I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 30

748 30 10
By emmanoehl

CHAPTER 30

-=JESSIE=-

Ano ba ginawa ko? Pinabayaan ko lang na kinuha sakin si MM kung ganito lang pala sana umpisa pa lang hindi na ako lumaban.

"Pare, anong klaseng pride ba ang meron ka?" sabi ni Jericho, sabay tapik sakin.

"Wag mo na sanang gawin pa yung pagkakamali na ginawa ko noon." Sabi naman ni Ken.

"Alam mo pare, ang duwag mo!" sigaw naman ni Vincent. Dahil sa sinabi n'ya nag init ang ulo ko at napahawak ako sa kwelyo n'ya. Palagi kong kabiruan itong si Vincent pero hindi ibig sabihin non palalagpasin ko na lang palagi ang pang-aasar n'ya sakin.

"Anong sabi mo?"

"Duwag ka! Hindi mo maamin sa kanya ang totong nararamdaman mo! Natatakot ka kasi na baka pagtawanan ka namin. Pero pare, wala namang humuhusga sayo samin e. nasayo na nga. Mahal ka na nga. Handang gawin lahat para sayo! Ang swerte swerte mo para magkaron ng ganyan. Ang swerte swerte mo dahil hindi mo pinagdadaanan yung hirap na pinagdadaanan ko para sa babaeng mahal ko. Yung hirap na pinagdadaanan ni Justine dahil nagmahal s'ya ng katulad n'yang lalaki. Yung hirap na pinagdaanan ni Jericho dahil harap-harapang pinapakita ng babaeng mahal n'ya kung sino ang mahal nito. Yung hirap na pinagdaanan ni Ken na isuko ang nararamdaman n'ya mailigtas n'ya lang sa kapahamakan si Jazz At ang hirap na pinagdaanan ni Dennis nung nabaliw ang babaeng minamahal n'ya!" Dahil sa mga sinabi ni Vincent parang naliwanagan ang utak ko. Tama s'ya yung hirap na pinagdadaanan nila hindi ko alam kung kakayanin ko. ako napaka swerte ko dahil na una na akong mahalin ng babaeng gusto ko. gusto kong makasama habang buhay. At dahil sa mga naisip ko? ito at tumatakbo na ako. Takbo ako ng takbo umaasang maabutan ko pa si MM. hindi naman ako nabigo dahil ito abot tanaw ko na s'ya.

"MM!" hinang hinang napalingon pa rin s'ya sakin. kita kong nahihilam pa rin s'ya sa sarili n'ya luha.

"Sabi mo hindi mo ko iiwan!" sigaw ko habang dahan dahang lumalakad palapit sa kanya. Pero hindi ito kumibo muli itong tumalikod at inakay ni Chris palayo.

"MM!" napahinto ulit s'ya at lumingon sakin.

"Sabi mo ako ang pakakasalan mo!" sigaw ko. pero katulad kanina hindi ito kumibo at lumakad ulit palayo.

"MM ano ba! Inuutos kong humarap ka sakin at hintayin ako d'yan sa pwesto mo!" sigaw ko at halatang nagulat naman ito dahil napahinto s'ya at humarap nga sakin. hindi na ako nag aksaya ng oras at lumapit papunta sa kanya.

"MM, M-may pinalitan ako sa kanta." Hindi ito kumibo pero nanatiling nakatingin sakin kaya naman nagpatuloy ako.

"Hindi ko alam kung bakit ako'y nahuhulog sayo. Ayan yung inalis ko sa kanta. MM, nahuhulog na ako sayo." Hindi napigilang sabi ko.

"Jessie, tanggap ko na! inis ka sakin dahil umpisa pa lang naman epal na ako sa inyo ni Jazz e. galit na galit ka sakin kaya paanong mahuhulog ka sakin. Jessie, tama na. ayoko na." sabi ni MM sabay talikod.

"I love you even when I hate you." Biglang nasabi ko na lang. at napahawak ako sa puso ko. dahil ang sakit n'ya ang sakit sakit kumikirot s'ya. Hindi pa rin ako nilingon ni MM at lumakad ito palayo sakin. basta hindi ako susuko. Lumakad ako ng mabilis at hinila si MM.

"A-Aray ko, Jessie ano ba bitawan mo ako!" sigaw ni MM. pero hindi ko s'ya pinansin hinila ko s'ya.

"Jessie ano ba!" sigaw ni Chris sabay sapak sakin. sasapakin ko sana s'ya pero nakita kong biglang humarang sina Jericho,Justine,Vincent at Ken.

