I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 22

610 22 4
By emmanoehl

Chapter 22

-=JENNICA=-

Hindi ako puwedeng magkamali siguradong sigurado ako na ginagalaw ng daddy ni Jessie ang binti ko. hindi ko alam kung paano siguro paa n'ya ang pinang gagalaw n'ya at hindi katulad ng dati na tinitiis ko lang hindi ako papayag na magkaron ng maling pag-aakala sakin si Jessie.

"Ano bang pinagsasabi mo? ano bang problema mo?" tanong ni Jessie na parang galit na sakin.

"Yung Daddy mo Jessie ginagalaw n'ya ang binti ko!" sigaw ko habang nakatingin sa Daddy n'ya. ang nakakabwiset don pa-inocente pa ang mukha ng Daddy n'ya akala mo walang alam.

Natigilan ako sa ginagawa kong pagmamasid sa itsura ng Daddy ni Jessie ng padabog na tumayo si Jessie bigla s'ya yumuko at mula sa ilalim kinuha ang isang puting puting pusa.

"Ito si Peter! Ang alagang pusa ni Daddy." Sabi ni Jessie habang hawak hawak pa rin ang pusa.

At dahil napahiya ako napayuko na lang ako.

"Hindi ko alam kung anong problema mo! pero puwede ba? wag kang nagbibintang ng kung ano-ano sa Daddy ko!" sigaw ni Jessie tapos nagmamadali na syang umalis at hindi na kumain.

Napaupo na lang ako dahil sa ginawa ko. gusto kong umiyak, nagalit na sakin si Jessie.

"Hija, kung ano man ang problema mo sana maisip mo na hindi lahat ng tao katulad ng iniisip mo." sabi ng Daddy ni Jessie sabay hawak sa balikat ko. tinapik ko ang kamay n'ya paalis sa balikat ko.

"Wag mo kong hawakan! Nakakadiri ka!" Hindi napigilang sigaw ko. nakita ko naman gulat na gulat s'ya. pero hindi ako nag-aksaya ng oras tumakbo ako papasok sa isang kwarto. Kamalas-malasan kwarto pala ni Jessie ang pinasok ko.

"Ouch!!!" sigaw ko. pagkatapos tumama sa mukha ko ang librong binato n'ya.

"Diba sinabi ko sayo wag kang pasok ng pasok sa kwarto ko!"

"P-pasensya na!" sabi ko sabay yuko.

"Palagi ka na lang humihingi ng pasensya."

"H-hindi ko kasi alam kung nasaan ang kwarto ko."

Bigla naman s'yang tumayo at hinila ako palabas. Dinala n'ya ako sa isa pang pinto pangatlong pinto mula sa kwarto n'ya.

"Dito ang kwarto mo!"

"S-sino dito sa tabi ng kwart ko?"

"Kwarto ni Daddy yan!"

Dahil sa sinabi ni Jessie bigla akong kinilabutan. Paano na lang kung pasukin ako ng Daddy n'ya dito.

"Kung ano man yang iniisip mo! puwede ba? tigilan mo na."

"J-Jessie puwede bang tabi na lang tayo?"

"Alam mo ba ang sinasabi mo ha? Nakakadiri ka!"

"K-kahit dun lang ako sa lapag."

"A-YAW-KO!"

Napayuko na lang ako dahil sigurado akong wala naman akong magagawa .

"Babalik na ako sa kwarto ko." sabi n'ya sabay alis.

Kanina pa ako dito. Nakaupo sa kama. Nag-iisip ng plano kung ano ba ang puwede kong gawin sakaling pasukin ako dito ng Daddy ni Jessie. pero wala talaga akong maisip. Antok na antok na ako siguro itutulog ko na lang ito.

