I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 31

696 27 3
By emmanoehl

CHAPTER 31

-=JENNICA=-

Nagising ako dahil sa mahigpit na pagkakayakap sakin. pagdilat ko nakita ko si Jessie parang batang yakap na yakap skin.

"Goodmorning MM" Nakangiting bati nito.

"Goodmorning, sarap naman gumising pag may yakap." ^_^

"Masanay ka na kasi yakap ko ang palaging gigising sayo."

Hindi naman ako sumagot at ngumiti lang.

"Halika na dali pinagluto kita ng breakfast." Sabi n'ya sabay hila sa kamay ko patayo.

Kasabay naming nag-aalmusal ang Daddy ni Jessie.

"Nakakatuwa kayo tignan ang sweet sweet n'yong dalawa." Bati samin ng daddy ni Jessie.

"Ganon talaga daddy baka kasi mamaya biglang iwanan ako nitong si MM ko."

"Ano ka ba hindi nga kita iiwan hanggang hindi mo sinasabi."

"Tigilan n'yo na nga yan. Kumain na kayo at ihahatid mo pa sa school itong si Jennica."

Pagkatapos kumain agad naman akong nag-ayos dahil naghihintay na si Jessie sa baba baka magalit nanaman yun pag matagal ako. Dali dali akong tumakbo pababa ng hagdan kaya muntik na akong mahulog buti na lang mabilis akong nasalo ni Jessie.

"Ano ba naman yan MM hindi ka nag-iingat." Sabi ni Jessie.

"Nagmamadali kasi ako pasensya na."

"Bakit late ka na ba?"

"Hindi naman baka kasi magalit ka e."

"Ano ka ba naman hindi ako magagalit sayo. Halika na nga."sabi ni Jessie sabay akbay sakin.

Habang nasa sasakyan hindi binibitawan ni Jessie ang kamay ko.

"Jessie?"

"Hmnn?"

"Hindi ka ba nahihirapan n'yan?"

"Saan?"

"Yan, kasi isang kamay lang ginagamit mo sa pag d-drive e."

"Ano ka ba hindi ako nahihirapan no. kahit kailan hindi ako mahihirapan basta nandyan ka sa tabi ko." sabi n'ya sabay halik sa kamay ko.

"Jessie, nakakainis ka." Sabi kong hindi naman mukhang naiinis mukhang kinikilig.

"Oh, bakit po naiinis sakin ang MM ko?" sagot n'yang ang lambing lambing ng boses.

"Kasi naman hindi ako sanay na ganyan ka sakin."

"Masanay ka na. ganito talaga ko, diba sabi ko naman sayo hayaan mong ipakita ko sayo kung gaano kita kamahal." Mahabang sabi n'ya. Tapos sumandal ako sa balikat n'ya.

"Ang saya saya ko. sobra. . ." sabi ko habang nakasandal pa rin sa balikat n'ya. Hanggang makarating sa school ganon na ang pwesto ko.

"Sige dito na ako. Mag-ingat ka pag-uwi."

"Wag ka na kaya mag-aral? Kaya naman kita buhayin e."

"Ikaw talaga! Konting tiis na lang matatapos na ako hindi mo pa ako pag-aaralin."

"Kasi naman ang tagal kitang hindi makikita."

"Nyekz, saglit nga lang e."

"Sige.sige mag-iingat ka d'yan ah."

"Ano ka ba. Safe ako dito." Sabi ko tapos akmang bababa na ako ng sasakyan pero pinigilan n'ya ako.

"Ako na MM." sagot nito sabay labas ng sasakyan tapos pinagbuksan at inalalayan akong makababa.

"Salamat, sige pasok na ako." Sabi ko tapos humakbang na ako paalis.

"Wala ba akong kiss?" Boses ni Jessie mula sa likuran ko. dahil don napalingon naman ako.

"A-anong sinabi mo?"

"Kiss."

"Ano ka ba nasa school tayo."

"Ano naman? Alam naman nilang ikakasal na tayo ah."

"Jessie."

"Sige na nga wag na." malungkot na sabi nito sabay talikod.

"Ito na nga i-ki-kiss ka na." sabi ko naman

"Talaga?" sabi nitong nanlaki pa ang mga mata. Sa halip na sumagot lumapit ako sa kanya para halikan s'ya. Pero hindi pa naglalapat ang labi namin ng biglang may tumawag sakin.

"Jennica!"

Sabay naman kaming napalingon ni Jessie.

"C-Christoff?"

"Ikaw nanaman? Hindi pa ba maliwanag sayo na ako ang pinili?"

"Maliwanag."

"E bakit nandito ka pa rin?"

"Bakit? Magkaibigan pa rin naman kami ni Jennica diba?"

"So pag kaibigan kailangan laging puntahan?"

"Sino naman nagsabi sayong pinuntahan ko si Jennica?"

"E anong ginagawa mo dito? Wag mong sabihing mag-aaral ka?"

"Wala akong dapat ipaliwanag sayo!" sagot ni Christoff.

"Ms. Jones, 10am ang pasok, 10:15 na kung hindi ka pa papasok absent ka na!" yun lang at dire-diretso na itong pumasok.

"Anong sinasabi n'ya?" takang tanong sakin ni Jessie.

"Ewan ko hindi ko alam. Uy sige, papasok na ako." Sabi ko. hindi ko na hinintay pang sumagot si Jessie.

