I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 43

744 27 3
By emmanoehl

CHAPTER 43

 

-=JESSIE=-

 

“Simple lang ang gusto ko kung may gusto kayong sabihin sakin alam n’yo kung saan ako makikita puntahan n’yo ako. ayokong makakarinig sa inyo ng tsismis. Kung meron man sa inyong nag kaka crush sakin dahil gwapo ako. sarilinin n’yo na lang yan! Wag na wag kayong magpapacute sa harapan ko. Single ako pero may nag mamay-ari na ng puso ko. kung pag bubutihin n’yo ang trabaho n’yo wala tayong magiging problema. Naiintidihan n’yo ba? Dito sa Company ko wala akong masyadong pinagbabawal. Kung gusto n’yong magdala ng anak bahala kayo siguraduhin nyo lang na hindi ito makaka apekto sa trabho n’yo. Kung anong gusto n’yo isuot bahala kayo! Kung gusto n’yo mag two piece nasa inyo na yan basta ayoko lang makakarinig na binabastos kayo dahil sa suot n’yo. Wala na akong sasabihin may pagkain sa likuran n’yo kumuha kayo tapos bumalik na kayo sa trabaho. Ayokong may nasasayang na oras.”  Pagkasabi ko non bumalik na ako sa office.

“Sir, gusto n’yo po ba ng coffee?” tanong ng secretary ko na halatang nagpapacute.

“Ms. Rodriguez, hindi mo ba narinig yung sinabi ko kanina? Kung hindi mo narinig o sadyang tanga ka lang uulitin ko! ayoko ng may nagpapacute sa harapan ko!” sigaw ko at halos kumaripas ito ng takbo pagkatapos kong sigawan.

Agad ko namang hinarap ang mga papeles na pipirmahan ko.

“Jessie!”

 

Bigla akong nag-angat ng ulo ng marinig ko ang boses ni Dennis at hindi nga ako nag kamali ng dinig.

“Ms. Rodroguez!”  tawag ko sa secretary ko.

“Sir, bakit po?”

 

“Sino ang nagbigay sayo ng karapatan na papasukin ang tao ito?” tanong ko sabay turo ko kay Dennis.

“Jessie, please hindi ako magtatagal may sasabihin lang ako!” seryosong sabi nito at dahil don napaisip tuloy ako sa gusto n’ya sabihin. Kaya sumenyas ako sa secretary ko na iwan na kami.

“Jessie, alam kong galit ka sak-.”

 

“Sabihin mo na ang sasabihin mo. Wala akong balak makipagdramahan sayo.” putol ko sa sasabihin n’ya sana. Lumapit naman s’ya sakin at may inabot na papel.

*James Ruiz

 

“Ano to?” tanong ko pagkabasa sa pangalang nakita ko.

“Jessie, papupuntahin ko s’ya dito para maging driver mo.”

 

“What?!”

 

“Jessie, hindi pwedeng palagi kang mag taxi tuwing may lakad ka delikado para sayo!”

 

“Nag punta ka dito para bigyan ako ng driver?”

 

“Jessie, please.”

 

“Kung kukuha ako ng driver kukuha ako hindi kailangang mang galing sayo.”

 

“Jessie, please! Pagkatiwalaan mo sana ako ngayon kahit ngayon lang.”

“Paano ko maniniwala sa isang taong sinira ang pangako n’ya sakin mismo. Nagtataka nga ako kung bakit buhay kapa. E diba buhay mo ang tinaya mo para sa pangako mong binali mo?”

 

“Jessie, alam kong galit ka sakin at hindi na ako umaasa pang mapapatawad mo ko. pero pare, please sa pamamagitan ng taong ito makakabawi ako sayo!”

 

“Anong ibig mong sabihin.”

 

“Basta pare, hanggang dito lang ang pwede kong sabihin dahil ayoko ng may pagsisihan gusto kong ikaw mismo ang makadiscover non.” Sabi nito tapos umalis na. bakit nga ba ako maniniwala sa kanya. kung pumunta man dito ang sinasabi n’ya tatanggapin ko ito pero hindi dahil sa pakiusap n’ya kundi dahil sa kailangan ko talaga ng driver.

