CHAPTER 33
-=JESSIE=-
Nandito ako ngayon kina Ken, dahil nabwiset ako kay MM bakit s’ya ganon sakin?ang sama n’ya.
“O pare, uminom ka muna ng tubig nang kumalma ka. Kalalaki mong tao grabe ka umiyak. Buong buhay ko ngayon lang kita nakitang umiyak ng ganyan. Sa tagal nating magkakaibigan itsurang gutom lang natatandaan ko sayo hindi ako sanay na ganyan ka.” Mahabang sabi ni Ken.
“Kasi naman pare, nasasaktan ako. Ang sakit sakit na bakit ganito akala ko ba masaya lang ang mag-mahal? Bakit ganito.” Sabi ko na naiiyak nanaman.
“Ano ba kasi ang nangyari?” tanong n’ya.
“Kasi pare narinig ko s’yang may kausap. Hindi ko na sasabihin ang narinig ko kasi masyadong personal pero basta yung narinig ko pagtataksil yun sa relasyon namin.”
“Oh tapos anong nangyari.”
“Ayun nga narinig ko natural nasaktan ako. Sa halip na awayin s’ya nanahimik na lang ako at hindi ko muna s’ya pinansin. Normal lang naman yun diba?”
“Oo tama lang naman ang ginawa mo.”
“Tapos lumapit s’ya sakin. dun sana patatawarin ko na s’ya pero alam mo ba kung anong sinasabi n’ya sakin?”
“Oo alam ko kaya nga nagpapakwento ko sayo! Ewan ko rin sayo e di malamang hindi kaya nga nagtatanong.”
“Wag ka ng mamilosopo hindi na bebenta yan story ko na to e.”
“E ano na nga? Anong sabi.”
“Pare, sabi n’ya. . .” bago ko pa maituloy ang sasabihin ko naiyak na ako.
*FLASHBACK
“Jessie, masmabuti pa sigurong maghiwalay na tayo.” Sabi n’ya na nagpakaba ng matindi sakin.
“A-anong sabi mo?” tanong kong naninigurado sa sinabi n’ya.
“W-wag na tayong magpakasal.”
Gusto kong magsisi at pinaulit ko pa sa kanya dahil mas masakit pala pag malinaw na yung pagkakarinig mo.
“Bawiin mo yung sinabi mo!” sigaw ko.
“Jessie, kung i-pag-papatuloy natin ‘to masasaktan at masasaktan kita.”
“Hindi! Hindi! Hindi!” Paulit-ulit na sigaw ko. tapos patakbong bumaba ako ng bahay at sumakay sa sasakyan. Narinig ko pa ang sigaw ni MM na hinahabol ako pero hindi ko s’ya pinansin dali-dali akong umalis at ito nga dito ko dinala kina Ken. Alam ko kasi na kung merong taong makakaintindi sakin walang iba kundi si Ken.
*End of Flashback
Hindi maawat ang pagtulo ng luha ko habang nagk-kwento ko.
“Ano ba naman yan parang ang babaw para maghiwalay saka akala ko ba s’ya ang maykasalanan bakit s’ya ang makikipaghiwalay?”
“Kaya nga pare, hindi ko maintindihan bakit?”
“Sa tingin ko nagdadahilan na lang si Jennica. Baka naman ayaw n’ya talagang magpakasal sayo pare.”
“Siguro nga yun talaga ang dahilan naisip ko na rin yan. Kaya s’ya nagrerebelde sakin dahil ayaw n’ya akong pakasalan. Pero hindi ako papayag ikakasal kami sa ayaw at sa gusto n’ya.”
“Aba hindi naman ata tama yan. Makakalaban mo na ako n’yan.”
“Ayaw mo non?”
“Ayaw ko non!”
“Sige, kuha ka ng kutsilyo patayin mo na ako ngayon.”
“Ano?”
“Patayin mo na ako! Yun lang ang paraan para hindi na ako magpakasal sa kanya.”
“Grabe ka! Ang lakas ng tama mo.”
“Bakit ikaw? Diba ginusto mo rin magpakamatay para lang sundan si Jazz?”
“Mag-kaiba naman ang sitwasyon natin. Kami ni Jazz nag mamahalan yung sa inyo Malabo e.”
-=JENNICA=-
San na kaya si Jessie. baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Nag-aalala na ako.
“May problem kaba hija?” boses ng daddy ni Jessie agad naman akong napalingon ng marinig ko yun. Hindi pa ako nagsasalita nangingilid na ang luha ko.
“Nag-aalala po ako kay Jessie. nag away po kasi kami.”
“Pagpasensyahan mo na ang anak ko paminsan-minsan mahirap talagang intindihan ang batang yun e.”
“Kasalanan ko naman po e.” sabi ko tapos biglang tumulo ang luha ko.
“Hija, ano man ang kasalanan mo sa anak ko mag-sorry ka lang mapapatawad ka naman n’ya kaagad e.”
