I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 36

641 27 4
By emmanoehl

CHAPTER 36

 

-=JENNICA=-

 

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko na nasa loob ako ng sasakyan ni Jessie. Sakto pag tingin ko kay Jessie ay napatingin din s’ya sakin kaya mariin n’yang tinapakan ang preno kaya napasubsob ako sa salamin ng kotse.

“MM, gising ka na? ayos ka lang ba?”

 

“Sa tingin mo ba magiging maayos ako nasubsob na ako! Bigla bigla ka na lang nag p-preno d’yan.” Pagkasabi ko non bigla n’ya akong niyakap. Ano ba kasi ang nangyari sakin.

“Pasensya na MM, nag-alala lang ako sayo akala ko kung anong nangyari sayo.”

 

“Bakit ano bang nangyari sakin?” tanong ko habang nakahawak sa ulo ko.

“Pinakilala ko sayo si Tito Ed tapos bigla ka na lang hinimatay.”

Pag-kasabi n’ya non bumalik sakin ang lahat ng nangyari kung paanong nalaman ni Jazz ang sekreto ko at ang pagbabalik ng demonyong si Edmond. Dahil sa mga naalala ko nanginig nanaman ang buong katawan ko.

“MM, ayos ka lang ba? Ano bang nangyayari sayo?” narinig kong tanong ni Jessie.

“N-Nasan s’ya?”

 

“Sino?”

 

“S-Si Ed?”

 

“Nakasunod lang s’ya satin.” Dahil sa sinabi n’ya biglang akong binalot nang takot ko. takot na makita ulit ang demonyo at makulong nanaman ako sa kanya at takot na malaman ni Jessie ang totoo.

“J-Jessie..Jessie.. makinig ka sakin ahh makinig ka sakin..”  Paulit-ulit na sabi ko habang nakahawak sa braso ni Jessie at patuloy na tumutulo ang luha ko.

“Oo, makikinig ako.”

 

“Jessie, bilisan mo lumayo tayo umalis tayo.”

 

“Ha? Pero bakit?”

 

“Jessie basta, umalis tayo!”

 

“MM, hindi tayo pwedeng umalis.”

 

“Jessie, aalis tayo sige na aalis tayo. Jessie, please parang awa muna aalis tayo.”

 

“MM, anong bang nangyayari sayo?”

 

“H-hindi ka pwedeng umalis? Ako na lang, ako na lang ang aalis. Babalikan kita Jessie, babalikan kita.” Pagkasabi ko non nagmamadali akong lumabas ng sasakyan at tumakbo mabilis akong tumakbo naririnig ko pa ang tinig ni Jessie.

“MM, ano ba bumalik ka dito!”

 

“MM!”

 

“MM!”

 

Hindi ko s’ya pinapansin takbo lang ako ng takbo kailangan makalayo ako hindi pwedeng  maabutan ako ng demonyo. halos hindi ko na makita ang daanan dahil nahihilam na ako sa sarili kong luha dahilan para hindi ko makita ang isang batong nakaharang sa daan kaya nadapa ako.

“MM!” muli ay sigaw ni Jessie. malapit na s’ya sakin kaya kahit masakit ang tuhod ko at pakiramdam ko ay may dugong tumutulo mula sa sugat hindi ko yun pinansin muli akong tumayo at tumakbo. Pero dahil sa sugat ko nahirapan ako kaya naabutan n’ya ako. Mula sa likuran ay niyakap n’ya ako.

“MM, ano bang nangyayari sayo?halika na umuwi na tayo.”

 

“Hindi! Hindi! Hindi ako uuwi!” sigaw ko tapos nagpumiglas ako pero sadyang malakas s’ya at hindi ko kayang makawala sa kanya hanggang sa mawalan na ako ng lakas para lumaban naramdaman ko namang lumuwag ang pagkakahawak n’ya sakin. lumuhod ako at kumapit sa mga binti n’ya.

“Jessie, please.. pabayaan mo na akong umalis pabayaan mo na akong lumayo parang awa mo na.”  Pagmamakaawa ko.

“MM, hindi kita maintindihan bakit mo ko iiwan?”

