I love you even when I hate y...

By emmanoehl

51.2K 1.8K 346

Madalas na nating marinig yung... Pag palaging nag-aaway baka sila ang magkatuluyan. Paano kung hindi naman... More

I love you even when I hate you
YouAndMeAreMeantToBe Book 2 (Jessie & Jennica)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
Chapter 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
Chapter 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
FINAL CHAPTER

CHAPTER 51

664 26 5
By emmanoehl

CHAPTER 51

 

-=JENNICA=-

 

Siguro kung nandun ako sa panahon na masaya pa kami at hindi ko pa alam na niloloko n’ya ako. siguro kikiligin talaga ako sa mga sinasabi n’ya pero hindi e. iyak lang ako ng iyak dahil sa mga sinabi n’ya naalala ko lang kasi kami noon. Hindi tuloy ako nakatulog ng kakaisip sa kanya.

“Naynay, pwede ba akong lumabas?”  tanong sakin ni Iscah hindi ko man lang namamalayan ang anak ko kakaisip sa sarili ko.

“Sige lang anak pero wag kang lalayo a. maya-maya kakain na tayo.”

 

“Opo inay.”

 

Magtatanghalian na pero hindi pa rin ako lumalabas ng bahay. Siguro ako na lang ang iiwas sa kanya para hindi ako mahirapan. Sumilip ako sa bintana at nakita kong naglalaro sila ni Iscah dahil naghahabulan silang dalawa sa labas. Napansin kong hindi pa ito nagpapalit ng damit. Hindi ko alam kung totoo ang plano n’yang tumira sa labas at mabuhay sa kung paano ako nabuhay pero wala akong planong tulungan s’ya. Hinding hindi rin lalambot ang puso ko para sa kanya.

“Naynay, gutom na ako!” sigaw naman ni Iscah.

“Sige, kakain na tayo.” Sabi ko naman tapos pinaupo ko na s’ya para kumain.

“Naynay! Ang alat naman ng luto mo.”

 

“Naku anak pag pasensyahan mo na ang naynay hindi kasi ako marunong magluto damihan mo na lang ang inom ng tubig.”

 

“Sige po naynay.”

 

“Naynay busog na po ako!”

 

“Anak, masamang hindi inuubos ang pagkain.”

 

“Pero naynay sabi po masama din ang sobra! Hindi na ito kasya sa tyan ko naynay.”

 

Hayyys ang anak ko kahit kailan hindi naubusan ng katwiran.

“Sige na nga iwan mo na yan d’yan. Magpahinga ka na mamaya maliligo ka na.”

 

“Opo, nay!” sagot naman nito.

Nang matapos naman ako nagligpit naman ako ng pinagkainan namin.

“Iscah!” tawag ko.

“Naynay, bakit po?”  tanong naman nitong humahangos pa sa pagtakbo.

“Saan ka galing?”

Sa labas po nay.”

 

“Di ba sabi ko sayo magpahinga ka kasi maliligo ka na?”

 

“Nay, sorry po.”

 

“Sige na itapon mo muna ito sa labas.” Utos ko.

“Pero nay sabi mo masama ang magsayang ng pagkain.”

 

“E sabi mo masama ang sobra? Kakainin mo pa ba yan?”

 

“Hindi na po.”

 

“Kaya nga itapon mo na!”  

“Opo nay.” Sagot nito tapos nagmamadali na itong sumunod sa utos ko. napakabait na bata talaga nitong anak ko.

-=JESSIE=-

 

Gutom na gutom na ako pero kahit barya lang wala ako. ganito siguro ang naramdaman ni Jennica noon. Nasaan na kaya si Jennica kanina ko pa s’ya hindi nakikita. Iniiwasan ata ako. natigil naman ako sa pag-iisip ng lumabas si Iscah.

“Ang akala ko ba maliligo ka na?” tanong ko.

“Opo, maliligo na ako itatapon ko lang po ito.” Sagot nito sabay turo sa may hawak nitong pagkain.

“Ano ba yan?”

 

“Tirang pagkain po.”

 

“A-akin na lang yan pwede ba? Gutom na kasi ako.” hindi ko na napigilan ang sarili ko. talagang gutom na ako.

“Naku marumi na po ito! Gusto n’yo po ihingi ko na lang kayo kay naynay ng pagkain?”

 

“Hindi na. pwede na sakin yan.” Sagot ko tapos kinuha ko na at kinain ang dala nito. Tirang pagkain lang naman nila ito hindi ito marumi dahil mag-ina ko naman ang kumain nito.

“Iscah diba sabi ko magtapo-.” Hindi na nito natapos pa ang sasabihin nito nang makita akong kumakain.

“Naynay kinain n’ya yung itatapon ko. marumi na po yun nay.”

 

“Sige na anak pumasok ka na sa loob.”

 

“Opo nay.”

 

“Bakit mo kinain yan? Hindi mo ba alam na marumi na yan?”

 

“G-gutom na kasi ako.”

 

“Umuwi ka na kasi sa inyo para hindi ka na nahihirapan!” sigaw ko.

“Hindi ako uuwi nang hindi ko kayo kasama. Ayos lang ito wag ka ng mag alala malinis naman ito dahil sa inyo naman galing.”  

“Sino naman nagsabi sayong nag-aalala ako? sa susunod kahit tira tira namin hindi ka makakatikim!” sagot nito tapos pumasok na sa loob. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman pero medyo nasaktan ako sa sinabi n’ya. Pero siguro isa yun sa mga salitang natatanggap n’ya nung mga araw na namamalimos s’ya.

Lumipas pa ang oras at hindi na muli pang lumabas si Iscah at Jennica. Madilim na hindi na siguro sila lalabas. Kaya nag ayos na ako ng higaan para mahiga. Malamig ang hangin ngayon nakatitig lang ako sa langit. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon hindi ko gagawin ang ginawa ko non. Pero kung hindi ko naman ginawa yun eh di wala akong cute na cute na iscah.

“Jessie…”

 

Parang may tumatawag ata sakin.

“Jessie…”  

Hindi parang talagang may tumatawag. Lumingon lingon naman ako sa paligid at nakita ko si Iscah na nakasilip sa may pinto. Lumapit naman ako sa kanya.

“Bakit?”  Mahinang tanong ko dahil pansin kong hinihinaan nito ang boses n’ya.

“May pagkain ako.”

 

“Ha?”

 

“May pagkain ako. halika tiniran kita.”

 

“P-pero baka magalit ang naynay mo.”

 

“Pssshhht wag kang maingay. Tulog na si Naynay.” Tumango naman ako at dahil gutom na rin sumunod naman ako kay Iscah. Ngayon lang ako nakapasok sa loob ng bahay nila maliit lang ito tanging kurtina lang ang pagitan ng kusina at ng higaan. Nakita ko naman si Jennica na nakahiga sa isang higaan na mukhang kama pero parang matigas, nakabaluktot ito ng higa dahil mukhang hindi ito kasya. Nalungkot naman ako sa nakita ko. siguradong hirap na hirap mamuhay si Jennica sa ganitong lugar.

“Jessie, halika na nakahain na.”  tawag naman sakin ni Iscah. Sumunod naman ako dito. Habang kumakain ako panay ang kwento nito. Napakabibong bata.

“Anong ginagawa mo? sinong nagpapasok sayo dito!”

Bigla naman akong napatayo ng marinig ko ang boses ni Jennica. Galit na galit ito.

“Naynay ako po.”  Sagot naman ni Iscah habang nakayuko.

“Sinusuway mo na ako? kailan ka pa natutong sumuway sakin?!”

 

“Naynay sorry po.”

 

“Anong sorry?! Sumagot ka! Kailan ka pa natutong sumuway sakin!” sigaw ni Jennica sa bata. Takot na takot na ang bata dahil sa nakikitang galit kay Jennica.

“Jennica, walang kasalanan ang bata natatakot na s’ya sayo tama na wag mo na s’yang pagalitan.” Hindi na napigilang sabi ko.

“Oo wala s’yang kasalanan dahil kasalanan mo! lumabas ka dito labas!” sigaw ni Jennica habang pinagtutulakan akong palabas.

“J-Jennica, sorry na h-hindi na mauulit.”

 

“Hindi na talaga mauulit dahil aalis ka na! kahit dito sa labas ng bahay ayokong makita ang pagmumukha mo! lumayas ka na!”

 

“J-Jennica, alam mong hindi ako pwedeng umalis. Aalis ako kapag alam kong sumama ka na sakin. paano kung makita ka ni Edmond pano kita ipagtatanggol kung wala ako.”

 

“Ipagtatanggol? Natatakot kang makita ako ni Edmond e masnatatakot nga akong makita ka! Mas demonyo ka pa sa kanya!”

“Wag mong sabihin sakin yan.”

 

“Bakit nasasaktan ka? Gusto mo bang ipaalala ko sayo ang kahayupang ginawa mo sakin!”

“Hindi ako aalis dito! Kung may kasalanan man ako sayo yun yung hindi ako naniwala na mahal mo ko kaya nag sinungaling ako! yun lang ang kasalanan ko Jennica yun lang! kung ikinakagalit mo ang pagkain ko?! sige, kahit isang pagkain wala na akong tatanggapin sayo! Pabayaan mo lang ako dito! Wag mo kong paalisin dito. Dahil mas gusto kong mamatay sa gutom ng kasama kayo!” pagkasigaw ko non tumakbo na ako palayo. Gusto ko lang alisin ang init ng ulo ko. takbo lang ako ng takbo. Gusto kong mapagod para wala na akong ibang maisip. Nasasaktan ako, nasasaktan ako pero wala akong karapatang masaktan dahil lahat to. Lahat ng ito kasalanan ko!

******

Malapit lapit na rin matapos ang story na toh hindi ko masabi kung hanggang ilang chapter na lang pero malapit na. salamat sa lahat ng bumasa. At magbabasa pa lang. hehe sa kambal ko na nag uumpisa pa lang itong basahin salamat nag eenjoy s’ya maganda raw kahit chapter 3 pa lang s’ya.

Continue Reading

You'll Also Like

243K 4.4K 22
Dice and Madisson
74.9K 1.4K 82
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
148K 8.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.