not fine. Ang putla mo kaya!"

Psh! Halata naman pala, 'tapos nagtatanung-tanong pa siya? Kung hindi lang talaga ako nanghihina ngayon, baka nasabunutan ko na itong lalaking ito sa harapan ko.

"I'm okay. Natural lang 'to sa'kin," sabi ko ulit.

Bumakas naman ang pagtataka sa mukha niya. Malamang, hindi niya na-gets ang sinabi ko. Paano naman kasi magiging natural na namumutla ako, eh, wala naman akong sakit?

"I-I have a girl thing, kaya natural lang 'to," alanganin kong sagot sa pagtataka ng mukha niya at huli na nang ma-realize kong nakakahiya pala!

Bakit ba kailangan ko pang sabihin sa kanya?! Kahit mamatay ako sa dysmenorrhea ngayon, wala siyang pakialam!

"Ah..." Napatangu-tango siya. "Kaya mo bang bumaba para kumain?"

Ano'ng tingin niya sa akin, lumpo?! Siyempre, kaya kong bumaba! Pero ayoko kasi tinatamad akong kumilos.

Hindi pa man ako nakakasagot nagsalita na ulit siya. "I think you can't. Ako na lang ang bahala. Dito ka na lang sa loob at hintayin mo ako."

Pagkasabi niya niyon ay mabilis na siyang umalis kaya wala na akong nagawa kundi isara na lang ulit ang pinto. Hindi ko na din ni-lock ang iyon para kapag bumalik siya, pwede na siyang pumasok na lang at hindi na ako tatayo pa ulit.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now