I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 9

730 33 0
By emmanoehl

Chapter 9

 

-=JESSIE=-

 

San pa ba ako pupunta? Eh di syempre sa mahal kong si Jazz. habang wala pa si Ken kikilos na ako malay n’yo masungkit ko pa.

“Pambihira mukhang maraming bisita ah!” sabi ko sa sarili ko nang makita kong kumpleto ang sasakyan dito wala nga lang ang sasakyan ni Jericho at Dennis. Pag-baba ko ng kotse bunganga agad ni Vincent ang sumalubong sakin.

“Bakit ngayon ka lang? kahapon ka pa namin tinatawagan ah!” sigaw n’ya akala mo naman may kasalanan akong ginawa.

“Bakit ba sinisigawan mo ko? saka bakit kailangan ko bang ipaalam sayo kung anong gagawin ko araw-araw? Asawa ba kita? Natulog lang ako maghapon bakit ba? e hindi naman ako ang magbabantay kay Jazz kahapon a! si Dennis.”

 

“Yun nga ang problema e!”

 

“Talaga namang problema si Dennis e.”

 

“Baliw hindi yun.”

 

“Ano ba? sabi mo yun?”

 

“Oo, yun nga pero hindi si Dennis. ay si Dennis pala!”

 

“Ano ba talaga?”

Ang gulo kausap ni Vincent nakakainis.

“Si Dennis hindi inuwi si Jazz.” sabat naman ni Justine.

“Whaaaaaaat?! Tawagan n’yo nga yun si Dennis. pambihira yari tayo kay Ken nito e. inunahan pa ako bwiset!” sabi ko habang natatarantang di-na-dial ang number ni Jazz.

“Ayan wala na hindi na sumasagot si Jazz. hindi na rin sumasagot si Dennis. Anak ng tokwa naman yan oh! Wala na wala na tapos na ang pangarap ko pano na lang yung mamanahin ko? pano na ako makakain ng masasarap?” sabi kong lungkot na lungkot.

“Ano bang sinasabi mo masyado ng malayo ah!si Ken ba talaga ang iniisip mo? o ang sarili mo? mas apektado ka pa kesa kay Ken.” sabi ni Vincent.

Ano nga ba yung pinagsasabi ko. maya-maya pa dumating ang sasakyan ni Jericho. Bumaba don si Dennis kasunod ni Jazz at may isa pang hindi ko na pinag-aksayahan pa ng panahon na tignan. Agad naman kaming lumapit kay Jazz.

“San kayo galing? Galit na galit sakin si Ken.” sabi ni Vincent

“Oo nga! Hindi ko alam na ganito mangyayari kung alam ko lang hindi sana ako pumayag na sunduin ka ni Dennis.” sabi naman ni Justine.

“Relax lang kayo! Wala naman nangyaring masama samin eh. Nagpunta lang kami sa probinsya. Nagbakasyon sa isang hacienda na kakilala ni Dennis.” ^_^ sagot ni Jazz.

Langyang Dennis yan ang tindi kumilos. Nailayo agad si Jazz dapat pala ganun ginawa ko para walang epal.

“Wow believe na talaga ko sayo Dennis, sa isang araw nagawa mo pa silang dalin sa probinsya. Samantalang ako hindi ko man lang na enjoy yung araw ko dahil minulto kami.”

“M-minulto?” sagot ng kasama ni Jazz. akalain mo nga naman nandito pala s’ya.

“Ay hindi pala mukhang multo lang,” tapos ngumiti ako.

“Ui Kasama ka? Wow talaga nga naman ang ka epalan mo consistent.”

“Jessie!” saway naman sakin ni Jazz.

^___^ ngumiti lang ako bilang sagot.

“Vince, wag ka ng mag alala ako na ang mag papaliwanag kay Ken pag dating n’ya.” sabi ni Jazz kay Vince.

“Naku sigurado gutom kayo! Jericho magluto kana.” Utos ko kay Jericho.

“Bakit ako? Pagod na nga ako e.” sagot naman n’ya.

“Hoy ikaw ang magluluto ngayon. Diba ikaw magbabantay sa kanya ngayon?”

“Oo na sige na.”

“Sige magpapahinga na muna kami ni Jennica.” Sabi ni Jazz. Kawawa naman mukhang pagod na pagod s’ya. teka lang bakit kasama pa rin ung maligno.

“Wala bang bahay yan?” tanong ko sabay turo sa malignong kasama ni Jazz.

“Meron pero pagod na kasi s’ya. kaya dito na rin muna s’ya mag papahinga.” Sagot naman ni Jazz.

“Wow napapagod ka pala. Sana palagi ka na lang pagod para palagi kang tulog!” sagot ko.

