I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 41

782 25 5
By emmanoehl

CHAPTER 41

 

-=JESSIE=-

 

Sa nangyayari sakin ngayon puwede n’yong sabihin na hindi ako lalaki. Dahil hindi gawain ng isang lalaki ang umiyak ng umiyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang sakit ang sakit sakit. Ilang araw na akong nagkukulong sa bahay hindi kumakain hindi naliligo hinang hina na ang katawan ko. babangon lang ako para uminom. Bakit nangyayari sakin ito? Nagmahal lang ako. Nagmahal lang ako.

*Dingdong… dingdong…

May nag do-doorbell nanaman hindi na nadala kahit kailan hindi ko naman pinagbuksan hanggang ngayon nagdo-doorbell pa rin. Pati si daddy pinaalis ko na muna dahil sa ngayon gusto ko lang mag-isa ano bang mahirap intindihin don? Bakit hindi nila maintindihan? Kahit naiinis pilit akong bumangon para buksan ang pinto. Nakita ko naman sina Ken, Dennis, Jericho, Justine at Vince.

“Uyyyyyyyyy ang mga kaibigan kong sobrang buti nandito! Anong ma-ipaglilingkod ko sa inyo?” tanong kong may halong pang-aasar.

“Jessie, tignan mo nga yang itsura mo!” sabi ni Ken.

“Anong paki mo itsura ko to! Pumunta kayo dito para tignan ang itsura ko?”

Jessie, please naman kung may problem ka pag-usapan natin.” Sabi ni Jericho.

“Pag-usapan? Bakit pa? e diba magagaling kayo?! Sigurado ako tuwang tuwa kayo kasi napatunayan n’yo na na mali ang babaeng minahal ko!”

 

“Pare, hindi ganon yun pag-usapan natin ang problema mo.” Sabi naman Justine.

“Wala tayong dapat pang pag-usapan dahil simula nung sinugod n’yo ko at sinira ang lahat ng plano ko sinira n’yo na rin ang buhay ko! kung hindi kayo sumawsaw kung hindi n’yo ko pinigilan natuloy na sana ang kasal namin ng babaeng mahal ko!”sabi ko habang naiiyak nanaman nakita ko naman na yumuko silang lahat.

“Pare, pinagsisihan na namin na hindi namin naisip ang mararamdaman mo kaya nga kami nandito para magsorry sa inyo ni Jennica sinabi na samin ni Vincent ang lahat na hindi naman pala totoong kasal si Jennica sa matandang yun.”-Dennis.

 

“Pinagsisihan n’yo?” may magagawa ba ang pagsisisi nyo? Maibabalik ko ba ang panahon? MAIBABALIK KO BA? SUMAGOT KAYOOOO!”

“Oo pinagsisihan na namin yung ginawa namin. Kaya nga kami nandito e. sana isipin mo rin na nagawa namin yun dahil sobra kaming nag-aalala sayo! Pero dahil makitid yang utak mo bahala ka na! kamusta mo na lang kami kay Jennica.” Sabi ni Vincent tapos niyaya n’ya ng umalis ang lahat.

“Wala na s’ya.” Sabi ko kasabay ng mga luhang walang tigil sa pag patak gulat na gulat na napatingin sila sakin.

“Anong ibig mo sabihin? –Ken.

“Anong wala?” –Jericho.

“Paanong nangyari yun?” –Vincent.

“Wala na kami, iniwan n’ya na ako. iniwan n’ya na ako. iniwan n’ya na ako.”  paulit ulit na sabi ko hanggang sa napaluhod ako dahil sobrang nanghihina na ako. agad naman nila akong inalalayang makatayo at pinapasok sa loob. Nang makapasok na kami sa loob inabutan nila ako ng tubig para kumalma.

“Anong nangyari? Kahapon lang masaya ka pa.” tanong ni Vincent.

“Pare, kinausap ko s’ya sinabi ko na umalis na kami dito na mag sama na kami pero iniwan n’ya ako. iniwan n’ya ako ng malaman n’ya na hindi ako pamamanahan ni daddy. Ang sakit… ang sakit..sakit.” hindi napigilang sabi ko. wala silang kahit anong sinabi sakin tinapik lang nila ang likod ko habang umiiyak ako. tapos pinagpatuloy lang namin ang inuman. Nang medyo marami-rami na ang naiinom saka sila nagsalita tungkol kay MM.

“Sira ulo pala yang babae na yan eh” sabi ni Ken.

“Pagnakita ko yan sasampalin ko yan!” sabi naman ni Justine.