 

“Jessie, maawa ka sakin. Jessie, maawa ka sakin parang awa mo na pabayaan mo na ako.” Patuloy na pagmamakaawa ko habang pinagkikiskisan ko ang mga palad ko.

“MM, sabihin mo sakin bakit ka nag kakaganyan.” Sabi n’ya sabay luhod din sa harap ko. sinamantala ko ang pagkakataon at itinulak ko s’ya kaya napahiga s’ya. Tumayo ako at kahit mahirap pinilit kong tumakbo. Pero nahabol n’ya pa rin ako at ngayon ay buhat buhat n’ya na ako.  Nagpapadyak naman ako sa hangin para makawala pero malakas s’ya.

“Ibaba mo ko! ibaba mo ko! Jessie!” sigaw ko habang patuloy na nanlalaban pero hindi n’ya ako pinapakinggan patuloy s’yang lumalakad pabalik ng sasakyan. Wala na akong magagawa dahan dahan kong inikot ang braso ko sa leeg ni Jessie isinandal ko ang ulo ko sa balikat n’ya.

“Jessie.. parang-awa mo na ilayo mo ko.” yun na lang ang nasabi ko at tuluyan na akong nag-iiyak sa balikat n’ya.

“Psssshhhht..aalis tayo. Ilalayo kita kung yan ang gusto mo. Wag ka lang mawawala sakin.” Narinig kong sagot ni Jessie dahilan para kumalma na ako.

Habang bumabyahe tahimik na ako nakikita ko naman na sumusulyap-sulyap sakin si Jessie. hindi ko alam kung anong mangyanyari sa mga susunod pero isa lang ang gusto ko. ang makalayo sa demonyong si Edmod.

“MM, malayo na tayo kaya sana kumalma ka na. matulog ka na muna gigisingin na lang kita.” Sabi n’ya tapos dahan-dahan n’yang pinunasan ang luha ko.  Tama si Jessie, dapat kumalma na ako malayo na kami at nagpapasalamat ako dahil kasama ko na si Jessie sa pagtakas ko.

-=JESSIE=-

 

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay MM pero hindi ko kinakaya ang sakit na nakikita ko sa kanya at hindi ko kakayaning makitang lumalayo s’ya sakin sa ganong kalagayan n’ya. Grabe ang takot na nakita ko sa kanya kaya pumayag na rin akong umalis kasama s’ya. Dahil kung hindi ko gagawin yun baka kung anong magawa n’ya sa sarili n’ya. Dahan-dahan kong inayos pahiga ang upuan n’ya para naman makapagpahinga s’ya ng maayos inayos ko rin ang paa n’ya para hindi s’ya mangalay at dahil don nakita ko ang dugo sa binti n’ya. Dahan dahan kong itinaas ang paldang suot n’ya at nakita ko ang sugat sa tuhod n’ya dahil siguro sa pagkakadapa n’ya.

“J-Jessie? bakit ka huminto?” tanong n’ya. Nagising pala s’ya. Hindi ko s’ya sinagot bumaba ako ng sasakyan at binuksan ang pinto kung saan s’ya nakaupo. Dahan dahan kong ipinatong ang paa n’ya sa hita ko at itinaas ng bahagya ang palda n’ya.

“J-Jessie…”

 

“Gagamutin lang natin ang sugat mo.” Sabi ko tapos inumpasahan ko ng linisan ang sugat n’ya. Pagkatapos linisan pinahiran ko yun ng gamot tapos inayos ko na ulit ang upo n’ya.

“Magpahinga ka na ulit mahaba pa ang byahe.” Sabi ko dahan dahan naman s’yang tumango. Bubuksan ko na sana ang makina ng sasakyan ng biglang mag ring ang CP ko. nakita ko namang nagulat si MM at bumalik ang takot sa mukha n’ya. Dinampot ko ang cp ko at binato sa labas. Tapos hinawakan ko s’ya sa kamay.

“I love you.” Sabi ko habang titig na titig sa mata n’ya. Dahan dahan naman s’yang ngumiti at yumakap sakin.

“Salamat, Jessie.”