-=JENNICA=-

 

“James, nagugutom na si Iscah magluto ka na ng ulam natin.” Sabi ko naman sa nakahilata nanamang si James.

“Bakit ba hindi na lang ikaw!”

 

“Alam mo namang hindi ako marunong.”

 

“Wala ka man lang bang silbi sa bahay na ito?”

 

“Dali na sigurado ko pag dating ni Thia gutom na s’ya.”

 

“Papa, sige na pretty pleaseee..”

 

“San mo nanaman napulot yan ha bata ka?” tanong ni James kay Iscah.

“Dyan lang po sa mga babae sa labas.”

 

“Naku wag mo nga silang ginagaya papanget ka!”

 

“Sige, na James mag luto ka na.” singit ko naman sa usapan nila tinignan lang n'ya ako ng masama tapos nagluto na s’ya. Palagi s’yang nagrereklamo pero sumusunod rin naman. Naalala ko tuloy kung paano nga ba s’ya napapayag na tumira ako dito.

*Flashback.

 

Pagkatapos kong ikwento sa nanay n’ya ang lahat ng nangyari sakin awang-awa ito sakin. sinabi ko ang lahat mula kay Christoff hanggang sa demonyo n’yang ama at pati kay Jessie. ako ang nagkkwento pero ang nanay ni James ang umiiyak. Yakap yakap n’ya ako. awang awa ito sakin.

“Kaya mas lalong dapat lumayas ka na dito samin dahil baka mamaya pati kami madamay d’yan sa gulo mo!” sigaw naman ni James. Pero magulo ang isip ko non at hindi ko s’ya pinapansin.

“Anak maawa ka sa kanya.”

 

“Maawa ma? Puro na lang kayo awa!”

 

“James, wag mong kakalimutan ang hirap na pinagdaanan ko ay halos katulad din nang sa kanya pero swerte akong may tumulong sakin at kumupkop satin. Ngayong may humihingi ng tulong gusto mo bang pabayaan ko?”

 

“Nay, hindi masamang tumulong pero sana ho maisip n’yo kung lahat ng tao lalapit sa inyo para humingi ng tulong saan pa tayo kukuha ng ikabubuhay natin!” sigaw nito tapos umalis na rin. Ayokong makagulo pa sa kanila kaya nung gabi ring yun inayos ko ang gamit ko para umalis na. naglalakad ako sa madilim na kalye ng may mga lalaking humarang sakin.

“Uyyyyy ang kinis.” Sabi ng isa.

“Ang puti!” sagot naman ng isa.

“Masarap to pare!” sabi naman ng isa pa. tapos lumapit sila sakin. hindi ko alam kung anong gagawin ko. dapat bang magmalinis pa ako? e mula naman ata ng pinanganak ako puro ganito lang ang nangyayari kaya bakit pa ako mag aaksaya ng lakas. Pinabayaan ko lang sila sa gusto nilang gawin. Hinila ako ng isa papunta sa masmadilim pang lugar. Isa isa silang naghubad sa harapan ko. yung isang lalaki  hinawakan ako sa kamay ang isa naman ay sa paa at ang isa pa ang nag aalis ng damit ko. pumikit ako at nakita ko si Jessie dahil don may umagos na tubig galing sa mga mata ko. dumilat ako ng maramdaman kong wala ng kumikilos at nakita ko si James na may ginugulpi. Nakatingin lang ako pero wala akong magawa parang hindi ko rin maigalaw ang mga kamay ko. ni hindi ako makapagsalita. Pero nakikita kong binihisan ako ni James tapos binuhat n’ya ako pabalik ng bahay n’ya. Inihiga n’ya ko sa higaan ko tapos pinunasan ako ng twalya. Kinumutan ako tapos umalis na. kinabukasan ni hindi napansin ng nanay n’ya na umalis ako kagabi. Pinakain ako nito tapos umalis na silang mag-ina. Nang masigurado kong wala na sila. Kinuha ko ang kutsilyo sa kusina. Tinapat ko yun sa pulso ko at hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Nakikita kong tumulo ang dugo pero hindi ko naramdaman ang sakit hanggang sa dumilim ang paligid at nawalan ako ng malay. Nang magising ako may telang nakatali sa braso ko. tapos nakatayo si James sa gilid ng higaan.