“Pare, congrats! Ito na ang 100k bayad sa pustahan napaniwala mo talagang mahal na mahal mo si Mukhang Maligno mo! May paiyak iyak ka pa! 100k lang kasi talo ka hindi mo s’ya nakuha e diba? Walang nangyari sa inyo!” Mahabang sabi ni Vincent na nagpanganga saming lahat.

“Hoy anong pinagsasasabi mo? Anong pustahan?” tanong ni Dennis.

“Sinasapian ka nanaman ba Vincent? Kakapanood mo ng drama yan e.” sabi ni Ken.

“Wala ito lashing na to!” sabi naman ni Justine. Siguro kung wala ako sa ganitong sitwasyon nakikigulo na rin ako sa kanila pero ewan ko ba hindi ko makuhang maging kasing kulit nang dating Jessie.

“Baliw ni-record ko ang sinabi ko.”

 

“Oh ano naman? Bakit mo ni record?”-ken.

 

“Regalo ko to kay Jessie!” sabi nito sabay abot ng CP ko. Cellphone ko na pala ang ginamit n’ya hindi ko man lang namalayan.

“Anong gagawin ni Jessie d’yan?” tanong naman ni Ken. S’ya na ang nagtanong para sakin. alam n’ya sigurong hindi ko naman papansinin ang sinasabi ni Vincent.

“Syempre hindi ko hahayaang mag mukhang tanga itong kaibigan natin. Pang-ganti mo ito pare, pag narinig n’ya ito bawi ka na!” sabi nitong hindi ko pa rin pinansin.Tapos nagkwentuhan pa sila habang ako nanatili lang na nakikinig hanggang sa maiwan nanaman akong mag-isa dahil kailangan na nilang umuwi.

-=JENNICA=-

 

Hindi ko masisisi si Jessie kung sobrang galit s’ya sakin dahil sa mga sinabi ko. sinabi ko lang yun dahil natakot ako para sa kanya. natatakot ako na baka kung ano nga ang gawin sa kanya ni Edmond. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. hindi ko rin kung totoo ba na pinatay ni Edmond ang mommy ni Jessie pero isa lang ang sigurado ko. demonyo s’ya at walang imposible sa kanya. kahit ayaw ko lalayo na ako. lalayuan ko si Jessie para hindi na s’ya madamay sa kamalasan ko. sapat na sakin na alam ko na mahal na mahal n’ya ako. sapat nang ala-ala ang lahat ng pinagsamahan namin para mag-simula akong muli. Pansamantala lang muna akong tumuloy ng ilang araw dun sa bahay na inupahan namin ni Jessie at ngayon nga ako nakatakdang umalis. Gusto ko sanang mag-paalam muna kay Jessie bago ko umalis. kaya ito papunta na ako sa bahay n’ya. At nang makarating na nga ako bigla naman akong pinanghinaan ng loob. Hindi ako natatakot na salubungin ang galit n’ya. Natatakot ako na baka hindi ko na kayanin pang malayo sa kanya pag nakita ko s’ya. Dahil sa naisip ko nag desisyon na ako na wag na lang tumuloy patalikod na sana ako ng makakita ako ng ilaw ng isang sasakyan sa sobrang takot ko na baka si Edmond yun madiin kong pinindot ang doorbell kasabay ng pagtapat ng sasakyan sakin bumukas ang pinto. nakita kong hindi si Edmond ang sakay ng sasakyan dahil nilagpasan lang kami nito pero si Jessie. hindi ko alam kung papaano ko s’ya tatakasan ngayon na titig na titig s’ya sakin.

“MM? MM ikaw ba yan? MM ikaw nga!” sabi nito sabay yakap sakin. hindi ako sumagot.

“Sabi ko na babalikan mo ko.” sabi nitong pilit na ngumingiti. Inalalayan n’ya naman ako makapasok sa loob. Pagdating sa loob paulit-ulit n’ya akong niyakap gusto kong umiyak pero kailangan kong maging matapang.

“Jessie, nandito ako para mag-paalam hindi para balikan ka.”

 

“Ano? San ka pupunta? Bakit aalis ka? Wag ka nang umalis magsama na tayo.” Gusto kong maawa sa itsura n’ya pero kailangan kong maging matatag.

“Jessie, hindi pa ba malinaw sayo?  lahat ng pinagsamahan natin lahat ito planado ko. niloko kita! Niloko lang kita! At wala na akong mapapala sayo kaya pabayaan mo na ako!” inipon ko na talaga ang lahat ng lakas ko masabi lang ito sa kanya pero sa halip na sumagot niyakap n’ya ako.

