Same Love at House [Completed]

By cynthus_writes

1.6M 19.6K 1.1K

Isang simpleng babaeng kuntentong-kuntento na sa kanyang buhay si Kathryn pero paano na lang kung biglang sum... More

Same Love at House
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Special Chapter
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Side Stort of Jessy and Enrique
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Final
Epilogue
SLH (The Special Book)

Chapter 25

26K 335 19
By cynthus_writes

Kathryn: DJ you're free now

Kathryn's POV

 

 

Napapikit ako dahil sa tubig na tumama sa mukha ko. Pinunasan ko ang mukha ko at alam kong basang-basa na ang damit ko mabuti na lang at hindi nabasa ang bag ko kung hindi patay na. Hindi ko na lang sila pinansin at maglalakad na sana ako papuntang Registrar Office ng hatakin nila ang braso ko.


"Kinakausap ka namin."taas ang kilay na sabi ng babaeng hawak ang braso ko.

"I am sorry but i have to go, I am too busy."sabi ko at inalis ko ang kamay niya sa braso ko kaya lang diniinan niya ang kuko niya kaya naman nasasaktan na ko.

"Pwede ba? Wag nga kayong pahara-hara sa daan."sabi ng isang babae na kilala ko at dinaanan kami. Sinamaan niya ng tingin yung babae at inalis niya ang kamay niya sa braso kong namumula.

"E-Ella!"takot na sabi ng babae, Yeah Ella Cruz. Sikat pala siya, Kinindatan niya ko bago siya umalis ako naman pumasok sa loob ng registrar office at binigay ang letter ko. Hindi excuse letter kungdi letter para sa pagtransfer sa ibang University.



"Miss Bernardo, We will process this as soon as possible."nakangiting sabi sa akin ng babae sa registrar.

"Pwede po bang ngayon na? Mamaya na po kasi ng ang flight ko papuntang US."sabi ko sa babae at tumango naman siya sa akin.

"I suggest that once we process this, Isesend na lang namin sa iyo through mail."sabi niya kaya naman pumayag na ko. Pagkalabas ko ng registrar office nakasalubong ko si Albie.

"Albie."tawag ko kay Albie at napatingin naman siya sa akin, Ngumiti ako at kinuha ko sa bag ko ang CD.

"Uh.. Para sa inyo, Salamat sa memories. Goodbye."nakangiti kong sabi habang inaabot sa kanya ang CD, Tinignan niya ko na para bang ang weird ko at kinuha sa kamay ko ang CD. Umalis na ko ng may ngiti sa labi ko.


Payapa akong aalis ng bansa, Ito ang alok sa akin ni Daddy noon ang mag-aral sa US at i-handle ang business namin doon na hinahandle ng Tito ko. Yung CD? Nandoon ang gusto kong sabihin sa kanila na hindi ko masasabi ngayon dahil ngayon na ang alis ko.

"Kath, Tara na."sabi ni Ate Yen at sumakay na ko sa kotse, Silang dalawa ni Kuya Neil ang maghahatid sa akin dahil nagtatampo sa akin si Mommy dahil hiniling ko sa kanya na i-cancel ang engagement namin ni DJ. Ayokong matali sa isang lalaki na ayaw naman sa akin. Si Daddy? Nasa US si Daddy dahil may business siyang inaasikaso doon kaya si Kuya Neil ang inutusan niya na maghatid sa akin sa Airport.


By the time makakalimutan ko rin yung nararamdaman ko kay DJ kasi alam kong malalim na itong special feelings na ito. Napatawad ko na rin sila sa panghuhusga nila sa akin, All i want is to start a new life in US.

-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Julia's POV

 

Nakasandal ako kay Diego at hanggang ngayon pinag-iisipan kong mabuti ang sinabi ni Kuya Neil sa akin. Dalawang araw akong nagtampo kay Kath dahil sa sinabi niya, Gusto ko siyang kausapin kaya lang yung Pride ko.


Biglang dumating si Albie na may dalang CD at agad na hinablot ni Zharm.


"Ano 'to Bie?"tanong ni Zharm sa boyfriend niya.

