I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 13

706 28 9
By emmanoehl

Chapter 13

-=JENNICA=-

Hays dati-dati kahit gusto kong tumakas hindi pwede. May susundo at susundo pa rin sakin. ngayon wala ng sumusundo.

T___T wala si Jessie mambababae daw hindi ko alam kung saan ako nalulungkot dun ba sa wala akong sundo o sa mambababae s'ya. bigla naman akong natigilan sa pag-iisip ng makita kong may nagkakagulo. Lumapit ako para mas marinig ko.

"Grabe basag daw yung mukha e."

"Sino naman daw ang gumawa?"

"Hindi ko nga alam e. nakita na lang kasi s'ya malapit sa school wala nang malay."

Sino kaya ang pinag-uusapan nila.

"Sayang naman ang gwapong mukha ni Patrick."

Ahhh.. si Patirck pala ang pinag-uusapan. Si.. si.. Pa-Patrick? Bakit kaya kanina lang nakasalubong ko s'ya. magtatanong sana ko pero di kalayuan nakita kong tumatakbo ang isa pang lalaki kung hindi ako nagkakamali si Andrew yun barkada ni Patrick minsan ding natrabaho ko. wag na kayong magtaka 80% ng lalaki dito trinabaho ko na.

"Guys, kilala na kung sinong gumawa non." Sabi ni Andrew na hingal na hingal pa rin dahil tumakbo s'ya.

"Sino raw? Tanong nang iba."

"Si Jessie raw."

"Si J-Jessie? ng grupo ni Ken?"

"Oo s'ya nga."

Bigla naman akong parang pinagpawisan ng malamig. Bakit ginawa yun ni Jessie. dahil ba sa nangyari kanina. Kailangang makauwi na ako kailangang malaman ko kung okay lang ba si Jessie.

"Jennica!"

Sino ba yon? Ngayon pa ako tinawag hindi ko s'ya nilingon mas binilisan ko pa ang lakad hindi ito ang oras para makipagkwentuhan ako kung kani-kanino.

*Beep.....beep...beep...

At dahil sa hindi n'ya ako tinantanan nilingon ko na.

"J-Justine?"

"Oo, ako nga."

"Halika na sumakay ka na."

"Wag na mag ta-taxi na lang ako."

"Halika na pupunta rin ako sa inyo kailangan kong makausap si Jessie."

At dahil sa sinabi n'ya agad naman akong sumakay.

"Justine, hindi ko alam kung nasa bahay si Jessie ang sabi n'ya kasi mambabae s'ya e."

"Tinawagan ko s'ya nandun daw s'ya."

Pag-kasabi n'ya non tumahimik na ako.

Pagdating sa bahay agad naman kaming sinalubong ni Jessie.

"O, pre napadalaw ka?"

"Kailangan natin mag-usap."

"Tungkol saan naman yan?"

"Tungkol dun sa ginulpi mo."

"Ayun ba? o sige pumasok ka."

Parang hindi ako nag-eexist no? sila lang ang nag usap at talagang sya pa ang nagpapasok sa bahay ko.

"Bakit mo naman ginawa yun sa tao?"

"Ang epal e. pinaglalakad ko si MM tapos ihahatid n'ya."

Dahil sa sinabi ni Jessie para kong kusang tumayo at sinampal s'ya. kitang kita ko naman na gulat na gulat s'ya.

"Ginawa mo yun dahil lang may gustong tumulong sakin? bakit mo ginagawa sakin to? Bakit mo ko pinapahirapan ng ganito? Ano ba ang ginawa ko sayo!" pagkasigaw ko bigla na lang bumagsak ang luha ko. agad naman akong tumakbo papunta sa kwarto narinig ko pa na tinatawag ako ni Justine pero hindi na ako lumingon pa.

Ang sakit sakit lang na pinaasa ko nanaman ang sarili ko ang akala ko nagselos s'ya kaya n'ya ginawa yun. yun pala dahil gusto n'ya lang ako mahirapan.

-=JESSIE=-

"Pre, anong ugali ba talaga ang meron ka? tao ka pa ba?" tanong sakin ni Justine.

"Grabe ka ah, kaibigan kita kung makapagsalita ka sakin ang sakit sakit na."

"Sobra ka na kasi. ginawa mo lang yun para pahirapan s'ya."

"Hindi ganon yun. may dahilan ako at hindi ko pwedeng sabihin kung ano."

"Kung ano man yun wala akong pakialam. Basta binabalaan kita oras na mangyari ulit yan ako na mismo ang magpapakulong sayo!"

Yun lang sinabi ni Justine tapos padabog na s'yang umalis. Dumiretso naman ako sa taas nandito ako sa labas ng kwarto ni MM. Grabe talaga umiyak tong babae na to hanggang sa bahay ata nila Ken maririnig to.

*Ahuhuhuhuhuhuhuh huhuhuhuhuh ayoko na ayoko na ayoko na huhuhuhuhuhuhuhuhu bakit? Bakit? Bakit? Huhuhuhuhuhuhuhu ang sama sama mo.

"MM, lumabas ka nga d'yan mag-usap tayo."

"Ayaw ko! gusto kong mag-isa ayaw kong kausap ka!"

"Lumabas ka na d'yan mag uusap tayo!"