“MM, mahal kita wag ka naman ganyan… kung gusto mo ng yaman sige, magmamakaawa ako kay daddy na pamanahan ako wag ka lang mawala sakin MM kahit lahat ng yaman ko ibibigay ko sayo wag ka lang mawala sakin.” awang-awa na ako sa kanya hindi ko akalain na magagawa n’ya yung ganon handa n’yang lunukin ang pride n’ya handa n’yang makasama ang taong niloko s’ya at ibigay ang gusto nito wag lang s’yang iwan nito.

“Jessie, bitawan mo ko! nagkausap na kami ni Christoff isasama na n’ya ako sa America. Magsasama na kami doon.” Sabi ko tapos hindi ko na hinintay pang sumagot s’ya tumalikod na ako para umalis.

“Hahahahahahahahahahahahah” napalingon ako ulit sa kanya nung bigla s’yang tumawa ng malakas.

“Talo na ako tanggap ko na!”sabi nito na tinaas pa ang kamay.

“A-anong ibig mong sabihin.”

 

“Tanga ka ba? Akala mo ba talaga kaya kitang mahalin? Alam mo bang sukang suka ko sa pagmumukha mo? Mukha kang Maligno! Walang nabago dun.” sabi nito na hindi ko pa rin maintindihan.

“Naguguluhan ka? Simple lang kasi tanga ka talaga!” sabi nito sabay abot sakin ng CP n’ya. Kahit nag tataka inabot ko naman yun. At halos matumba ako pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Vincent.

“Pare, congrats! Ito na ang 100k bayad sa pustahan napaniwala mo talagang mahal na mahal mo si Mukhang Maligno mo! May paiyak iyak ka pa! 100k lang kasi talo ka hindi mo s’ya nakuha e diba? Walang nangyari sa inyo!”

 

“Siguro naman malinaw na sayo ang lahat? kung niloko mo ko at plinano mo ang lahat? mali ka dahil ang nagplano nito ay ako hindi ikaw!” sigaw nito. Hindi ko alam pero nawala ang tapang ko nawala ang lahat ng lakas ko ni hindi ko mahanap ang dila ko.

“Oo, nga pala baka sabihin mo naman masama ako babalatuhan kita.”sabi nito tapos biglang may kinuha.

“Oh! Para sayo.” Sabi nito tapos isinampal sa mukhan ko ang maraming pera. Kasabay ng pagkalat ng pera sa sahig bumagsak ang luha ko at nanlambot ang tuhod ko kaya napaupo ako at para hindi mahalata nagkunwari akong namumulot ng pera.

“Mukhang pera ka talaga!” sigaw nito. Pero hindi ko s’ya pinansin pagkakuha ko ng pera tumalikod na ako at nagmamadaling lumabas pero hindi pa ako nakakalayo bigla n’ya akong hinawakan sa braso.

“Teka lang! hindi pa talaga ako panalo may kailangan pa akong gawin!” sabi nito sabay hila sakin.

“Aray ko ano ba nasasaktan ako!” sigaw ko nang walang pakialam na kinaladkad n’ya ako. pero parang hindi nakakarinig si Jessie. hinihila n’ya ako alam kong papunta ito sa kwarto n’ya.

Bigla na lang ay tinulak n’ya ako sa kama.

“J-Jessie a-ano to? A-anong gagawin mo?” takot na tanong ko pagkatapos kong makita ang itsura n’ya. Galit na galit kung nakakamatay ang galit siguradong patay na ako. natigilan ako sa ginagawa kong pag-iisip ng bigla n’ya akong halikan. Halik na halos dumurog sa buong pagkatao ko. sobrang diin na nalalasahan ko na ang sarili kong dugo. Nagpumiglas ako pero malakas s’ya.

“Bitawan mo ko! Jessie. parang awa mo na bitawan mo ko!” sigaw ko pero binge na s’ya wala na s’yang naririnig. Kung gaano kadali n’ya akong kinaladkad papunta dito ganon kadali n’ya lang din nasira ang damit ko. habang hinahalikan n’ya ako sa leeg hila hila n’ya ang buhok ko kaya hindi ako makakilos nasasaktan ako pero wala akong magawa. Kaya itinigil ko na ang pagpupumiglas at pinabayaan na lang s’ya sa gusto n’yang mangyari habang patuloy lang na tumutulo ang luha ko sa sakit ng mga natuklasan ko. paano ko babaunin ang ganitong klaseng ala-ala?” Maya-maya nakita kong gulat na gulat na natigilan si Jessie.

