I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 42

772 24 7
By emmanoehl

CHAPTER 42

 

-=JESSIE=-

 

6 years na mula nung huling maghiwalay kami ni Jennica o mas kilala sa tawag na MM pero hanggang ngayon naluluha pa rin ako sa tuwing maaalala ko kung gaano ko nasaktan ang babaeng mahal ko. Anim na taon na pero hindi pa rin ako sumusuko sa pag-asang makikita ko pa s’yang muli. I naasam ko pa ring makita ang magandang n’yang ngiti. Ang mga mata n’yang masayang nakatitig sakin palagi. Ang mga labi n’yang puro kalambingan lang ang lumalabas. Sinisi ko ang sarili ko dahil naging mahina ako. hindi ako naniwalang kaya n’ya akong mahalin. Nagagalit ako sa mga kaibigan ko pero ang totoo ako rin naman e naniwala sa maling pag-aakala. Ganon pa man hindi ko pinapabayaan ang tatay ni Jennica at ang ate n’ya. Nandun ako para tulungan sila. Ang ate ni Jennica ay tinulungan kong makapag tapos ng pag-aaral at ngayon ay isa na itong teacher. Pinalitan ko naman si Daddy sa company at ako na ang nagpapatakbo ng negosyo namin. Sa anim na taon masasabi kong nabuhay akong mag-isa. Hindi mawala ang galit sa puso ko dahil sa mga kaibigan ko. sinisisi ko sila sa nangyari kung hindi sila dumating noon para hanapin ako kung hindi nila sinabi kay Edmond kung nasaan kami. Siguro hanggang ngayon magkasama pa rin kami ni Jennica pero kahit galit ako sa kanila hindi ako nawala sa mahahalagang araw nila. Katulad nang ikasal si Jericho at Jane at Vincent and Nash. Dami ring arte nang isang yun sila rin naman pala ang magkakatuluyan. Nang halos gumuho ang mundo ni Justine ng malaman n’yang babae pala si Raffy at nang manganak si Jazz. Naging ninong ako ni Jake si Jake lang ang buhay ko sa ngayon. S’ya na ang tinuturing kong kaibigan ngayon. kaya naman hindi ako nawawalan ng oras para sa kanya. kay Dennis wala naman akong balita dahil hindi ko rin gusto ng balita tungkol sa kanya. sa lahat, sa kanya ako pinaka nagagalit at alam kong alam n’ya yun. Nakakatawa lang isipin na ako ang sumunod na na-inlove pag katapos ni Ken. Pero ako ang napag iwanan ngayon.

“Sir, nandito na po tayo.” Sabi ng driver ng taxi.

Natigilan naman ako sa ginagawa kong pag-iisip ng mag salita ang driver. Na disgrasya ko nung mismong araw na pumunta si Christoff at ang tatay ni Jennica sa bahay dahil agad akong umalis para hanapin s’ya. hanggang sa hindi ko makita ang daan dahil sa sobrang pag-iyak ko. nabuhay ako pero mula non hindi ko na kinayang mag drive ulit.

“Sir, nandito na po tayo!” ulit ng driver ng taxi ng hindi ako sumagot kanina.

Nagpahatid ako sa bahay nila Ken, Susunduin ko si Jake pinangako ko na ipapasyal ko s’ya bago ko umalis papuntang batanggas. Na pag desisyonan ko na kasi na dun na tumira.  

“Sir, nandito na po ta-.”

“Hindi ako binge!” sigaw ko. hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin n’ya.

“S-sorry po.”

 

“Hintayin mo na ako may susunduin lang ako sa loob.”

 

“Sige po sir.” Sabi nito. Tapos pumasok na ako sa loob ng bahay nila Ken. Sinalubong naman ako agad ni Ken.

“Pare, Nandito ka na pala.”

 

“Hindi ikaw ang pinunta ko si Jake, paki sabing nandito na ako.”

 

“Pare, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin  ako napapatawad?” tanong nito. Pero hindi ko s’ya pinansin kaya umalis na ito para tawagin si Jake.

“J-Jessie, pwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Jazz na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala.

“Hindi ako pumunta dito para makipag kwentuha sayo!”

sabi ko.

“Alam ko pero kasi-.” Hindi na n’ya natapos pa ang sasabihin n’ya dahil lumabas na si Jake.

“Ninong!” sigaw nito tapos agad tumakbo para sumampa sakin.

“Aba, ang bigat mo na ah!”

 

“Ninong naman e. nag d-diet nga ako.”

 

“Ganon ba? Pano yan papakainin sana kita ngayon.”

 

“Ayos lang ninong bukas ko na lang itutuloy ang pag d-diet ko.”

 

“Ahahaha, sige na halika na para marami tayong magawa ngayong araw.” Sabi ko agad naman itong tumayo para mag paalam kay Jazz at Ken.

Nang nasa taxi na kami panay ang kwento nito.