"Galing kay Kath, Ang weird niya nga kanina."sabi ni Albie at tumawa naman si Zharm.

"Ano 'to mag-sosorry siya?"sabi niya at may sinabi pa siya kaya lang napatingin ako kay DJ dahil may tumawag sa kanya DJ.


"Akin na nga iyan sa CD pa dinaan hindi na lang sa personal kaya ganyan kasi guilty."sabi naman ni Kiray na babaliin na sana yung lalagyan kasi nasa loob yung CD malamang alangan naman sa labas di ba?

"ANO? ELLE SIGURADO KA BA?!"sigaw ni DJ hindi tuloy nabali ni Kiray yung CD kaya lang hinablot ni EJ at sinalang sa laptop niya yung CD.

Kitang-kita ko ang namumugtong mata ni Cous habang ina-adjust ang recorded camera sa screen.

"Hi guys!"masayang bati niya kahit na halata ang pagka-gargal sa boses niya.

"Sorry nga pala kung dito ko sasabihin at di pa personal alam ko din na iniisip niyong baka guilt ako isang malaking NO haha."sabi niya at halatang pilit ang tawa niya.

"Kung pinapanood niyo ito ngayon sa tingin ko nasa Airport na ako or Maybe Nasa States. Guys sa wakas! Makikita ko na si Adam Sandler, Eddie Murphy, Leonardo De Carpio saka si Bradd Pitt!"biro pa niya pero hindi ako natutuwa dahil bakit kailangan sa CD pa niya sabihin na nasa states siya? Biglang tumulo ang luha ko.

"Sorry Guys dahil sa sinabi ko pero sana naman hiningi niyo ang panig ko at pinagsalita niyo ko kasi masakit na hindi niyo alam ang totoo, Sana pinakinggan niyo ang side ko hindi yung.."yumuko si Kath at humikbi halatang nasasaktan talaga siya.

"Hindi yung hinusgahan niyo ako agad pero sana malaman niyo na pinagtanggol ko kayo, Na sa inyo na kung maniniwala kayo o hindi kasi wala akong Proof na maiipakita sa inyo kungdi ang sarili ko."sabi niya at pinunasan ang luha sa mata niya.

"Thank you kasi nakilala ko kayo, Naging mabait kayo sa akin saka salamat sa Memories hinding-hindi ko kayo makakalimutan and nga pala!"sabi ni Cous at tumulo na naman ang luha niya pero pinipilit niyang ngumiti.

"Khalil and Aria alam niyong kinikilig ako sa duet niyo at lagi ko pang sinasabi sa inyo na ako ang number 1 Fan niyo."sabi niya at napatingin ako kay Aria na umiiyak sa bising ni Khalil.



"Zharm! Hello alam mo naman na maka-ZhaBie ako di ba? Saka lagi akong naniniwala sa iyo di ba nga soulmate friends tayo?"
at mabilis na pinunasan ni Zharm ang luha niya na kanina pa tulo ng tulo.


"Kiray kahit na naging Harsh ka sa akin okay lang naiintindihan kita pero di ba sinabi ko naman sa iyo na hindi ako tumitingin sa panlabas na loob? EJ alam kong hindi ka bakla kasi alam ko kung gaano mo kamahal si Kiray."
napaiyak din si Kiray sa sinabi ni Cous at yinakap si EJ sa tabi.

"I know Kath, I know."sabi ni EJ at himas ang likod ni Kiray na umiiyak sa kanya.


"Cous! I know galit ka pero kilala kita Julia at kilala mo ko, Magkasama ata tayo simula pa sa tiyan ng nanay natin at kitang-kita ko sa mata mo na mahal mo si Diego kaya imposibleng magustuhan mo yang Unggoy na yan Haha."
sabi ni Cous at napatawa naman ako kahit na umiiyak ako.


"D-DJ.. The Last but not the Least. Thank you for the memories, Thank you sa lahat kahit na nakakainis ka! Kahit na Unggoy na Alien ka! Thank you pa rin. Nakausap ko na rin si Mommy, I ask her to call off our engagement walang kwenta iyon dahil.. Wala.."at napasinghap si Cous at talagang namumula yung ilong niya, Mahahalatang hirap na rin siyang huminga.