“J-Jennica?” tawag nito sa pangalan ko na parang humihingi ng paliwanag. Siguro nalaman n’ya na ang lahat ng totoo. Ang lahat ng binibintang sakin. s’ya lang ang nakapagpatunay kung totoo o hindi. Pero sa halip na sumagot hinalikan ko s’ya mas madali yun kesa magpaliwanag. Naramdaman ko naman na nagbago s’ya sa paghalik at paghawak sakin mula sa isang nakakatakot na Jessie naging biglang maingat ito sa bawat galaw n’ya.

-=Jessie=-

 

Napahawak na lang ako sa ulo ko ng magising ako dahil sa sobrang sakit tapos pilit kong inaalala ang nangyari sakin at bigla akong napabangon ng maalala ko si MM.

“MM?”

 

“MM!”sigaw ko. pero walang sumasagot. Tumakbo ako papunta sa ibaba sa pag-aakala na makikita ko s’ya. Pero wala hindi ko s’ya nakita. Nanghihina na bumalik ako sa kwarto Napansin ko naman ang pulang mantsa sa bedsheet at ang nakaayos na pera sa table. Bigla naman akong napalapit ng may makita akong papel.

Salamat sa lahat hindi na ako ma-co-consensya dahil pareho lang pala nating niloko ang isa’t-isa. Aalis na ako para makita si Christoff. May gusto lang sana akong sabihin sayo…

 

“Wag na sana tayong magkita kahit kailan. Sinusumpa ko ang araw na nakilala kita!”

 

Ano bang ginawa ko? dapat naniwala ako sa kanya. totoo ang lahat ng sinabi n’ya na mahal n’ya ako. at lahat ng tsismis sa kanya hindi yun totoo. Napatunayan ko yun dahil malinis si MM virgin pa s’ya sigurado ako.

*Dingdong..dingdong…

 

Biglang akong napatakbo pababa ng marinig ko ang doorbell baka si MM yun. Pero hindi. Sina Ken, Vincent, Jericho, Justine at Dennis ulit ang dumating kasama ang daddy at si Christoff na may kasamang matanda.

“Dinala kami ni Vincent dito.” Sabi ni Ken.

“May kailangan kang malaman.” Sabi ni Christoff. Bigla naman akong napasugod sa kanya.

“Asan si Jennica? A-ang akala ko magkasama kayo!”

 

“Hindi kami magkasama. Kakauwi ko lang matagal akong nawala dahil hinanap ko ang tatay ni Jennica. S’ya ang tatay ni Jennica.” Sabi nito sabay turo sa matandang kasama nito. Pumasok na kami sa loob ng bahay para doon ipagpatuloy ang usapan.

“Jessie, tito Jesz kailangan n’yo pong malaman ang totoo. Kaya dinala ko po dito ang daddy ni Jennica para ipaliwanag.” Sabi ni Christoff tapos lahat kami napatingin sa daddy ni Jennica na hindi pa nagsasalita ay maluha-luha na.

“Matagal na ho akong lumuwas dito sa manila para hanapin ang anak ko pero nabigo ako. nagt-trabaho ako kay Edmond matapos n’ya akong pagbintangan sa kasalanang hindi ko naman nagawa pinakulong ako. sa kulungan wala akong kaalam-alam. Tanging mukha ni Jennica habang lumuluha at sumisigaw ng daddy ang naalala ko. hindi ako nagtagal sa kulungan dahil kinabukasan pinalaya rin ako pero hindi ko nakita pa ang anak ko. ang sabi ng Mommy ni Jennica yung kinakasama ko e lumuwas si Jennica ng manila para mag-aral. Kaya naman panatag akong walang masamang mangyayari sa kanya. pero isang araw pumunta ako sa bahay ni Edmond para sana ipaliwanag sa kanya na wala akong kasalanan sa nangyari na hindi totoo ang pagnanakaw na ibinibintang nila sakin. pero nagulat ako sa narinig ko…

 

Narinig ko mula mismo sa hayop na si Edmond na pinagtangkaan n’yang gahasain ang anak kong si Jennica. At mas nagulat ako ng sumilip ako sa bahay e nakita kong parehong wala silang suot ni Monica ang kinakasama ko at kinikalalang mommy ni Jennica. Kahit sobrang galit ko pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong wala akong laban at baka mabaliktad lang ako.” Mahabang kwento ng Daddy ni Jennica. Gusto kong maiyak sa natuklasan ko. maya-maya si Christoff naman ang nagsalita.