Kapipikit ko pa lang ng maramdaman kong may nagbubukas ng pinto at dahil don bigla akong napadilat. at kahit madilim sa loob ng kwarto kitang kita ko ang Daddy ni Jessie na nakatayo sa pinto. Dahil don bigla akong napabangon.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Pasigaw na tanong ko. pero hindi s'ya sumagot biglang bumukas ang ilaw kaya napatingin ako sa nagbukas si Jessie pala nasa loob din ng kwarto ko.

"Tumayo ka na d'yan kunin mo ang mga gamit mo at ilipat sa kwarto ko!" Pasigaw na utos ni Jessie.

"H-ha?" takang tanong ko.

"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko!"

"Hija, ang sabi ni Jessie kunin mo na ang gamit mo at ilipat sa kwarto n'ya gusto kong ngayon pa lang e masanay na si Jessie na may katabi." Mahabang sabi ng Daddy ni Jessie. hindi naman ako sumagot at inayos na ang gamit ko.

Pagpasok ko sa kwarto ni Jessie agad na bumungad sakin ang larawan ng isang napakagandang babae. Gusto kong magselos dahil ang ganda ganda n'ya pero hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya.

"O ano? Nakakita ka ng tao?" bigla ay sabi ni Jessie mula sa likod ko.

"A-ang ganda n'ya."

"Syempre kanino pa ako magmamana? E di sa Mommy ko.

"M-mommy mo?"

"Oo, Mommy ko yan ang ganda n'ya diba? Kaya tigil-tigilan mo ang kakaisip na papatulan ka ng Daddy ko! dahil wala ka pa nga kahit sa talampakan ng Mommy ko!" sigaw n'ya.

Hindi ko na pinansin ang sinasabi n'ya at nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko.

"Ang tagal mo namang mag-ayos ng gamit mo! bilisan mo at inaantok na ako!"

Napangiti naman ako dahil sa sinabi n'ya. hinihintay n'ya pala ako matulog. ^___^

"Anong nginingiti mo d'yan? Kung ano man yang tumatakbo sa isip mo tigilan mo na dahil hindi totoo yan!"

"Eh bakit ba kasi hinihintay mo pa ako."

"Sabi ko na nga ba! mali yang iniisip mo. hinihintay kita para patayin ko na ang ilaw dahil hindi ako makakatulog pag nakikita ko yang pagmumukha mo!" dire-diretsong sabi n'ya. hindi naman na ako sumagot at nagmamadaling inayos ang gamit ko.

Maya-maya pa pareho na kami nakahiga. Panay lang tingin ko sa kanya.

"Ano nanaman ba yang iniisip mo?"

"H-ha? Wala ah." Pagsisinungaling ko.

"Kahit nakapikit ako, alam kong nakatingin ka sa gwapong mukha ko!"

"Hindi lang kasi ako makapaniwala na katabi kita ngayon at hindi ako makapaniwala na ako ang pinili mong pakasalan."

"Maniwala ka na dahil totoo na."

"Salamat,Jessie." sabi ko sabay patak ng luha ko. bigla s'yang tumagilid paharap sakin. kaya nagtama ang mata naming dalawa. At sa titig n'ya pa lang gustong gusto ko na talagang tumili.

"Ako ang dapat magpasalamat sayo. Sa lahat lahat ng ginawa mo para sakin. kaya tigilan mo ang kakaisip na tinulungan kita dahil ako ang tinulungan mo." malambing na sabi n'ya sabay punas sa luha ko. nagtutumalon ang puso ko sa tuwa. Gustong gusto ko na talagang tumili e.

"Yung malaking picture ng Mommy ko itulak mo pinto yan papuntang terrace."

"H-ha?"

"Sige na alam ko naman gustong gusto mo ng tumili e."

Dahil sa sinabi n'ya hindi na ako nag aksaya ng oras sinunod ko s'ya at agad naman akong tumili. Mga readers ko sabayan n'yo ako.

"Woooooooaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!"