"Sige na kami na ang bahala dito." Sabi ni Ken. Hindi ko alam kung paano silang nakarating don. Nakakatuwa talaga na pagkailangan ko sila dumarating sila.

Nang masigurado kong malayo na kami ni MM binitawan ko na s'ya.

"Ano ba Jessie? ano bang problema mo?"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! nakakainis ka na."

"Talaga? Ako matagal na akong naiinis sayo!" ganting sigaw n'ya. Sabay talikod nanaman. Mabilis naman akong kumilos at humarang sa harapan n'ya.

"MM naman, wag mo naman gawin sakin to. Mahal kita. Mahal na nga kita e bakit ganyan iiwan mo pa rin ako? MM kaya ako naiinis sayo kaya bwiset na bwiset ako sayo dahil mahal na kita! Mahal kita kahit nakakainis ka na!" Pagkasigaw ko non. Pakiramdam ko bakla na rin ako dahil bumagsak ang luha ko. bigla ko s'yang niyakap.

"MM, kapag umiiyak ka niyayakap kita pano naman ako? Umiiyak ako oh, yakapin mo naman ako. MM ano ba? Kumilos ka naman d'yan para kang tanga e. MM naman e wag ka naman ganyan pansinin mo naman ako. MM ano ba? Mahal kita mahal na mahal kita wag mo naman akong iwan oh. wag ka namang sumama sa kanya." sabi ko pero wala nanatiling nakatanga si MM at hindi kumikilos.

"MM. kung gusto mo luluhod ako hihingi ako ng tawad sa lahat ng ginawa ko." pag kasabi ko non bigla akong lumuhod.

"MM. sorry na sorry na please sorry naman na. kung gusto mo magkasundo tayong dalawa isang masakit na salita pa mula sakin iwan mo na ako. Please bigyan mo ko ng pagkakataon na ipakita sayo kung gaano kita kamahal. MM,please." Sa takot ko dahil wala pa ring sinasabi si MM napayakap na lang ako sa binti n'ya.

-=JENNICA=-

Lutang ako.. as in lutang talaga. Kanina pa lang ng sabihin ni Jessie na mahal n'ya ako. Tulala na ako. Tulala ako hindi dahil ayoko s'yang pansinin o dahil ayoko na s'ya makausap pa. tulala ako dahil sa mga sinabi n'ya hindi ako makapaniwala. Pero ngayon, ngayong nakaluhod s'ya habang yakap yakap ako sa binti. Naniniwala na ako. Naniniwala na ako na mahal n'ya ako. Pero hindi ko alam ang gagawin ko. hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanatili lang kami sa ganitong pwesto. Nakatingin ako sa kanya habang nakaluhod at nakayap s'ya sa binti ko. habang lumalakas pa ang ulan. Walang pakialam si Jessie kung napuputikan man ang pantalon n'ya o kung nababasa man s'ya.

"J-Jessie, tumayo ka na d'yan." Mahinang sabi ko.

"Hindi, ayaw ko! hindi ako tatayo hanggang hindi mo sinasabing hindi mo ko iiwan." Sabi ni Jessie. lumuhod na rin ako para magtama ang mukha naming dalawa.

"Jessie, Binigyan mo ako ng buhay nung mga panahong gusto ko na lang mamatay. Binigyan mo ako ng pag-asa. Pag-asang makaramdam ng saya sa kabila ng hirap na pinagdadaanan ko. araw-araw mo akong pinapakilig sa mga panglalait mo. Sumugal ako sayo kahit alam kong hindi mo ako gusto at higit sa lahat binuwis ko ang sarili kong buhay mapatunayan lang kung gaano kalaki ang tiwala ko sayo nung halos pasagasaan mo na ako sa truck. Jessie, mahal na mahal kita kaya kung iniisip mo na sasama ako kay Christoff at iiwan kita? Hindi totoo yun malabong mangyari yun dahil kung kinaya kong mabuhay noon sa kabila ng mga -pinagdadaanan ko? hindi ko kakayaning mabuhay isiping mawawala ka sakin. Jessie hindi kita iiwan. Hindi kita iiwan hanggang hindi ikaw mismo ang nagsasabi saking layuan na kita."
mahabang sinabi ko tapos inalalayan ko na s'yang tumayo.

"MM buong buhay ko. ngayon lang ako natakot ng ganito. Takot na takot akong mawala ka sa buhay ko." sabi ni Jessie. tapos bigla n'ya akong...

Hinalikan dito mismo habang umuulan. . .