 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta na hindi alam ni Daddy dahil syempre alam n’ya lahat ng bahay namin. Kaya ito dito ko dumiretso sa rest house nila Ken. Alam kong dito pansamantalang naninirahan si Dennis. Agad naman akong bumusina at nakita ko namang binuksan n’ya agad yun at kumaway sakin. dahan dahan ko namang ginising si MM. paglabas namin ng sasakyan agad s’yang lumapit samin.

“Pare, may problema ba?” tanong n’ya.

“Mahabang kwento pare, puwede bang makituloy muna kami dito?”

 

“OO naman para ka namang ibang tao.”

 

“Salamat.” Pagkasabi ko non nakita ko namang hinihila ni MM ang braso ko. naintindihan ko naman ang gusto n’yang sabihin.

“Saka pare, kung pwede sana walang makakaalam na nandito kami kahit sino kahit sa barkada.”

 

“OO, naman sige.” Sabi n’ya. Likas talaga ang kabaitan nitong tao na to ni hindi nagtanong kung bakit.

Inalalayan ko naman si MM paakyat sa kwarto. Hanggang sa kama yakap na yakap s’ya sakin.

“Jessie, wag mo kong iiwan ah.”

 

“Oo naman. Hindi kita iiwan no delikado ka kay Dennis.” Pagbibiro ko kita namang napangiti ko s’ya.

“Loko ka talaga.”

 

“MM, gusto ko sana na habang nandito tayo kalimutan na muna natin ang nangyari. Isipin mo na lang na nasa bakasyon tayo para ma-enjoy natin ito okay?” sabi ko tapos tumango lang s’ya bilang sagot.

“Jessie, pwede mo ba akong kantahan para makatulog ako?”

 

“Oo naman!”

 

“Ayaw ko ng kahit na panget ako ah.” Sabi n’ya natawa naman ako naalala ko nung sa school kinantahan ko s’ya non.

Dahan dahan kong inangat ang ulo n’ya at pinatong ko sa braso ko tapos ang isang kamay ko naman ay inaayos ang buhok n’ya na bumagsak sa mukha n’ya. Tapos nag simula na akong kumanta.

Tulog na mahal ko

Hayaan na muna natin ang mundong ito

Lika na tulog na tayo

Tulog na mahal ko

Wag kang lumuha malambot, ang iyong kama

Saka na mamroblema

Tulog na hayaan na muna natin sila

Mamaya hindi, ka na nila kaya pang saktan

Kung matulog matulog, ka na

Tulog na mahal ko

Nandito lang akong bahala sa iyo

Sige na tulog na muna

Tulog na mahal ko At
baka bukas ngingiti ka sa wakas At
sabay natin harapin ang mundo…

 

Hindi ko pa tapos ang kanta nakatulog na s’ya. Dahan-dahan ko namang inayos ang higa n’ya tapos lumabas ako para kumuha ng tubig.

Papunta na sana ako sa kusina ng makita ko si Jessie na nakatayo sa may pinto habang nakatingin sa labas.

“Dennis?” tawag ko. agad naman s’yang lumingon sakin.

“O, gising ka pa?” tanong n’ya.

“Oo, e ikaw? Bakit gising ka pa?”

 

“May iniisip lang ako.”

 

“Ano naman?”

 

“Upo tayo pare may sasabihin ako.” Sabi n’ya. Sumunod naman ako agad.

“Ano ba yun? Tanong ko.

“May babae akong nagugustuhan.”

 

“O ano namang bago don?” tanong ko.

“Seryoso ko dito.”

 

“Seryoso ka rin naman kay Grace at Jazz e.”

 

“Pare, naman wala na yun.”

 

“Eh ano ngang problema don kung gusto mo sya? E di sabihin mo!”

 

“Hindi n’ya ako kilala.”

 

“Pambihira e di magpakilala ka.”

 

“Kilala n’ya na ako.”

 

“Ano ba kilala ka ba o hindi? Ang gulo mo!”

 

“Magkakilala kami pare, pero hindi n’ya alam na ako si Dennis Lee Montreal.”

 

“Hanep ah buong buo. Imposible namang hindi ka kilala non meron bang hindi nakakakilala sayo?”

 

“Basta nga hindi n’ya alam na ako si Dennis.”

 

“Oh ngayon? Eh di sabihin mo.”

 

“Pare, mahirap lang kasi s’ya.”

