Bakit Labis Kitang Mahal

1.7K 34 0
                                    


5-23-15

"Aray Daniel! Wag kasi!" Naiinis na reklamo ni Kathryn habang sinusubukang paluwagin ang napakasikip na yakap nito.

"Urg!" Nanggigil na lalo pa itong yumakap sa kanya. Naramdaman niya ang unti unting pagkakaalis ng tapak niya sa sementadong sahig ng court.

Umikot ito ng ilang beses habang buhat buhat siya.

"Ish! Nahihilo ako tama na!" Tumatawa siya habang pinapalo ng mahina ang likod nito. Agad naman itong tumalima at ibinaba na siya.

"Nahihilo ka?" Lumuwag ang yakap nito. Isang braso na lamang ang nakapulupot sakanya habang ang isang kamay ay ipinangkapit sa mukha niya.

Damang dama niya ang init na nagmumula sa kamay ni Daniel. Nakangiti siyang humilig pa lalo dito.

"Pasok na tayo. Baka magkasakit ka pa."

--------------------

"Ikaw na." Aniya pagkalabas na pagkalabas ng banyo. "Tagal mo parin maligo." Nakangiting sabi nito at lumapit sa kanya.

"Sabi 'ko naman kasi sayo, dun ka na maligo sa room nila mama pero ayaw mo. Kung ako matagal parin maligo, ikaw matigas parin ang ulo mo." Panenermon niya dito. Naningkit ang mata ni Daniel.

"Hindi mo ba ako mahal?" Umiling nalang siya. Napakaisip bata talaga nito kung minsan.

"Kahit matigas ang ulo mo ay hindi naman kita nilalayasan. Siguro naman hindi kita mahal." Nagbabadyang sabi niya. Isang mahigpit na yakap nalang ang nakuha niyang sagot mula kay Daniel.

"I love you." Mahinang bulong nito bago humalik sa pisngi niya at tuluyan ng pumasok sa banyo.

Siya nama'y naiwan sa kwarto. Ang kwarto niya na mula pa man noon ay walang pinagbago. Halatang hindi naman ito nagagalaw o nalilinis. Bagong palit ang bed sheets at pillow cases.

Sa tabi ng kama ay ang maliit na mesang may nakalagay na nakaframe na litrato nila ni Daniel.

Napangiti siya. Ang litratong iyon ay kinuha noong nasa HK sila para sa unang anibersaryo nila bilang opisyal na magkasintahan. Kung makapilit pa nga noon si Daniel sa mga magulang niya para makasama siya.

Ngunit isang bagay ang nakakuha ng atensyon niya. Isang jar na may nakatapal na papel, nakasulat ang mga salitang Sana Maulit Muli.

Kinuha niya iyon dahil alam niyang para sa kanya iyon.

Pinuno ito ng iba't ibang uri ng papel. May ibang yung pangkaraniwan at mayroong ding may kulay at disenyo. Mukha namang maayos ang pagkakatupi sa mga ito.

Sabik na sabik niyang binuksan ang unang napulot. "Sana maulit muli yung mga oras na wala kaming pakialam kung anong pinaguusapan namin basta magkasama kami."

"Sana maulit muli yung mga araw na nagaalburoto siya at ako lang ang makakapagpakalma sa kanya."

"Sana maulit muli yung mga pagkakataong ang halik niya ang nakakapagtanggal ng lahat ng pagod 'ko."

"Sana maulit muli ang pagseselos niya sa mga ka-loveteam 'ko kahit alam niyang siya lang talaga."

"Sana maulit muli ang mga oras na ipinagluluto niya ako ng paborito 'kong pagkain."

"Sana maulit muli ang masasayang araw na kasama 'ko siya na bumubuhay sa akin sa ngayon.

"Sana maulit muli ang mga pagkakataong nagtatampo siya dahil ayaw 'kong sundin ang gusto niya."

Sa sobrang dami ay natagalan siya sa pagbabasa. Kasama pa ang paghinga niya ng malalim at ang pagpunas niya ng mga luha.

Pinulot niya ang nag-iisa nang papel sa ilalim ng lalagyan. Namanhid ang katawan niya ng makita niya ang nakalagay sa huling piraso ng papel.

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now