"Walang.. Walang kwenta iyon kasi wala tayong feelings sa isa't-isa. I know napilitan ka lang sa ating dalawa hindi mo na kailangan maging sweet and lastly. DJ you're free now.. You are Free."alam kong labag sa loob na sinabi iyon ni Cous, Ewan ko! Pinsan ko siya parang alam ko na may nararamdaman siya kay DJ.

"Once again.. Thank you Guys! Hindi ko kayo makakalimutan, I am glad nakilala ko kayo. Ingat kayo palagi, I love you."then biglang nag-blank ang Media Player.

 

"Sht!"Sabi ni Kiray na pinunasan ang luha niya.

"Na saan si Kath, Bie?"umiiyak na sabi ni Zharm at yinakap naman siya ni Albie habang pinupunasan ang luha niya.

"Nga pala naaalala ko may deal nga pala si Daddy kay Kath, I wonder if she accept that deal now since wala ng Julia na pipigil sa kanya." Naalala ko ang sinabi ni Kuya Neil. Ang Deal ni Tito kay Kath, Iyon yung mag-aaral si Kath sa states pero tinanggihan niya dahil gusto kong lagi kaming magkasama ni Kath kahit na iba ang sched ng subjects naming dalawa.

Agad kong dinial ang number ni Kath pero walang sumasagot, Naka-off ang phone niya. Si DJ naman may kausap sa phone niya hindi ko alam kung sino. Tatawagan ko sana si Tita Min ng sumigaw si DJ.

"Alam ko na kung na saan si Kath, We need to hurry! Nasa Airport daw siya papuntang states."sabi ni DJ na nagpapanic kaya nabatukan siya ni Diego.

"Guys sa airport tayo maabutan natin si Kath di ba? Hindi pa siya nakakaalis di ba? Wala pa siya sa States right?"sabi ni Zharm na tarantang-taranta.

"Sabi ni Kuya Neil nasa airport palang daw sila."sabi ni DJ at napakagat ako ng labi ko, Tumakbo kami sa Parking Lot at sumakay sa SUV ni Albie kaya eto siksikan kami ngayon.

"Kasalanan natin 'to eh di natin siya pinag-explain."sabi ni DJ at nasabunutan ang sarili niya kahit na sobrang sikip ng pwesto namin.

"Wait paano ba tayo nakakasiguro na nag-sasabi ng totoo si Kath?"tanong ni Aria sa amin na parang hindi pa convinced.

"Aria naman!"sabi naming lahat including Khalil.

"Totoo ang sinabi ni Kath naalala niyo ba na nandoon sila Elle na pinsan ko narinig daw niya yung pinag-usapan nila."paliwanag ni DJ.

"Shit traffic!"Sabi ni Albie at napahilamos naman ng mukha si Zharm.

"Hello? Ate Yen! Anong oras ang flight ni Kath?"sabi ni EJ na kausap si Ate Yen.

"Ah sht! Kath ayokong maging Free! Mas gugustuhin ko pang matali sa iyo sa iisang bahay kesa mawala ka! Shit! Shit! Shit! Sana magkaroon ng Bird Strike! Sana lasing yung piloto kaya hindi pwedeng mag-take off! Sana may LBM yung mga Flight Attendant! Sana may defect ang makina! Sana may biglaang Low Pressure Area na magpe-feeling Bagyo!"tarantang sabi ni DJ habang nagmamadaling magpatakbo si Albie sa kalagitnaan ng traffic.

"Ugh! Sana Ma-cancel ang Flight! Sana ma-"naputol si DJ dahil kay Diego myloves.

"DJ! Inshort sana hindi matuloy si Kath."sabi ni Diego dahil sa sobrang tensed ni DJ. Sumandal ako kay Diego para hindi ako masyadong ma-pressure sa kaba at takot.

Hindi umuusad ang traffic, Napatingin kami sa cause ng traffic at may prusisyon pala patay, Sa sobrang inis ni DJ bumaba siya ng sasakyan. Akala ko tatakbo siya pero bigla niyang nilapitan yung mga nagproprusisyon at ng pumasok si DJ sa kotse medyo lumawag ang traffic kaya napaharurot agad ni Albie ang sasakyan.

2:15pm na ng makarating kami sa Entrance ng Airport nag-hanap pa kami ng pag-paparkingan and halos 5 minutes din iyon grabe di namin alam ano oras ang flight kaya tumakbo kami as faster as we can.


Napahinto kami sa waiting area at tumingin ako sa schedule ng mga flights. Nanlambot ako ng makita ko ang schedule ng eroplano papunta sa Los Angeles, California. Nakalipad na ang eroplano.

"Ate Yen! Kuya Neil!"sigaw namin sa kanila

 
"Late na kayo. 15 minutes ago simula ng ihatid namin si Kath sa loob ng Departure area."sabi ni ate Yen. Nalungkot kami dahil nawala yung last Chance namin.. Wala na si Kath.

"Anong ginagawa niyo dito?"Lumingon kami at nanlaki ang mata ko. Is This for real?!

-;-;-;-;-;-;-
-;-;-;-;-;-;-
Kathryn's POV

"Sure ka na ba Kath?'tanong ni ate Yen ng makasakay ako sa kotse habang nasa unahan si kuya Neil at may inaasikasong mga papeles ata, Ewan.

"Yen hindi mo pwedeng pigilan si Kath, Wala na naman siyang gagawin dito."sabi ni kuya at nilingon kami bago ibalik ang tingin sa mga papeles.

"Kahit dumating mamaya ang barkada mo sa airport mamaya hindi ka talaga papapigil?"tanong pa ni ate Yen kaya naman napayuko ako, Kung dadating pa sila.

"I.. I don't know."sabi ko kay ate Yen at tumingin na lang sa labas ng bintana. Nasaktan nila ko, Napatawad ko na rin sila pero gusto kong magsimula ng bagong buhay sa states ng wala sila. Hindi ko tinatapon yung mga pagsasamahan namin pero wala na namang Julia Montes na pipigil sa akin sa pagpunta sa states.


Tahimik lang ang naging buong biyahe namin papuntang airport dahil hindi na nagsalita ulit si ate Yen. Si kuya naman dala-dala ang office works niya sa sasakyan.

"Kath.."tawag sa akin ni ate Yen ng makababa kami sa sasakyan at kinukuha ang mga gamit ko sa likod ng kotse.

"Ano yun ate Yen?"tanong ko kay ate Yen at pumasok na kami sa loob para ihatid nila ko ni kuya sa departure area.

"Kahit pigilan ka pa ni DJ at sabihin sa iyo na huwag mong ituloy ang pag-cancel ng engagement niyo?"sabi ni ate Yen with teasing smile kaya talagang napatingin ako sa kanya at napatigil ako sa paglalakad. Aaminin ko kinilig ako kaso alam ko naman na imposibleng gawin ni DJ iyon.

"Calling all the passengers of GGC Airways, Airplane 2526. Flight for Los Angeles, California is now on boarding."



Inilingan ko na lang si ate Yen sa sinabi niya sa akin kanina at kinuha ang mga gamit ko.

"Sige kuya, ate. Mauna na ko."sabi ko tapos nag-beso kami bago ako umalis. Pa-akyat na sana ko sa escalator kaso nakita ko ang Duty Free. Bibilhan ko muna si Daddy ng pasalubong.


Natagalan pa ko dahil ang haba ng pila dahil maraming umuwi ngayon since malapit na ang holiday. Nang makalabas ako sa Duty Free dumiretso ako sa terminal gate ko kaya lang napansin ko wala na yung mga tao na nandoon.

"Uhm Miss nasaan na yung mga passenger ng Plane papuntang Los Angeles?"tanong ko sa flight attendant na dumaan.

"Ay kaalis lang po ng plane hindi niyo ba naabutan? I guess bukas ka pa makakapag-book."sabi niya. What? Paano yung Ticket ko? Sayang ito. Lumabas ako ng nanlulumo at nakita ko ang Barkada.

"Guys anong ginagawa niyo dito?"tanong ko. How's their faces? It's EPIC! Ang sarap lang tumawa!

"Kath akala ko ba di ka mag-baback out?"tanong ni ate Yen, Napabusangot naman ako.

"Yeah naiwan ako ng plane bumili kasi ako sa Duty Free dapat pala dun na lang ako bumili pag-dating ko sa Los Angeles."sabi ko kay ate Yen at nakangiti lang siya habang si kuya ayun nakabusangot. Patay siya kay Daddy.

"Kath!"sabay-sabay na sabi ng barkada except kay DJ.

"Bakit?"sabi ko pero malamig ang pagkasabi ko, Mapagtripan nga itong mga ito.

"We're sorry Kath."sabay na sabi nila sa akin at parang natatakot sa kung ano ang sasabihin ko.

Alam niyo yung babaeng nag-confess ng feeling sa guy gusto niyo at hinihintay ang sasabihin alam niyo iyon? Iyon ang itsura nila.. Tinignan ko si Kuya at ate Yen. Nginitian nila ko kaya naman yinakap ko ang barkada ko, Except kay DJ na talagang dumistansya pa talaga.

"Sorry din."sabi ko sa kanila habang nakangiti.

"No Kath, Kami ang dapat mag-sorry sa iyo."sabi ni Zharm sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Oo nga hindi ka namin pinag-explain."sabi ni Aria kaya yinakap ko siya.


"Okay lang iyon, Tapos na."sabi ko kay Aria ng mag-aklas kami sa yakap.


"Kath nasaktan mo kasi ako kaya nadala lang ako ng galit ko pero sobrang sorry talaga." sabi naman ni Kiray at nginitian ko siya.

"Cous."namumula at umiiyak na tawag sa akin ni Julia kaya agad ko siyang yinakap ng mahigpit.

"I miss you."sabi ko sa pinsan ko habang magkayakap kami at yinakap niya rin ako pabalik, Sobrang higpit ng yakap sa akin ng pinsan ko.

"I hate you! Akala ko aalis ka na, Akala ko iiwan mo na ko."sabi niya sa akin at umiyak siya sa balikat ko habang magkayakap kaming dalawa. Nagtagal pa iyon ng ilang minuto bago kami magkalas at tumatawang pinunasan ni Julia ang luha niya.


"Nagtampo ako sa iyo pero hindi naman masyado."sabi ni Khalil at tinapik ang balikat ko.

"No comment ako Kath, Kinuha ko yung CD."sabi ni Albie at tinawanan ko siya.

"Sabi ko na, Wala kang kasalanan."sabi ni EJ at siniko naman siya ni Diego.

"Kailan mo sinabi?"sabi ni Diego at napailing na lang ako sa kalokohan ni Diego. Napatingin ako kay DJ na nakatingin lang sa paligid at pasipol-sipol.

"DJ."tawag ko sa kanya at tinignan niya ko, Medyo awkward lang at ginulo niya ang buhok ko.

"Ang tanga mo kasi kaya ka naiwan ng flight."sabi niya at umalis na, Natawa na lang ako sa sinabi niya sa akin.

"Asus! Kunwari ka pa DJ, Nung nasa sasakyan tayo tarantang-taranta ka tapos nagdasal ka pa na sana maiwan si Kath ng eroplano at kung anu-ano pa para maabutan natin siya!"sigaw ni Zharm at nagtawanan ang barkada sa inasal ni DJ kaya napangisi na lang ako

Continue Reading

You'll Also Like

208K 4.3K 46
Sabi nga ni Sarah G kay Coco M, "There was never an us." E paano kapag sinabi niya rin sayo yon? Malala nga lang, mas mahaba pa. "There was never an...
4.3K 122 14
DISCLAIMER: 📌 In this captivating GL story I've woven, the names, characters, places and events are all born from my boundless imagination or brough...
167K 796 6
"Be my mistress, Marya. Iyon na lang ang wala ako..."
19.8K 5.4K 45
[ C O M P L E T E D ] (Published in Ukiyoto Publishing) Paano kapag mahal mo pa rin pero hindi ka na maalala? Paano kung siya ay may iba na, samantal...