“Ninong, may crush ako. ang sexy n’ya.” Sabi nitong kumikislap pa ang mata.

“Ikaw talaga ang bata mo pa. san mo naman natutunan yan?”

 

“Kay Ninong Vincent.”

 

“Yan talagang ninong mo oh!”

 

“Wag ka munang mag ka-crush saka tandaan mo mas maraming nagkakagusto sa pa-suplado kesa sa makulit na katulad ng ninong Vincent mo.”

 

“Ganon po ba ninong?”

 

“OO.”

 

“Ninong talaga bang aalis ka na?” tanong nito na ang lungkot ng mukha.

“Kailangan e. pero dadalaw dalawin naman kita saka pag wala kang pasok i-papasyal kita don.”

 

“Talaga? Promise yan ninong a!”

 

“Oo, naman.” Sabi kong kumindat pa. tapos nahiga s’ya sa lap ko.

“Ninong gisingin mo na lang ako a. nahihilo ko e.” sabi nito tumango naman ako bilang sagot. Napakalambing nitong si Jake siguro dahil sobrang baet naman talaga ni Jazz. Pero sa kabila ng yaman ni Jake hindi ito lumaking mayabang at dun ako natutuwa sa kanya. sobrang malapit s’ya sakin dahil s’ya pa lang kasi ang bata. Kakakasal lang kasi ni Vincent at Nash.  Si Jericho at Jane naman hindi pa rin nagkakaanak.

-=JENNICA=-

 

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. sino pa ang mag-iingay e di walang iba kundi ang napakadaldal na si Jessica. Si Jessica ang anak namin ni Jessie. kahit na matindi ang galit ko sa ama n’ya yun pa rin ang pinangalan ko sa kanya.

“Ang kapal ng mukha n’yong mag-ina! Pinatitira na nga kayo dito pati pagkain ko kinakain mo pa!” sigaw ni James. Si James ang nag-iisang anak ni thia. Si Thia ang matandang babaeng tumulong sakin noon. Thia lang ang tawag ko dahil yun ang pangalan n’ya at masagwa naman kung tita thia pa ang itawag ko. Balik tayo kay James. Sadyang may pagkamasungit ito wala na itong ginawa kundi ang pag salitaan kami pero sanay na ako sadyang ganon lang s’ya pero nagmamalasakit naman talaga s’ya sa amin.

“Papa naman, mag iba ka naman nang tinatabi! Paulit-ulit na lang yan. Nakakatawa na.” sagot naman ni Jessica

 

“Sabi nang wag mo kong tatawaging papa e. ganon nagsasawa ka? Pero sa pagkain wala kang kasawaan? San ka ba nagmana ng katakawan mo ha?”

 

“Aba malay!”

 

“Jessica, ilang beses ko bang sasabihin sayo na masamang sumasagot sa matanda!” saway ko naman kay Jessica.

“Naynay giting ka na pala. Kain ka na naynay may tinira pa ako tayo.” Sabi nito na nag papacute pa. daming mamanahin sakin yung pag papacute pa ang nakuha.

“Jessica, wag mong ibahin ang usapan tinatanong kita?”

 

“Naynay naman, kung hindi ko tatagutin itong ti Papa hindi n’ya malalaman na matama ang ugali n’ya.” Dirediretsong sabi nito.

“Jessica!” sigaw ko na pinapatigil s’ya.

“Kanino pa magmamana yan e di sayo!” sigaw naman ni James. Halatang halata ganyan yan si James pag pinapagalitan ko si Jessica nakasawsaw agad.

“Hay naku baka sayo!” sabi kong naiinis na rin inuumpisahan nanaman ako nitong si James.

“Bakit sakin? anak ko ba yan?”

 

“Tigilan n’yo na nga yan.” Saway naman samin ni Thia.

“Thia, gudmorning ang ganda ganda mo naman.” Bati ko sa kanya.

“Hay, naku kita mo na ganyang ganyan ang ugali ng anak mo! Pag pinagsasabihan iibahin ang usapan.” Sabi ni James inirapan ko naman s’ya. Hindi naman ako nagbibiro gandang ganda ako dito kay Thia. Kahit kasi may edad na s’ya kitang kita mo pa rin na napaka ganda nito dahil sobrang simple n’ya. Madalas ngang isipin ko na parang nakita ko na s’ya hindi ko lang matandaan kung saan baka artista yun na hindi ko pa maisip kung sino.

“Tama na yan. James ihatid mo na ako sa kabilang kanto sasamahan ko muna si Angel dahil wala namang order ngayon.”

 

Ang Angel na tinutukoy n’ya ay ang tinuturing nitong pangalawang anak n’ya. Dito rin nakatira si Angel non napaka gandang bata na kasing edad lang ni James. Talaga namang para itong isang Anghel pero masungit may pagka masungit ito at madalas silang nag aaway ni James kung kaya nang makaipon ito ay bumukod na ng tirahan at umupa na lang. S’ya na ang nagpatuloy sa karinderya ni Thia. Si Thia naman ang gumagawa kapag may umo-order.  At kapag ganitong wala namang order pumupunta ito sa karinderya para tulungan si Angel.