“Sa tingin n’yo po ba kahit anong kasalanan ko kaya n’yang patawarin?”
“Oo, naman. Mahal na mahal ka ng anak ko kaya sigurado ako.”
Pagkatapos naming mag-usap ng daddy ni Jessie medyo gumaang na ang pakiramdam ko. pero nag-aalala pa rin ako dahil hanggang ngayon wala pa rin s’ya. Hindi na ako nakatulog kakaabang sa kanya. umaga na konting oras na lang at papasok na ako. Pero hindi ko alam kung papasok ba ako o hihintayin ko na lang s’ya. Maya-maya narinig ko na ang sasakyan ni Jessie agad akong napatakbo sa pinto para salubingin s’ya. Pero parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko ng makitang malungkot pa rin s’ya at parang hindi ko kayang salubungin ang titig n’ya kaya napayuko na lang ako.
“Bilisan mo maligo ka na ma-la-late ka na.” mahinang sabi n’ya ng matapat s’ya sakin.
“J-Jessie yung kaga-.”
“Ayoko ng pag-usapan. Sinabi ko sayo diba? Hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal.” Pag-kasabi n’ya non dire-diretso s’ya sa loob naiwan ako mag-isa. Pumasok na rin ako para maligo at mag-ayos. Pagbaba ko nag-aabang na s’ya. Tapos ng makita n’ya ako lumabas na s’ya sumunod naman ako. Habang nasa biyahe kami walang nagsasalita.
“Susunduin mo ba ako?” tanong ko ng sa wakas lumabas din ang boses ko.
“Oo.” Matipid na sagot n’ya tapos bumaba na s’ya para pag buksan ako ng pinto.
Pinanood ko na lang s’yang makaalis. Nasasaktan akong makita s’yang ganon pero hindi ko rin kasi alam ang gagawin ko.
“May problema ba?” agad naman akong napalingon sa likod ng marinig ko ang boses na yun.
“C-Christoff?”
“SIR” sagot naman nito na pinapaalala na nasa school nga pala kami at kailangan ko s’yang igalang.
“S-sorry.” Mahinang sagot ko.
“So, may problema ka nga?”
“Nakikipaghiwalay na kasi ako kay Jessie.”
“What?!” gulat na tanong n’ya.
“Nakikipaghiwalay na ako sa kanya ayoko ng ituloy ang kasal.”
“Pero bakit? Ang akala ko mahal mo s’ya?”
“Mahal ko naman talaga s’ya. Kaya lang natatakot akong masaktan ko s’ya kapag nalaman n’ya na ang totoo.”
“Yun ba talaga ang kinakatakot mo? O natatakot kang harapin ang katotohanan na baka hindi ka n’ya tanggapin kapag nalaman n’ya ang totoo?” pagkatapos sabihin ni Christoff yun para akong sinampal ng katotohanan dahil natumbok n’ya ako don. Ayun naman talaga ang kinakatakot ko.
“Hindi ka makapag-salita. Tama ako no? kung naniniwala ka na mahal ka ni Jessie anong kinakatakot mo? Alam mo wala ka rin namang choice eh. Kung makikipaghiwalay ka sa kanya kailangan mo s’yang bigyan ng isang mabigat na dahilan hindi pwede yung basta ka na lang makikipaghiwalay.”
“Anong gagawin ko?”
“Enjoy-in mo na lang kung anong meron ka ngayon. Tigilan mo ang kakaisip ng mga bagay na hindi pa naman nangyayari dumating man yung araw na kinakatakot mo atleast masasabi mong naging masaya ka naman kahit sandali lang.” Pagkasabi non ni Christoff umalis na s’ya at naiwan akong mag-isa. Hanggang sa matapos ang klase wala akong naintindihan dahil nandun ang isip ko sa mga sinabi ni Christoff. Maya-maya pa dumating na si Jessie para sunduin ako.
Habang nasa biyahe ganon ulit walang usapan. Pagdating sa bahay inunahan n’ya na akong pumasok sa kwarto. Pag dating ko sa kwarto hindi ko s’ya nakita. Siguradong nasa terrace nanaman s’ya. Palagi na lang ba kaming ganito nahihirapan na ako ayoko ng ganito. Dahil don hindi ko na napigilan pa ang iyak ko. sa sobrang lakas ng iyak ko narinig ni Jessie yun kaya natataranta s’yang lumapit sakin at niyakap ako. Nag-iiyak naman ako sa balikat n’ya.
“Jennica, Mahal na mahal kita. Ayaw kong mawala ka sakin pero ayaw ko rin na nakikitang nahihirapan ka ng dahil sakin. kaya kung ayaw mo talagang magpakasal sakin sige na, hindi na kita pipilitin.” Sabi ni Jessie tapos tumayo na s’ya bago pa s’ya makalabas muli s’yang nagsalita.
“Malaya ka na.” sabi n’ya kasabay ng pagsara ng pinto.