“Ano ko si sleeping beauty?” tanong naman n’ya. aba matinde ang kapal din ng mukha nito.

“Asan ang beauty? LOL” sagot ko.

“Hoy Jessie tigilan mo nga yang si Jennica! Bakit ba inis na inis ka sa kanya? baka naman crush mo s’ya?” sabat ni Vince.

“Ito? Crush ko? Pwede ba Vince? Tao lang ang hinahangaan ko.”

“Jessie, ikaw talaga ang hard mo! anong akala mo dito kay Jennica hindi tao?” sagot naman ni Jazz na halatang galit na.

“Ano ba naman kayo! Anong hard don? Sabi ko hindi s’ya tao s’ya ay isang D’yosa!” ^____^ “Dyosa ng tikbalang”

Pagkasabi ko non hindi na sumagot si Jazz, hinila na rin n’ya si Jennica pa-akyat sa kwarto n’ya.

Maya-maya inutusan na rin ako ni Jericho na tawagin na sina Jazz. agad naman akong sumunod. At dahan dahan kong niyugyog sa balikat si Jazz.

 “Jazz tara kain na.” tumango lang s’ya.

“Ka-kain naba?” Tanong ni maligno.

“Hindi, sige lang matulog ka pa.”^___^ sabi ko hindi s’ya sumagot pero sumimangot s’ya.

“Tara na Jen kakain na.” yaya ni Jazz. tapos dumiretso na kami sa kusina para kumain.

“Ang sarap ng luto mo Jericho!” sabi ni Jazz.

“Masarap ba ito? Ang tabang nga!” sabi ko.

“Sapat lang kasi magpapatis ka pa!” sagot naman nung epal na maligno.

“Hinihingi ko ba ang opinion mo?” sagot ko. tapos bigla s’ya yumuko paawa nanaman.

“Jessie!” saway sakin ni Jazz.

“S-sabi ko ang ganda ng opinion n’ya. gusto mo patis Jazz?” sabi ko sabay alok ng patis kay Jazz.

“Yes, please.” Sagot n’ya mabilis naman akong sumunod.

“Jessie ako rin pengeng patis!” sabi naman nung maligno.

“Patis your face!” sagot ko. tapos pagharap ko ang sama na ng tingin sakin ni Jazz kaya binawi ko ang sinabi ko.

“Sabi ko Patisan yung Fish?”  tumango naman si Jennica. Kaya ang ginawa ko tinanggal ko ang takip at ibinuhos sa pagkain n’ya ang lahat ng patis.

0///0

“T-tama na J-Jessie.” awat niya.

“Ano kaba matabang pa yan dag-dagan pa natin.” Sagot ko.

“Hoy Jessie tama na nga yan!” Saway naman ni Jericho.

“Anong tama na? tama lang yan ang tabang kasi ng luto mo!”

Ayun hindi s’ya nakakin sana naman sa susunod madala na syang sumama. Nakikibarkada e.

“Jessie pwede mo bang ihatid si Jennica sa bahay  nila?” biglang tanong ni Jazz.

“Jericho hatid mo raw si Jennica!” sabi ko naman na ipinasa kay Jericho ang sinabi ni Jazz.

“Bakit ako nanaman sabi ni Jazz ikaw!” sagot naman ni Jericho.

“Bakit ako pa? nand’yan naman si Vince, Justine, Dennis and Jericho!”

“Wag mo na lang ako ipahatid Jazz!” sagot naman nung maligno. Nagpapaawa nanaman s’ya.

“Buti naman! Marunong ka rin pa lang mahiya!” sabi ko sabay ngiti.

“Hindi na lang ako u-uwi dito na ko matutulog.” Sagot n’ya. aba matinde talaga.

“Bakit hindi mo pa kunin ang damit mo at dito kana tumira?”

“Pwede ba?”

“Wow! Sinalo mo lahat te?”

“Ang alin?”

“Sabagay sa sobrang kapal ng mukha mo para ka ngang mukha na tinubaan ng katawan.”

0///0

“Jessie naman eh tigil na.” awat ni Jazz.

“Joke lang! tara na nga ihahatid na kita.” Sabi ko.

Tumayo naman agad s’ya.

“S-salamat.”

“Wag kang magpasalamat ihahatid lang kita para hindi kita makita. Kasi hindi ko alam kung saan ako nasusuya sa kinain ko ba o sa mukha mo!”

*****

Sa mga readers ko na alam n’yo na siguro tong chapter na ito kasi nasa Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok s’ya. pasensya na pero kailangan ko kasi sya isama dito kasi part ito ng story nila ^__^ solomot. Abangan sa chapter 10 kung anong nangyari sa paghahatid ni Jessie kay Jennica. 

Continue Reading

You'll Also Like

799K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.3M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
143K 7.9K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.