“Bakit ako pa? si Nica na lang wala naman s’yang ginagawa.” Pagtuturo naman sakin nito. Nica ang alam nilang pangalan ko iniba ko na rin ang pangalan ko para kung sakaling may magtanong sakin hindi ako makita.

 

“Ikaw talaga ang tamad mo wala ka namang trabaho lahat na inasa mo kay Nica.

 

“Nay, kaya nga hindi ako puwede dahil maghahanap ako ng trabaho.”

 

“Naku Thia, pabayaan mo na yang si James, wala naman akong gagawin kaya sasamahan kita gusto ko rin namang makita si Angel.

 

“Naynay paano naman ako? Tinong mag babantay takin?” tanong naman ni Jessica.

“E di isasama po kita hindi ka naman puwedeng iwan.”

 

“Yeeeheeeeeeeeeey!” sigaw nito.

“Pero wag kang magulo a.”

 

“Opo naynay.” Sagot nito.

Pagkadating sa karinderya nakita ko agad si Angel na pinagkakaguluhan nanaman ng mga jeepney driver na kumakain sa karinderya pero wala nanaman itong sinasagot kahit isang pambobola nila. Agad naman itong ngumiti ng makita kami.

“Nica! Kamusta? Pinapahirapan ka ba ni James? Naku sabihin mo lang sakin ah!”

 

“Naku, hindi ko na lang pinapatulan.” Sagot ko naman.

“Iscah! Kamusta? Aba, gumaganda ka ah manang mana ka sakin.” sabi nito tapos binuhat pa si Jessica.

Nang wala ng masyadong kumakain pumasok muna kami sa isang kwarto doon. Naglagay ng kwarto si James dito sa likod ng karinderya para kay Jessica nung baby pa ito para kapag patutulugin ito.

“Angel, baka naman pinababayaan mo na yung taong grasa na kaibigan ko ah.” Tanong ni Thia kay Angel. Hanggagn ngayon hindi ko pa rin nakikilala ang taong grasa na sinasabi nila. Kasi nung dumating ako dito matagal itong nawala tapos nung bumalik naman dito hindi na ako masyadong pumupunta dito sa karinderya.

“Hindi po ma, mamaya lang nandito na yun e.” sagot naman nito.

“Hanggang ngayon hindi ko pa nakikilala yang taong grasa na yan.” Sabi ko naman.

“Ipakilala kita mamaya pagdating n’ya.” Sagot naman nito. Ngumiti lang ako. maya maya nakatulog na agad si Jessica. Ganito itong bata na ito pag naupo sa mesa kakain pag nahiga tulog. Manang mana s’ya kay-- hays hanggang ngayon ba naman hindi ko pa rin s’ya mabura sa isip ko.

“Yoooohooooo nandito na ang pinaka poging taong grasa sa balat ng lupa nasan na ang pagkain ko?!” sigaw ng boses lalaki galing sa labas.

“Naku ma, yan na yung hinahanap mo.” Sabi naman ni Angel.

“Halika na labasin natin.” Sabi naman ni Thia.

“Halika na Nica ipapakilala kita.”

 

“Sige, susunod na ako aayusin ko lang ang higa nitong si Iscah.” Sabi ko. tapos umalis na sila. Agad naman akong sumunod narinig ko ang usapan nila habang naglalakad ako papunta.

“Hoy, Angel ikaw kung sino sinong babae pinapakilala mo sakin. yung nakaraan yung nagtitinda ng isda ngayon naman yang Nica na yan! Sino ba yun? San mo napulot? Alam mo ako ang pinaka gwapong taong grasa sa balat ng lupa. Hindi ako basta bastang nagkakagusto.” Sabi nito. Natawa naman ako sa sinabi n’ya masyado s’yang mayabang para sa isang taong grasa.

“Patingin nga ng pinaka gwapong taong grasa sa balat ng lupa.” Sabi ko naman agad naman silang naglingunan sakin pero nagulat ako ng biglang napatayo ang taong grasa at parang gulat na gulat na nakita ako.

“Oh ano? Gulat ka ngayon? Ang ganda no?” sabat naman ni Angel ng makita n’yang natulala ang taong grasa. Natawa naman ako sa sinabi ni Angel. Pero panandalian lang dahil ako naman ang nagulat.

“J-Jennica?” nauutal na sabi ng taong grasa. Pano n’ya ako nakilala? Sino s’ya? Bumabalik nanaman ba ang nakaraan ko. masusundan ba ako hanggang dito?

Continue Reading

You'll Also Like

802K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
304K 8.7K 35
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
17.2K 1.1K 16
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...