Tapos na akong tumili pero hindi pa ako pumasok sa loob. Hindi ko maiwasan ang gandang nakikita ko mula dito sa terrace. kitang kita ko ang magagandang bituin sa langit at ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na yumayakap sakin. dahil don parang may sariling buhay ang mga braso ko at kusa ko ito itinaas dinama ko ang lamig ng hangin at napapikit ako. maya-maya pa habang nakapikit ako naramdaman ko ang mainit na tubig na lumalabas sa mga mata ko. lahat ng paghihirap ko bumabalik sa isip ko at ito pakiramdam ko Malaya na ako. Malaya na ako laban sa demonyo.

"Umiiyak ka nanaman?"

Bigla naman akong napadilat at napaharap sa nagsalita.

"Sobrang saya ko kasi e."

"Sabagay kahit sino naman sigurong pakakasalan ko maiiyak sa sobrang saya. Ang gwapo ko kaya."

Napangiti naman ako sa sinabi n'ya.

"Ano bang gusto mong gawin ko? para hindi ka na umiyak?" biglang tanong n'ya. pagtingin ko sobrang seryoso ng mukha n'ya at titig na titig sakin ang mga mata n'ya.

"P-Puwede ba kitang yakapin?" mahinang tanong ko. sa halip na sumagot s'ya. inilang hakbang n'ya lang ako at ito hindi ako makapaniwalang yakap yakap n'ya ako. pagbitaw n'ya tumingin s'ya sa mata ko at muling pinunasan ang luha ko.

"Mula ngayon ayoko ng nakikitang umiiyak ka ah. Diba sabi ko sayo pasasayahin kita. Pano ko naman magagawa yun kung palagi kang umiiyak dahil binabalikan mo ang nakaraan mo."

"Jessie, hindi ko ma-p-promise. pero pwede bang pag umiyak ako yakapin mo na lang ako?" yun na lang ang nasabi ko.

Matagal-tagal din kaming nagyakap bago namin napagdesisyunang bumalik na sa kwarto para matulog. Hindi ko alam kung nakatulog ba s'ya ng maayos pero ako hindi ako nakatulog ng maayos ewan ko ba kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Kaya ito babangon na ako kahit madilim pa.

Dahil hindi na ako makatulog. Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Jessie.

Nakita ko naman ang swimming pool at dahil naakit ako sa ganda n'ya isa-isa kong hinubad ang damit ko at iniwan na lang ang pangloob ko.

"Ang aga mo naman atang mag s-swimming." Agad akong lumingon sa nagsalita at nagulat ako ng makita kong Daddy ni Jessie yun. bigla akong napatakip sa katawan ko.

"Ahahahaha ang cute mo talaga, hija."

"Wag kang lalapit! Sisigaw ako!" pagbabanta ko sabay ng hakbang ko paatras.

"T-Teka lang baka mahulog ka!" sabi n'ya sabay hakbang palapit sakin.

"Wag ka sabing lalapit eh!"

"B-Baka mahu-."

Hindi ko na narinig pa ang sasabihin n'ya dahil nahulog na ako. hindi ko na isip na sobrang lalim pala nito. pinipilit kong umahon pero lumulubog pa rin ako. lulubog lilitas ako sa tubig hanggang sa bigla na lang may humila sakin. pag ahon nakita ko na lang ang galit na mukha ni Jessie.

"Ano ba! baliw ka ba? hindi ka naman pala marunong lumangoy gusto mong magswimming mag-isa."

"A-ang daddy mo Jessie. gusto n'ya akong hawakan! Lumalapit s'ya sakin may balak s'yang masama sakin alam ko kaya tumalon ako."

"A-anong sinasabi mo? wala akong ginagawa sayo." Sabi ng Daddy ni Jessie.

"Maniwala ka sakin Jessie may balak s'yang masama sakin. demonyo s'ya."

Nakita kong gulat na gulat si Jessie. alam ko maniniwala s'ya sakin alam ko ipagtatanggol n'ya ako.

Continue Reading

You'll Also Like

148K 8.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
110K 5.2K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
670K 23.9K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
800K 9.8K 21
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.