Kung gaano katagal hindi ko na namalayan. Natigil lang kami ng mula sa likuran namin ay may mga nagpalakpakan.

"Grabe ka Jessie, sabi lang naman namin aminin mo na ang nararamdaman mo. Hindi naming sinabing ubusin mo na lahat ng pride sa katawan mo. Grabe ka!" sabi ni Vincent.

"Oo nga naman pare, nakakahiya yang ginawa mo." Sabi naman ni Jericho.

"Para sa babaeng mahal ko hindi ako magdadalawang isip na itapon ang pride ko." sagot naman ni Jessie na nakapag painit ng pisngi ko.

"BoOM! Pag-ibeeeeeg!" Pang-aasar naman ni Ken. Tapos nagtawanan na sila.

Umuwi na ang mga barkada ni Jessie. habang kami nagdesisyong maglakad na lang pabalik sa school kung saan iniwan n'ya ang sasakan n'ya. Habang naglalakad kami nagmukhang tanga ang ulan dahil walang pumapansin sa kanya. hindi naman binibitawan ni Jessie ang kamay ko at maya't maya tumitingin s'ya sakin.

"MM, I Love you." Sabi ni Jessie habang nagmamaneho. Tapos kinuha n'ya ang kamay ko at hinalikan yun.

"I love you too." Sabi ko tapos napabitaw s'ya sa kamay ko at napahawak sa dibdib n'ya. Sabay ngiti.

"Jessie, pakihinto ang kotse sa gilid."

"Ha? Bakit?"

"Basta!" sagot ko tapos huminto nga s'ya.

"Bibigyan lang kita ng sampung Segundo para sumigaw." Sabi ko naman habang nakangiti. Ngumiti rin s'ya pero mabilis ngang lumabas ng sasakyan.

"HooooooooooooooooooooooohhhhhhhhhhhhHH! Ang saya saya ng puso koooooooo!!!!!!!" sigaw ni Jessie na dinig na dinig ko kahit nasa loob ako ng sasakyan. Mula sa bintana ng sasakyan nilabas ko ang ulo ko. para tawagin na si Jessie.

"Pssst. Sampung Segundo na halika na." sabi ko pero sa halip na sumagot inilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ako at mabilis akong hinalikan. Halik na nagpatalon sa puso ko. tapos binuksan n'ya ang pinto at inalalayan akong makalabas.

"Bakit?" takang tanong ko kung bakit n'ya ako pinalabas.

"Isigaw mo na rin yan." Sagot n'ya. Napangiti naman ako bago sumigaw.

"Hoooooooooohhhhhhh Mas masaya ang puso kooooooo!" sigaw ko. tapos para kaming tangang nagtawanan sa may tabi ng sasakyan.

Pagdating sa bahay agad kaming sinalubong nang daddy ni Jessie at alalang alala ito dahil nakitang basang basa kming dalawa.

"Ano bang nangyari sa inyong dalawa? Basang basa kayo." Sabi ng daddy n'ya.

"Daddy, Mag-usap tayo." Sabi naman ni Jessie.

"H-ha?"

"Mag-usap tayo ngayon na!" ulit ni Jessie sa sinabi n'ya. wala namang nagawa ang daddy n'ya kundi ang sumunod. Maging ako man ay takang taka kung bakit gustong makipag-usap nitong si Jessie sa daddy n'ya.

"Ano ba ang mahalagang sasabihin mo? At hindi muna kayo nagbihis."

"Daddy, gusto kong makasal kami ni MM next month!"

"What?!" sabay na sigaw namin ng Daddy ni Jessie.

"Gusto kong makasal na kami ni MM. ano ba yan ang bingi ah."

"Bakit next month agad?" takang tanong ko.

"Basta, ayoko ng mawla ka pa sakin. baka may umagaw pa sayo. Baka mamaya may pangalawang chris pa na susugod dito at sasabihing sa kanya ka na."

"Aba walang problema sakin Hijo, mas gusto ko nga yan e."

"MM. magpapakasal na tayo next month wag ka ng kokontra!"

Ngumiti na lang ako at tumango. Hindi na nga ako kumontra dahil kitang kita kong gustong gusto na talaga ni Jessie na makasal kami. Ang saya-saya ko ngayon kaya ayoko na lang isipin ang mga problemang kakaharapin ko pa sa mga susunod na araw. Ang importante mahal ko si Jessie at mahal n'ya rin ako.

Continue Reading

You'll Also Like

346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
74.4K 1.4K 82
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
667K 23.8K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...