"Ayaw ko nga ayaw ko!"

"Sige hindi ako aalis sa tapat ng pinto mo pag hindi ka lumabas."

"E di wag!"

"Sige ganyan ka na. aalis na ako para hindi ka na nagkukulong d'yan."

"San ka pupunta?"

"Sa malayo! Hindi mo na ako makikita kahit kailan."

Pagkasabi ko non tumahimik na sa loob hindi na s'ya nag salita. Alam ko naman na hahabulin n'ya ako. kaya ito bumaba na ako. pero hindi pa rin s'ya sumusunod. Aba matigas na ata ang babae ito. Tsss bahala na nga makikitulog na muna ako kila Vincent. Sakto naman pag bukas ko ng pinto biglang may yumakap sakin mula sa likod.

"S-sorry na, w-wag mo kong iwan." Bulong n'ya bahagya naman akong napangiti ang sarap kasi sa pakiramdam. Oo na aamin na ako natutuwa ako pag niyayakap n'ya ako. pumihit naman ako paharap sa kanya.

"Tumahan ka na!" sagot ko tapos inakay ko s'ya papunta sa kusina. Pinaupo at pinaghain.

"Sige na kumain ka na." sabi ko hindi pa rin s'ya tumitingin sakin nakayuko lang s'ya. magang maga pa rin ang mata.

"Gusto mo bang subuan pa kita?" sabi ko bigla naman s'yang nag angat ng ulo at parang kumislap ang mata.

"Pwede ba?" tanong n'ya.

"Pwede pero pag tapos ipapalunok ko sayo pati kutsara!" bigla naman n'ya akong inirapan tapos sumimangot. Pero kinuha n'ya na ang kutsara n'ya at nag-umpisang kumain.

"Ang sarap! Kumain ka na ba? kain ka na." alok naman n'ya sakin. tumango lang ako.

"Masarap ka bang kasama sa kama?" sabi ko. bigla naman n'yang naibuga ang kinakain n'ya.

Nasabi ko yun dahil na-alala ko ang nangyari kanina.

*Flashback

"Pare may problema ba?" tanong n'ya. sinagot ko naman s'ya sa pamamagitan ng kamao ko.

"Yan ang problema ko! wag na wag ko ng makikita yang pagmumukha mo na lumapit sa misis ko naiintindihan mo?!" pagkasabi ko non tumayo na ako at naglakad pabalik sa kotse ko. isang sapak lang naman kasi ang balak kong ibigay sa kanya dahil nga gusto ko lang naman s'yang balaan. Pero bago pa ako tuluyang makapasok sa kotse ko. nagsalita nanaman s'ya.

"Ang hirap ng gusto mo pare, may pinagsamahan kami ni Jennica hindi ko basta-basta kayang itapon yun kasi magandang ala-ala ang minsan kong naikama si Jennica."

"Anong sabi mo?"

"Nakasama ko na s'ya sa kama at hindi ko s'ya kayang kalimutan dahil ang sarap sarap n'ya sa kama. Pagkasama ko s'ya nababaliw talaga ako. kaya mahirap yang pinapagawa mo! pero naiintindihan kita sarap na sarap ka rin siguro no? pero pare, wag kang magdamot i-share mo s'ya gusto mo tayong tatlo?

Sapat na ang mga narinig ko para patayin s'ya!

*End of flashback

"A-anong sinasabi mo?" tanong ni MM. Nang kumalma na s'ya.

"Ang sabi sakin ni Patrick masarap ka sa kama. Nakakabaliw ka kaya hindi ka n'ya makalimutan." Pagkasabi ko non kitang-kita kong namutla si MM.

"Totoo ba?" totoo bang naikama ka n'ya?" tanong ko. pero sa halip na sumagot s'ya bigla na lang s'yang yumuko.

"Wag ka nang sumagot. Hindi importante sakin kung anong isasagot mo! hindi rin importante kung ano ang nakaraan mo. gusto ko lang malaman mo na ginagalang kita at hindi ko hahayaang bastusin ka nang kahit sino. Kaya kung hindi ko man mabura yung ala-alang binigay mo sa lalaki na yun. gugulpihin ko s'ya ng paulit-ulit hanggang sa sabihin n'ya sakin na nakalimutan ka na n'ya." pagkasabi ko non umiyak nanaman ulit s'ya.

"S-sorry."

"Sorry, sorry ka d'yan mula ngayon ayoko ng nakikitang lumalandi ka pa sa iba."

"H-hindi naman ako lumalandi sa iba simula ng dumating ka sa buhay ko."

"At gusto mong kiligin ako sa sinabi mo?"

"H-hindi naman."

"Sige na, matulog ka na pagtapos mo d'yan. Hinihintay na ako ng babae ko nalate na ako sa date namin dahil sayo."

"Pwede bang wag ka ng mambabae ngayong gabi?"

"Hindi pwede may pangangailangan ako bilang lalaki."

"P-pwede bang ako na lang ang magbigay sayo?"

********

Hohohoh ano kaya ang mangyayari? Papayag kaya si Jessie sa alok ni Jennica?

Continue Reading

You'll Also Like

33.9K 2.3K 7
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
109K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
243K 4.4K 22
Dice and Madisson