“Talaga bang hindi mo ko patatahimikin? Baliw ka ba ha? Kung mag papakamatay ka pwede bang pag magaling ka na at kaya mo ng umalis sa bahay namin ng hindi mo kami kino-consensya?” katulad ng dati hindi ko mahanap ang dila ko para magsalita kaya umikot na lang ako ng higa papunta sa kabila ng hindi ko s’ya makita. Ilang beses din akong nagpakamatay pero walang nangyari dahil palagi s’yang dumarating. Hanggang sa naisipan kong uminom ng panlinis ng silver dahil ang sabi mabisa raw ito. Pero nang iinumin ko na ito bigla nanamang dumating si James at sinampal ako.

“Pabayaan mo na ako! pabayaan mo na akong mamatay!” sigaw ko.

“Sige mamatay ka kung gusto mo! Pero hindi mo idadamay ang bata pagkalabas n’yan mag pakamatay ka kung gusto mo tutulungan pa kita pero wag mong idadamay ang bata! Dahil wala s’yang kasalanan sayo!”

“Hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko para sabihin mo sakin yan!”

 

“Tama ka hindi ko alam pero sapat na bang sabihin kong ang arte mo?!”

 

“Ano?”

 

“Ang arte mo! Ang arte arte mo! Ganyan lang pala gusto mong mangyari sa buhay mo ang magpakamatay bakit nag aksaya kapa ng oras? Bakit tinakasan mo pa yung demonyong sinasabi mo? E di sana kung yan ang balak mo pinabayaan mo na lang na gawin n’ya yan sayo! Sana wala ng ibang nadamay!” sigaw n’ya. At dahil sa mga sinabi n’ya natauhan ako. tama s’ya. Pero paano ko bubuhayin ang bata?

“Kaya kong tiisin ang lahat ng hirap. Pero hindi ko kayang tiisin ang anak ko na maghirap. Kaya kong kumain ng tirang pag kain galing sa basurahan. Pero hindi ko kayang pakainin ang anak ko ng tirang pagkain na galing sa marumi. Kaya kong tiis ang pananakit ng iba. Pero hindi ko kakayaning makitang nasasaktan ang anak ko.” pag katapos kong sabihin ang lahat ng yon napaiyak na lang ako. naramdaman ko ang yakap n’ya.

“Pwede mo kong yakapin kung gusto mo ng maiiyakan.” At dahil sa sinabi n’ya mas lalo lang akong naiyak. Hindi lang sila magkamukha ni Jessie pareho pa sila ng ugali matapos akong paiyakin lalambingin ako.

“Wag mong isipin ang anak mo. Palalakihin natin s’ya ng maayos. Titira kayo dito hanggang sa hindi n’yo pa kayang umalis.” Sabi nito.

Tinulungan ako ni James mabuhay. Hindi nawala ang pagsusungit n’ya sakin pero alam ko naman na wala s’yang masamang ibig sabihin sa lahat ng sinasabi n’ya sakin. nung naglilihi ako kahit madaling araw ko s’ya gisingin pipilitin n’yang hanapin ang gusto ko. at nung araw na sinilang ko si Jessica hindi n’ya binitawan ang kamay ko habang tinatawag ko ang lahat ng santo. At nang kargahin n’ya si Jessica yun ang unang beses na nakita ko s’yang ngumiti. Kaya naman pinangalan ko rin si Jessica sa kanya ang totoong pangalan ni Jessica ay Jessica Jaimee Jones.

*End of Flash back.

 

“Hoy binge ka ba! Kanina pa kumakatok ang nanay!” sigaw ni James ang lalim ng iniisip ko kaya naman hindi ko narinig.

“Ano ba naman kayo kanina pa ako kumakatok ah.” Sabi ni Thia.

“Naku itong si Nica sa sobrang gutom naapektuhan na pati pandinig.”

 

“Ganon pala bakit hindi na lang ikaw ang lumabas para pag buksan ako?”

 

“Nay naman! Kailan mo pagagalitan si Nica? Kasalanan ko galit ka sakin. kasalanan n’ya sakin ka pa rin nagalit?” natawa naman ako sa sinabi ni James.

“Hindi naman sa ganon bakit ba kasi kailangang si Nica pa ang pagawain mo ng mga bagay na kaya mo namang gawin?”

