CHAPTER 50
-=JENNICA=-
Papunta ako ngayon sa karinderya balak kong tulungan muna si Angel dahil hindi pa nakakauwi si Thia. Habang naglalakad hindi naman ako tinitigilan nitong si Iscah.
“Naynay mahal ka raw ni Jessie.”
“Tigilan mo na nga ako Iscah!”
“Naynay wala namang masama kung mahal ka n’ya ah! Mahal mo rin ba s’ya naynay?”
“JESSICA!” sigaw ko para matigil ito.
“E bakit ba kasi hindi mo masagot ang tanong ng bata?” tanong naman ni Jessie. nakasunod lang ito samin wala naman akong magagawa para pigilan itong wag sumama dahil sobrang kulit nito.
“Puwede ba? Wag kang makisawsaw saming mag ina?”
“Puwedeng puwede!”sagot nito sabay ngiti.
Nakakabwiset talaga! Bakit ba kasi kinukulit ako nitong Jessie na ito.
“Ninang!” sigaw ni Iscah ng makita si Angel.
“Naku Iscah ang cute cute mo naman. Teka muna sino ang kasama n’yo?” sabi ni Angel.
“Manliligaw ni naynay!”
“Jessica!”
“Ganon ba? Hi, ako nga pala si Angel.” Sabi ni Angel sabay lahad ng kamay kay Jessie.
“Jessie.” maiksing sagot ni Jessie
“Magkamay daw po kayo!” sabi naman ni Iscah kay Jessie. Dahil hindi pinansin ni Jessie ang nakalahad na kamay nito.
“Pasensya na pinangako ko kasi sa sarili ko na si Jennica lang ang tanging babaeng hahawakan ko.” sabi nito. Dahilan para bigla akong mapatingin sa kanya kumindat naman ito sakin pagkatingin ko.
“Tigilan mo nga ako! hindi nga kita kilala e. Angel wag mo nga s’yang pinagkakakausap! Pulubi lang yan nakatira sa labas ng bahay namin.” Sabi ko naman. Tapos dumiretso na ako papasok sa karinderya habang nakatalikod narinig ko pang tinanong ni Angel si Jessie.
“Talaga bang pulubi ka? Ang gwapo mo namang pulubi.”
“Pulubi ako? Pulubi bang matatawag ang taong tinitiis ang lahat ng paghihirap makasama lang ang babaeng mahal n’ya? Kung pulubi nga yung tawag don. Malamang pulubi nga ako. Jennica, palimos naman ng konting pagmamahal”
“Ahhhhhhhhhh ang sweeeeeeeeet.” sabi naman ni Angel.
Kahit nakatalikod napangiti ako sa narinig ko ewan ko ba parang kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko.
“Jennica!” sigaw ni Jessie. sa sobrang gulat ko napalingon ako agad nang hindi pa naaalis ang ngiti sa labi ko.
“Wasus sabi ko na nga ba nakangiti ka e. naks bagay sayo!” Sabi nito. Bigla naman akong sumimangot tapos hindi ko na s’ya pinansin. Nakaupo lang ito katabi ng mga kumakain.
“Jessie, gusto mo bang kumain?” tanong naman ni Angel.
“Pwede ba?” sagot nito.
“O-.” –Angel.
“Hindi pwede! Hindi dahil magkakilala tayo libre ka na dito! Kung gusto mong kumain mag bayad ka!” sigaw ko natulala naman si Angel. Nagulat siguro sakin.
“Tinanong ko lang naman. Actually busog pa ako.” sagot nito sabay ngiti.
Nagpapasalamat na lang ako at dumami ang kumakain kaya hindi ko masyadong napapansin si Jessie.
“Sa iba na lang tayo kumain.” Sabi ng dalawang bagong dating.
“Uy teka, bakit ayaw n’yo ba ng ulam?” tanong ko naman.
“Hindi, wala na kasing upuan.” Sagot naman nito. Tumingin naman ako kay Jessie na para bang takam na takam sa katabi nitong kumakain.
“Pwede ba tumayo ka na lang kasi wala ng mauupuan may gusto pang kumain!” sabi ko sa kanya. nakita ko namang bahagya pa itong nagulat sakin.
“O-Oo naman.” Sagot nito tapos tumayo ito sa likod ng mga kumakain. Hanggang sa maubos na ang mga kumakain hindi pa rin ito umuupo pero pinababayaan ko na lang.
“Yohoooo nandito na ako!” sigaw ng taong grasa.
“Bakit nahuli ka ata?” tanong ni Angel.
“Marami lang akong inasikaso!”
“Langyah sa lahat ng taong grasa ikaw ang busy ah!”
“Ganon talaga kaya ipaghain muna ako pagod ako ayokong makipagtalo sayo.”
“Hi.” Bati ko naman sa taong grasa.
“Hi, Jennica.” Sagot naman nito.
“Kailangan ko pa bang maging ganyan karumi bago mo ko mapansin?” sabi naman ni Jessie. napatingin tuloy sa kanya ang taong grasa tapos bigla itong napatayo.
“Oh, bakit ka tumayo sige na kumain ka na!” sabi ko naman.
“I-Ikaw pare, gusto mo bang kumain?” tanong naman ng taong grasa kay Jessie.
“H-Ha? Hindi sige kumain ka na.” sabi naman ni Jessie.
“Halika na!”
“Wow, libre ka na nga lang dito nagyayaya ka pa!” sabi naman ni Angel.
“E di magbabayad! Halika na pare, ako na magbabayad sayo!” sabi ng taong grasa agad namang umupo si Jessie. hindi pansin kung taong grasa ba ang katabi nito basta para itong patay gutom kung kumain. Siguro gutom na gutom lang talaga ito.
“Grabe! Kailan ka ba huling kumain ha?” tanong ng taong grasa.
“Malamang matagal na. katulad mo rin yan palaboy laboy sa daan.” Sagot ni Angel.
“I-Ikaw? Palaboy?” gulat na tanong naman ng taong grasa. Hindi naman ito sinagot ni Jessie.
Pagkatapos nilang kumain nag sara na kami ng karinderya. At ito naglalakad na kami pauwi. Karga karga ko naman si Iscah dahil nakatulog na ito. Siguro napagod sa sobrang kakulitan.
“Jennica, ako na ang magbubuhat sa kanya baka mahirapan ka.”
“Nakaya ko nga s’yang buhatin ng ganito sa loob ng limang taon. Ngayon pa ako mahihirapan.”
“Ang sungit mo naman. Ayoko lang naman na mahirapan ka.”
“Puwede ba? Wag ka ngang masyadong pakialamero!” pagkasabi ko non panandalian itong tumahimik.
“Papasok ka na kaagad?” tanong nito ng akmang papasok na ako sa bahay.
“Malamang!”
“Baka pwedeng mag kwentuhan muna tayo.”
“Wow, ang kapal mo rin e no?”
“Ito naman makikipagkwentuhan lang e.”
“Maghanap ka ng ibang makakakwentuhan mo!” sigaw ko.
“Ang sungit sungit mo talaga. Lalo ka tuloy gumaganda.”
“Hanggang kailan mo ba balak guluhin ang buhay ko?”
“Hanggang sa mahalin mo ulit ako. tapos sumama ka sakin.”
“Nagpapatawa ka ba? Hindi yun mangyayari! Hinding hindi ako sasama sayo!”
“Ganon?”
“OO.”
“Eh di hindi.”
“A-anong hindi?”
“Hindi ako mawawala dito. Hindi ako aalis kung nasan ka, nandun ako.”
“Hindi mo ba talaga naiintindihan?”
“Ang alin ba?”
“Hindi na kita kayang mahalin ulit!” sigaw ko. tapos tumalikod na ako para pumasok na sa bahay.
“E di ako na lang ang magmamahal. Pwede naman yun diba? Ako lang ang magmamahal?” sagot nito dahan dahan naman akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi n’ya.
“A-anong sabi mo?”
“Mamahalin kita. kahit ayaw mo mamahalin pa rin kita.” Sabi nito tapos lumakad ito palayo.
“S-saan ka pupunta?” hindi napigilang tanong ko.
“Hahakbang lang ako ng mga 50 hakbang tapos pwede ka nang sumigaw.”
“A-anong sinasabi mo?”
“Mahirap pigilan ang kilig!”
*******
Nakakapagod ang seminar. Pasensya na isa lang nagawa ko.