Pagdating ko sa room wala ng tao siguradong nasa baba nang lahat bago ang Professor naming sa P.E ngayon. ang sabi nila suplado raw kaya nga ayaw ko sanang ma-late. Tumakbo na ako pababa kung saan kami mag-ka-klase.

"Jennica Jones!" sigaw ng lalaking sa tingin ko ay ang bagong professor namin. Hindi ko s'ya maaninag dahil nakatakip ng class card ang mukha n'ya.

"Present!" sigaw ko sabay taas ng kamay.

Pag-baba ng hawak na class card ng professor naming. Napanganga talaga ako ng makita kong si.. si Christoff. S'ya ang bagong professor namin sa P.E.

"Sa susunod ayoko ng may na-la-late sa klase ko. kapag naunahan ko kayo mas mabuti pang wag na kayong pumasok! Nagkakaintindihan ba tayo!" sigaw nito.

"Yes, sir!" sabay sabay na sagot ng mga kaklase ko.

"Nagkakaintindihan ba tayo Ms. Jones?" ulit na tanong nito ng hindi ako sumagot.

"Y-Yes sir!"

"Okay."

-=JESSIE=-

Kanina pa nakapasok sa loob si MM pero ako nananatili pa ring nakatayo dito. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Yung guard pinapasok n'ya yung panget na yun. At itong si MM naman nakalimutan ang kiss ko.

"Manong guard! Bakit ako ayaw mong papasukin bakit yung panget na yun pinapasok mo?"

"Si Ms. Jennica po?"

"E kung sapakin kita d'yan! Panget nga sabi ko Jennica sasabihin mo? E s'ya pinaka maganda dito."

"Aba malay ko dati panget na panget ka e."

"Showbiz? Sagutin mo ako bakit pinapasok mo yung si Chris na yun?"

"A si sir chris po ba?"

"Sige mag-ulitan tayo ng tanong para bukas mo pa ako masagot."

"Si sir Chris po bagong teacher dito sa Unknown University."

"Bagong te-. Ano? Kinuha s'ya ni Justine?"

"Sige sir mag ulitan tayo ng tanong paro bukas pa masagot." Sagot naman ng guard na ginaya pa ang sinabi ko. pambihira kaya pala bwiset si Ken dito e.

Hindi ko na lang sinagot ang guard dahil si Christoff ang nasa isip ko bwiset na yan! Balak pa ata akong kalabanin a. hindi talaga s'ya titigil. At dahil sa naisip ko mabilis ako tumakbo papasok sa loob nakita ko namang hinahabol ako ng guard.

"Sir, wag kang pumasok d'yan. Mapapagalitan ako." Sigaw n'ya habang hinahabol ako.

"Mapapagalitan ka lang dahil pinapasok mo ako. Pero pag may ibang nakapasok dahil umalis ka sa pwesto mo siguradong tanggal ka sa trabaho!" sigaw ko naman tapos nakita kong tumakbo na s'ya pabalik at hindi na ako hinabol. Agad ko namang hinanap si MM. at ng makita ko si MM bigla naman akong napangiti pero saglit lang yun dahil nakita kong tinamaan s'ya ng bola ng volleyball. Nakita ko namang agad na lumapit si Chris.

"Jennica, ayos ka lang ba?"

"O-Oo ayos-."

"Ayos nakita mo na ngang tumumba!" sigaw ko na hindi na pinatapos pa ang sasabihin ni Chris. Pagkalapit ko agad kong binuhat si MM.

"Jessie, nag ka-klase pa kami."

"Wala akong paki! Nakita mo ng nasaktan si Jennica diba? Pipilitin mo pa ring maglaro s'ya?!" sigaw ko tapos wala na s'yang nagawa.

"Jessie, ibaba mo na ako hindi naman ako nasaktan ayos lang ako."

"Hindi pwede!"

"Saan mo ba ako balak dalin?"

"Sa hospital."

"Hospita? Seryoso ka d'yan? Tinamaan lang ako ng bola."

"Wag ng matigas ang ulot mo! Paano kung napuruhan ka!"

"Bola lang yun.

"MM wag naman na matigas ang ulo mo please." Hindi naman na sumagot pa si MM.

Pagdating sa hospital agad akong bumaba ng sasakyan tapos binuhat ko si MM papunta sa emergency room. Kita ko namang nataranta ang lahat habang sinasalubong ako.

"Sir, kami na po ang bahala sa kanya! dun po muna tayo sa gilid para sa ilang mga katanungan." Sabi ng sumalubong sakin sa tingin ko nurse.

Pagkatapos ng mga ilang katanungan umupo na muna ako sa labas para maghintay. Sana naman walang masamang nangyari kay MM. maya-maya pa nakita ko ng dumating sina Ken at Jazz.

"Jessie, anong nangyari kay Jennica?" tanong ni Jazz habang si Ken naman e naghihintay rin ng sagot habang nakaalalay kay Jazz.

"Nasa loob pa s'ya tinitignan ng doctor." Sagot ko. Dumating na rin si Jericho at Jane kasunod si Nash at Vincent.

"Pare, ano bang nangyari?" tanong ni Vincent.

"Ewan ko iniwan ko lang s'ya saglit tapos biglang-." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dumating si Justine kasama si Raffy.

"Jessie, ano bang nangyari? Pasensya ka na hindi ko alam na gulo pa ang idudulot ni Chris sa school."

Continue Reading

You'll Also Like

109K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
669K 23.9K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
148K 8.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.