 

“NAY! FYI nagluluto po ang paborito n’yong anak!”

“Ang tatanda n’yo na nag aaway pa kayo tala na kain na.” singit naman ni Iscah.

“E di tala na kain na tayo!” pang gagaya naman ni James kay Iscah. Tapos nag tawanan kami. Kahit na nakakapagsalita na ng buo itong si Iscah at kahit isip matanda na rin ito nabubulol pa rin s’ya paminsan minsan

“Kamusta nakahanap kaba ng trabaho?” tanong naman ni Thia kay James.

“Nay, sa tingin mo ba magluluto pa ako dito kung natanggap ako sa trabaho?” sagot naman nito.

“Hay naku hindi ka na nagbagong bata ka! Bakit ba ang kabataan ngayon e sa halip na sagutin ang tanong e tanong din ang isasagot?”

 

“Kati po mamu ang matatanda obviout na nagtatanong pa!” natakpan ko na lang ang bibig ni Iscah ang batang ito talaga ang daldal.

“Tumpak! Ang galing galing talaga nitong si Iscah! Apir!” tuwang tuwang sabi ni James.

“Naku ikaw talagang bata ka! Bakit pareho kayo ng ugali nitong si James hindi naman s’ya ang ama mo!” dirediretsong sabi nito. Tapos biglang nanahimik dahil natigilan ako ng pang banggit nito ng ama.

“Nay, hindi ako natanggap. pagiging artista ho ang inaalok sakin tinaggihan ko.” pagbibiro ni Jessie. para maalis sa usapan ang lahat.

“Nay…!

 

Nica…!

 

Iscah..!”

 

Sigaw ni Angel na humihingal pa pagdating.

“Wow tinawag mo lahat ako pa kinalimutan mo!” sagot ni James.

“Hindi kita kinalimutan sadyang hindi ko lang tinawag ang pangalan mo dahil nakakainis!” sagot naman nito.

“Ano ba yun Angel? Gabing gabi na e napasugod ka pa.” sabat ni Thia para maawat ang dalawa.

“Nay, galing po si Taong grasa sa karinderya-.” Hindi natapos ni Angel ang sasabihin n’ya dahil sumabat nanaman si James.

“Anong bago ron? Palagi namang nandun yung syota mong taong grasa!”

 

“Pwede ba hindi ikaw ang kausap ko!”

 

“E ano ba ang gusto mong sabihin?” tanong ulit ni Thia.

“Galing ito sa kanya nag hahanap ng driver daw yan. Baka gusto ho ng anak n’yo.” Sagot nito.

“Paano naman ako maniniwala sa isang papel na galing pa sa taong grasa?” tanong naman ni James.

“Bakit may mawawala ba sayo kung susubukan mo? Pumunta ka o hindi wala ka namang pera! Kaya walang mawawala sayo.” Sagot nito.

Hanga na talaga ako sa taong grasa na yun. Pati trabaho may alam. Nagulat talaga ako ng makilala n’ya ako. buti na lang pinaliwanag sakin ni Angel na kakaiba pala itong taong grasa na ito lahat daw ng tsismis sa pilipinas alam. Kaya siguro kilala n’ya ako sa mukha pero nang ipaliwanag ni Angel na Nica ang pangalan ko at hindi Jennica at sinabi nitong baka kamukha ko lang mukha namang naniwala ito.

“Sige na pupuntahan ko na nakakahiya naman sayo sinadya mo pa ako kahit gabing gabi na. lilinawin ko lang ha wala kang makukuha sa s-swelduhin ko kung sakali!”

 

“Wag kang mag alala hindi ako umaasa sa baryang sasahurin mo! At isa pa ginagawa ko ito para naman hindi na mabawasan pa ang perang pinapadala ko sa inay.”

“Kayong dalawa talaga! Tumahimik na nga kayo!” sita naman ni Thia.

“Pupunta ko d’yan bukas, nica samahan mo ko ah.”

 

“Bakit ako?”

 

“E baka mamaya mag tanong ng English yun hindi ko masagot.”

 

“Ikaw talaga driver lang ang papasukan mo hindi manager!” sagot ko naman.

“Ah basta samahan mo ko.”

 

“Oo na.”

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.7M 67.5K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
77.8K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
109K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...