#PSYAppreciationLunch

1.4K 45 0
                                    

04-7-16

Hope you guys won't expect this to be 100% precise.
Tinamad ako mag research, so ang tru lang yata dito e yung
Hindi sila sabay, ang harot ni tatay, yung event syempre,
Yung magaaral sila ng Spanish, yung after a month ang start ng shoot.
Basta!Hahahahahahaha

--------------------

Maagang nagising si Kathryn noong araw na yon, bagaman medyo pahapon na ang sched niya.

"Good Morning po." Matamang humalik siya sa pisngi ng mama niya at tumabi sa kuyang nakain na.

"Bunso, kiss." Asar ng kapatid niya. "Kuya!" Inis na sandig naman niya.

"Kiss lang ay, hay palibhasa yong si Daniel na lang ang kinikiss mo, hindi mo na mahal si kuya." Waring nagtatampo ito habang ipinagpapatuloy ang pagsubo ng pagkain, nakasimangot at halos mabilaukan sa rami ng nasa bibig. "Kuya naman e," Lumapit siya lalo sa katabi saka hinalikan ang pisngi ng nagtatampo.


"Okay na." Umakbay ito sa kanya at saka kiniliti ang tagiliran niya na nakapagpatawa sa kanya. "Aarte ka pa e, sumbong kaya kita kay ate Shannen."

"Bakit? Bawal na ba akong maglambing sa bunso namin? NagkaDJ ka--"

"Tama na kuya, kain na tayo." Natatawa naman si Kevin ng hilain na niya ang upuan palayo.

"I love you bunso!"

---------------------

Nagpapatuyo pa siya ng buhok ng makatanggap ng text.


Good Morning Love! :*


Na kaagad namang nasundan ng tawag mula muli kay Daniel.


"Good Morning!" Ang unang bati nito pagkasagot niya ng tawag. "Kumain ka na ba, Bali?"

"Mhm. All done," Tipid na sabi niya, "Oh, Good Morning too! Ikaw, kumain ka na po ba?"

"Yes, bal. Kakatayo ko lang actually." Tumawa ito. "Okay okay. You're up early huh."


"Owyes baby. I'm up for adventure!" Natawa nalang siya sa sinabi nito. "J, hindi naman adventure yung pupuntahan natin."

"I know, I know."


"Have you taken a bath na, babe?" Tanong niya. "Yes. Bali, maghahanda ka pa ata, I'll call again later."



"Okay okay, ikaw maghanda ka na rin, ha? I'll see you later." Siyang sagot naman niya.

"Mahal." Parang malungkot ito habang sinasabi iyon. "Sabay tayo. Sunduin kita. Please?" Lambing nito sa kanya.


Paano, kahapon pa ito nagtatampo sa kanya dahil lamang ayaw na nga niyang magpadaan pa.

"Love, no na. I'll see you at the venue. Okay? I love you."

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now