 

“Wow ah! Sayo talaga nanggaling yan? Katulong nga nagkagusto ka.”

 

“Hindi ganon pare, isa s’yang Gold digger!”

 

“Woah! Kailan ka pa naging mapanghusga pare? Masama yan!”

 

“Hoy hindi ako ganon no!”

 

“Eh sabi mo isa s’yang Gold digger?”

 

“Sa kanya mismo nang galing yan at alam ko lahat ng plano n’ya para akitin ako.”

 

“Ikaw?”

 

“I mean si Dennis.”

 

“Eh di ikaw nga!”

 

“Hindi n’ya nga alam na ako si Dennis.”

 

“Kalokohana naman yan.”

 

“Basta hindi n’ya alam!”

 

“Okay hindi n’ya alam o anong plano mo?”

 

“Hindi ko alam. Gusto ko s’ya pero kaya nga ako hindi nagpakilala sa kanya para makaiwas sa mga ganong tao tapos sa ganong tao pa ako tatamaan.”

 

“Hirap nga n’yan.”

 

“Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

 

“Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.”

 

“Teka muna, bakit ba ako ang tinatanong mo ako dapat nagtatanong sayo. Bakit kayo tumatakas ni Jennica?”

 

“Hindi ko alam pare, naguguluhan ako. Pinakilala ko si Tito Ed kay MM tapos hinimatay si MM nung nagkamalay naman biglang nagwala. Nagmamakaawa na ilayo ko s’ya.”

 

“Baka naman may ginawa sa kanya yung Ed na yun.”

 

“Pare, mabait si Tito Ed eh.”

 

“E baka baliw si Jennica.”

 

“E kung sapakin kaya kita?”

 

“Ang gulo mo kasi isa lang yan. Kung wala ginawa si Ed sa kanya bakit sya magkakaganon? Malamang baliw s’ya. Ngayon san ka maniniwala? Dun sa may ginawa yung Ed? O baliw si Jennica?”

 

“Siguro nga may ginawa si tito Ed.”

 

“Uyyyyyy epekto ng pag-ibig.”

 

“Baliw!”

 

“Teka muna e diba yang Ed na yan ang daddy ni Christoff?”

 

“Oo, ano naman?”

 

“E diba sabi mo itong si Jennica eh dating gf ni Christoff?”

 

“Oo.” Pagkasabi ko non napa palakpak pa si Dennis.

“Bakit?”

 

“Sa tingin ko pare, itong si Ed ay hindi pumayag sa relasyon ni Christoff at Jennica tapos pinahirapan n’ya ng husto itong si Jenncia para lumayo ito sa anak n’ya.”

 

“Oo nga no! pero ano naman ang gagawin ni Ed sa kanya?”

 

“Baka pinatapon n’ya sa malayong lugar yang si Jennica kaya nagulat ng makitang buhay pa!”

 

“Grabe ka naman hindi naman ganon kasama ang tito.”

 

“Ewan ko sayo! Wala na akong ibang nakikitang dahilan e.”

 

“May point ka.”

 

“Magaling ako e.”

 

“Oo na sige na matutulog na ako. Ikaw matulog ka na rin! Wag mo ng problemahin yang babae na yan.”

 

-=AUTHOR=-

 

Nagkakagulo naman sila dahil nawawala si Jennica at Jessie. kahit ang daddy n’ya walang alam. Sinabi na rin ni Edmond ang lahat sa daddy ni Jessie na ikinasal na sila ni Jennica ipinakita n’ya rin ang mga pictures nila ni Jennica nung kinasal at dag-dag don sinabi n’ya rin na niloloko lang ni Jennica si Jessie katulad ng ginawa nito sa kanya. sinabi n’yang inakit s’ya nito at pinerahan hanggang sa nalaman n’ya na ang anak naman n’yang si Christoff ang inaakit nito. Gulat na gulat naman ang daddy ni Jessie noong una ay hindi ito naniwala pero pagkatapos i-kwento ni Edmond ang ginawang pag-akit nit okay Christoff biglang luminaw sa kanya ang lahat. humingi s’ya ng pasensya kay Edmond at nangakong gagawin ang lahat para makita si Jennica at Jessie.

Continue Reading

You'll Also Like

76.6K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
799K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...