“Dati rin akong naloko ng daddy ng sabihin n’yang inakit s’ya ni Jennica. Ilang beses na muntik nang magahasa ni daddy si Jennica at nagpapasalamat na lang ako dahil palagi akong dumadating noon para iligtas s’ya. Yung pakikipagdate ni Jennica? Totoo yun pero ginagawa n’ya yun para humanap ng tao na makakatulong sa kanya para malayo s’ya kay daddy.”

 

Pagkatapos namin malaman ang lahat halos manlumo ang lahat dahil pinagdudahan nila si Jennica. Habang nakikinig iyak lang ako ng iyak. Ilang beses s’yang pinagtangkaang gahasain ng hayop na yun. Tapos ako. ako ang gumawa non sa kanya. kaya pala ganon na lang ang reaction n’ya palagi pag nakikita si Edmond dahil sa sobrang takot. Tapos sinaktan ko pa s’ya. Pinabaunan ko pa sya ng masasakit na salita.

“Jennica, patawarin mo ko! patawarin mo ko….”

 

 

-=JENNICA=-

 

Mahigit dalawang buwan na rin ang nakakalipas simula ng umalis ako. hindi ko na alam kung saan ako nadala ng konting perang dala ko. hindi ko alam kung nasang lugar ako. simula nung umalis ako natutulog lang ako sa kalye ilang araw na ako namumulot ng mga tirang pagkain sa basurahan. Naiiyak ako sa kalagayan ko pero wala naman akong magagawa. Ito ako ngayon mukhang tangang naghihintay sa isang babaeng kumakain kasi baka may matira s’ya.

“Umalis ka nga! Lumayo ka sakin baka mamaya madumihan mo pa ako!” sigaw nito. Pero hindi ako natinag normal na sakin ang sigaw-sigawan.

“Alis sabi!” sigaw n’ya sabay tulak sakin. at dahil nainis ako sa ugali n’ya inagaw ko ang dala n’yang pagkain tapos tumakbo ako. pero hindi ko napansin na may mga kasama pala s’ya. Pinagsisipa ako hanggang sa mapahiga na ako sa sahig. Hindi ko mabilang kung ilang paa ang sumipa sakin.

“Tama na! tama na!” sigaw ko pero patuloy pa rin sila sa pagsipa sakin. Bawat pag sipa nila ay bumabalk ang lahat ng sakit na naranasan ko

“Yan ang dapat sayo!” sigaw nila bago sila umalis. Kahit nahihilo pinilit kong bumangon. Tapos biglang may lumapit saking matandang babae.

“Hija, ayos ka lang ba?” narinig kong tanong nito. Pero bago pa ako makasagot biglang nag dilim ang paningin ko tapos bumagsak ako at tuluyan ng nawalan ng malay.

Nang magkamalay ako nakahiga na ako sa isang higaang matigas na may saping banig.

“Ma, sino nanaman yung babaeng nakahiga sa kwarto ko?” boses ng isang lalaki.

“Anak hinimatay s’ya kaya tinulungan ko.”

 

“Hinimatay ma? Sigurado ka yun lang ang dahilan kaya ka tumulong? Baka mamaya naman dito mo patirahin yan nag kupkop ka nanaman! Yun ngang si Angel na yun puro ka bwisitan na ang dala satin nag dagdag ka pa!” sigaw nito.

“Hoy James, nanay mo pa rin ako matuto kang gumalang.”

 

“Hay naku ayan si nanay pag hindi na alam ang isasagot n’ya dadaanin sa sermon.” Sabi nito.

Wala naman akong balak tumira dito pero naiinis ako sa lalaki na yun napaka bastos sumagot sa nanay n’ya. Tinawag n’ya pang nanay.

 

“Anak, maawa ka naman sa babae mukhang wala na s’yang matutuluyan.”

 

“E ano naman? Sa daan n’yo nga lang s’ya napulot e di ibalik n’yo don.”

 

“Pero anak buntis s’ya.”

 

“B-buntis? Nay naman dalawa agad yang kinuha mo.”

 

Wala na akong pakialam sa pagtatalo nila isa lang ang nakakatatak sa isip ko. ako? buntis? Dahil sa naisip ko hindi ko napigilang umiyak paano ko bubuhayin ang anak ko? kaya kong mabuhay sa daan pero paano ang anak ko?

 

Continue Reading

You'll Also Like

246K 4.4K 23
Dice and Madisson
110K 5.3K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
34.1K 2.3K 7
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING