I love you even when I hate y...

Da emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... Altro

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 7

848 33 2
Da emmanoehl

Chapter 7

-=JESSIE=-

Nandito ako ngayon sa bahay nila Ken para alagaan muna si Jazz. Oo ayos na kaming mag kakaibigan. Humingi ako ng tawad kay Ken at pinatawad naman n'ya agad ako may bonus pa nga e. umalis si Ken nasa HongKong s'ya ngayon para sa business meeting n'ya kaya ako ang magbabantay kay Jazz. ang gandang bonus hindi ba? wala naman akong balak guluhin pa ang relasyon nila alam ko naman na sila na, pero malay n'yo lang habang wala si Ken mahulog sakin si Jazz. ^__^V

*ding..dong..ding..dong..

Nandyan na s'ya. nagtatakbo naman ako agad sa pinto para pag buksan ang aking princesa.

^_________________^ "Hi, Jazz" masayang masayang bati ko.

"Hello" bati n'ya naman. Halatang malungkot.

"Hi Jessie!" Boses ng maligno.

>____< bakit ba nandito nanaman itong Je-. Ano nga ba pangalan n'ya?

"O bakit ka nandito?" walang ganang sagot ko sa bati n'ya.

"Sige Jazz uwi na ko ayaw ata ni Jessie na nandito ako e." (_ _)

Buti naman at alam n'ya.

"Hindi dito ka lang! Jessie ayaw mo ba na nandito s'ya?" tanong ni Jazz.

"Oo." Sagot ko.

"JESSIE!" sigaw naman ni Jazz na parang nagagalit.

"H-ha, h-hindi a-ang ibig kong sabihin bakit nandito s'ya. pasok tayo sa loob pinagluto kita." Sagot ko naman habang pinipilit kong ngumiti.

"S'ya lang?" tanong nung maligno. Kasabay ng pag-tingin sakin ni Jazz na parang nag tatanong din.

"H-HINDI PINAGLUTO RIN KITA SYEMPRE. May lason nga lang." sagot ko na binulong ko sa kanya yung bandang dulo halata namang nagulat s'ya.

0//0 "M-ma may LASON?" sigaw naman n'ya.

Bwiset pakiramdam ko inaasar n'ya talaga ko. Tinignan naman ako ng masama ni Jazz.

"Jessie? anong lason?" tanong ni Jazz.

"HA? LASON? Sabi ko MAYLASA! Ikaw talaga ang bingi mo." sabi ko sabay kurot sa pisngi ni Maligno.

"Minsan maglinis ka ng tenga ha! Gamitin mo barena!"

"Hahaha ikaw talaga palabiro ka pala." Sagot n'ya tapos humampas pa sa may braso ko.

"Hahaha oo minsan talaga palabiro ako." Sagot ko naman sabay hampas din sa braso n'ya. napalakas ng konti kaya nasubsob s'ya.

"Jennica!" sigaw naman ni Jazz tapos tinulungan makatayo yung kaibigan n'ya.

"Naku sorry ah! Hindi ko alam na may pag kalampa ka pala!"

"Ikaw talaga Jessie, magdahan-dahan ka nga. Jen, mabibihis lang ako. Jessie samahan mo na muna sa kusina si Jennica." Sabi ni Jazz.

"Sure ka? Baka gusto mo ikaw samahan ko?" tanong ko.

"Baliw ka talaga! Magbibihis nga ako diba?"

"Joke lang! Sige ako na bahala sa kaibigan mo." sagot ko tapos inakbayan ko si Jennica.

Pag talikod ni Jazz yung akbay ko. Hinigpitan ko. Kaya naging sakal.

"A-arayyyyy!"

"Masakit ba? kulang pa yan masyado kasing matabil ang dila mo!"

"Bakit ba ano ba ginawa ko sayo?" sagot n'ya habang nagtataray.

"Ay Te, wag kang mag taray may binabagayan yan!"

"Hindi naman ako nagtataray ah! Ikaw nga d'yan ang suplado e."

"Hindi ako suplado! Sadyang hindi lang ako kumakausap ng maligno!"

"At sino ang maligno? Ako?"

"Alangan namang ako?"

"Ang ganda ko namang maligno!"

"O Sige i-pagmalaki mo!"

Habang nagtatalo kami nakarinig ako ng boses ng angel.

"Nag-aaway ba kayo?" si Jazz pala.

"Hindi ah. Nag k-kwentuhan lang kami! Masarap pa lang ka kwentuhan yang kaibigan mo!" ^____^

"Oo kahit nga ako tuwang tuwa d'yan kay Jennica."

"Tara na kumain na tayo!"

"Ang sarap naman nito! Jennica tikman mo ang sarap." Sabi ni Jazz.

"Masarap ba? niluto ko talaga yan PARA SAYO! Buti nga wala sila Justine dito! Ayaw ko kasi nung i-pinagluto kita tapos sila kakain-."

Sinadya kong putulin ang sasabihin ko tapos tumingin ako kay Jennica na susubo na sana.

"ANG KAPAL NG MUKHA!" pagpapatuloy ko medyo nilakasan ko talaga. para mahiya si Jennica. At nahiya nga ata hindi na sinubo yung dapat isusubo n'ya. binaba n'ya yun tapos lumunok s'ya para bang takam na takam.

"OH! Bakit? Ayaw mo?" nag-aalalang tanong naman ni Jazz.

"Oh! Baka naman tinamaan ka sa sinabi kong makapal ang mukha ah?! Hindi ikaw yun." sabi ko naman.

"Hindi naman." Sagot n'ya.

"Aba! Makapal nga!"

"HA?" sabay na tanong nila.

"S-sabi ko sila Justine makapal nga talaga."

Mananahimik na nga ako. Sapat ng hindi n'ya kinain yung luto ko.

Na-ka-ka-pag taka ang takaw ko pero ngayon wala akong gana. makita ko lang si Jazz na kumakain masaya na ko.

"B-bakit?" takang tanong ni Jazz. napansin kasi n'yang nakatingin ako sa kanya.

"Wala, naalala ko lang kasi nung inagawan mo ko ng pag kain sa mall."

"Oo nga naalala ko rin yun. galit na galit ka sakin. muntik mo na kong sapakin."

"Haha nakakahiya, sorry ah! Sana naka bawi na ko."

"Oo naman bawing bawi ka na." sagot n'ya. tapos tumingin s'ya sa kaibigan n'ya.

"Oi Jennica baka na O-O.P ka na ah!"

"Ha? Hindi ah sige lang nakikinig lang ako." Sagot naman n'ya.

"UY OO NGA BAKA NA O-O.P KANA sana." Sagot ko naman na hinaan ko yung "sana" sapat lang para marinig n'ya.

"Jennica kumain ka na! masarap talaga, sige ka magtatampo sayo si Jessie pag hindi mo tinikman yan. Jessie oh pilitin mo nga." Sabi ni Jazz. nakakainis bakit ba napakahalaga sa kanya ng batang ito.

"Busog kana no? ayaw mo talaga no? okay lang. Jazz wag natin pilitin baka isuka n'ya." sabi ko naman.

"Jazz para sayo!" ayun na naabot ko na ang lollipop ko ^___^

"Ay wait lang kukuha lang kita ng inumin. Ano bang gusto mo? Juice? Coffee or me?" hohoho nakakapogi ang sinabi ko.

"Puro ka talaga kalokohan water na lang. si Jennica kuha mo na rin?"

Tumingin naman ako kay Jennica.

"Gusto mo rin?" tanong ko naman kay Jennica.

^___^ "Oo sana."

"Panglinis ng silver?" dugtong ko naman sa tanong ko.

0///0

Kapal ng mukha n'ya utusan n'ya pa ko. Sino ba s'ya? buti na lang walang panlinis ng silver si Ken dito.

^____^

"Ito na ang wat-."

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng makita kong yung binigay kong lollipop kay Jazz ay stick na lang. T___T naiiyak ako sa tuwa. Sorry Ken, kinain ni Jazz ang lollipop ko hindi ko na talaga s'ya pwedeng i-suko sayo!

"Bakit? May problema ba?" tanong ni Jazz.

"Wala natutuwa lang ako naubos yung lollipop. Mahalaga kasi yan Jazz may ibig sabihin yan." Sagot ko.

"A-anong bang ibig sabihin?" tanong n'ya.

"I-sinumpa ko kasi na kung sino ang kumain ng lollipop ko s'ya ang babaeng pakakasalan ko." ^_^

0_0 - Jazz.

0///0 - Jennica.

"G-gutom na kasi si Jennica kaya p-pinakain ko sa kanya."

0.0 -.- 0.0 katahimikan.....

"WAHAHA..haha.ha. Joooooooooooooooooookkkkkkkeeeeeeeeee!" sagot ko tapos pilit akong ngumiti.

"Joke lang yun tama joke ko lang ^_^ ano ba naman kinalaman ng pag-aasawa sa lollipop diba? Hahaha natawa ba kayo?"

Grabe ang hirap mag panggap pwede ko bang burahin yung sinumpa ko Author? Pwede bang pakibura yung nasa chapter 9 ng Mr. Pilosopo Meets Ms. Taong bundok?

"Kinabahan ako hooh!" sagot naman ni Jennica.

"Ows kinabahan ka?pakialemera ka kasi eh." Sagot kong nakangiti pa rin.

"Jessie ako ang nagbigay sa kanya non. Galit ka ba?" tanong ni Jazz.

Pano naman ako magagalit kung ganyang kaganda ang nag tatanong.

"Hindi ah! Natuwa nga ako kasi naubos." Sagot ko. Tapos tumingin ako kay Jennica.

"Salamat ah. Naubos mo! sana pati stick kinain mo na rin." Sabi ko sa kanya.

"Sobrang nabusog ako! Salamat Ken ah!" sabi ni Jazz.

>__< kamukha ko ba si Ken?

"Si Jessie ako Jazz!" sagot ko.

"Ay sorry!"

"Uy wait lang tumatawag sakin si Ken ^___^"

Pag si Ken talaga ganon ngiti n'ya? nakakaasar ah. Hindi pa nga ako sumasagot umalis na.

"HOY Ikaw bakit kinain mo yung lollipop ko?" tanong ko kay Jennica nung kaming dalawa na lang.

"Eh binigay sakin ni Jazz eh."

"So pag binigyan ka n'ya ng tae kakainin mo?"

"H-Hindi."

"Umuwi ka na nga! Baka hindi pa ako makapag pigil kung ano pa magawa ko sayo!"

"Ayaw ko nga! Hindi mo na ko pwedeng pauwiin no! hindi na ko susunod sayo si Jazz lang mag papauwi sakin."

"Ganon? Kaya kitang pauwiin wag mo kong subukan."

"Sige nga! Kung mapapauwi mo ko!"

Maya-maya dumating na si Jazz.

"Jazz uuwi na raw si Jennica." Sabi ko.

"Ha? Uuwi ka na kaagad?"

"Hi-."

Hindi ko na pinatapos pa ang isasagot niya inunahan ko na s'ya.

"Hindi n'ya naman gustong iwan ka, pero Jazz gabi na o delikado na sa kanya. saka sigurado hinahanap na rin s'ya ng magulang n'ya."

"Oo nga sige umuwi ka na."

Wahaha ako ang nanalo nginitian ko naman si Jennica ng nakakalokong ngiti.

"Sige Jazz ako na maghahatid sa kanya sa labas. ^_^"

"Sige, ingat ka Jen." Sabi naman n'ya.

Paglabas namin.

"Hoy teka lang hindi kita papalabasin dito hanggang hindi mo nilalabas sa bibig mo yung kinain mo!" sabi ko sa kanya.

"Wala na nalunok ko na pano ko pa ilalabas?"

"Eh di isuka mo!"

"Hindi naman ako nasusuka e." sagot n'ya.

"Akin na sundutin ko."

"Ha?"

Hindi ako sumagot sakto pag nga-nga n'ya pinasok ko ang daliri ko. At dahil don nasuka nga s'ya.

"Oh ayan sinuka mo na! wala na ang sumpa. Sige na umuwi ka na."

Hindi ko na s'ya hinintay na sumagot pa. pumasok na ko sa loob sa wakas masosolo ko na si Jazz. ^_^

Nakita ko naman agad si Jazz naka-upo sa sofa nakatingala halatang malalim ang iniisip.

"Jazz, tara nood tayo movie." Sabi ko naman.

"Sige Jessie ikaw na lang! matutulog na ko."

"G-gusto mo bang samahan kita?"

Yun oh! Oo ka na baby. Bibigyan kita ng kaligayahang hindi mo malilimutan.

"Anong samahan pinag-sasabi mo d'yan?" napatingin naman ako sa nag salita.

"Vince?"

Hayss hindi ba nauubusan ng epal?

"Ako nga! Mukhang gulat na gulat ka ah!"

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Ako pa tinatanong mo n'yan ah. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"May usapan na kami nila Dennis ako ang magbabantay sa kanya ngayon." Sagot ko.

"Hahaha. well sorry, dahil galing sa may-ari ng bahay. Walang ibang makakasama sa pag tulog si Jazz kundi ako lang! dahil ako lang ang walang gusto kay Jazz."

"Wala akong sasakyan hindi ako makakauwi." Pag dadahilan ko.

"Okay lang hinatid ako ni Jericho. Abangan mo na lang s'ya pabalik na yun hinatid n'ya yung magandang batang galing dito."

Wala na ko magagawa kundi ang mag paalam.

"Jazz, uwi na ko." Yun na lang ang nasabi ko. At malungkot na lumabas na ko ng bahay. Ayun bigo nanaman si Ako! kasalanan to ng maligning kaibigan ni Jazz e.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

9.5M 287K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
1.3M 30.8K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
Game Over Da beeyotch

Storie d'amore

667K 23.8K 34
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
33.9K 2.3K 7
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING