Kabanata 16: DUAL

199 2 0
                                    

"NASAAN KA NA SHYEEEEEEERRR!!!"

"Oy oy oy, masyado kang maingay Lilith. Darating din sya, hintayin mo lang."

Lilith: Ilang oras na akong naghihintay, naiinip na ko! Ngayon lang ito nangyari.....

"Baka naman ang dala nya ay katawan ng isang monghe..... diba't mas maganda yun....."

Lilith: Hindi sya matatalo ng mga monghe, isa sya sa mga malalakas nating alagad.....

"Paano kung......"

Lilith: Kapag nangyari yun..... sisiguraduhin kong matitikman nila ang GALIT NG AKING PAGHIHIGANTI!!!

"Hooh, masyado ka namang seryoso, nagbibiro lang naman ako......"

Lilith: Mainit ang ulo ko kaya di ko gusto yang biro mo, Lord Garos..... syanga pala, malapit nang magsimula ang plano.....

Lord Garos: Alam ko, sila na ang bahala dun..... ang gagawin lang natin ay maghintay ng resulta.....

Samantala, sa magubat na bahagi ng Bundok Heng.....

"Tama naman ang mapa ni Master Liu, pero kanina pa ko paikot-ikot dito sa gubat, hmmm....."

Habang hawak ang mapa, nagpatuloy sa paglalakad ang lalaki...... nang tumalon ang isang nilalang mula sa sanga ng isang puno......

"Wag kang kikilos nang masama. At sagutin mo ang mga tanong ko."

Isang punyal ang nakatutok sa leeg ng lalaki.....

"Sinusundan mo ba ko?"

"Hindi kita sinusundan", sagot ng lalaki.

"Kung hindi mo ko sinusundan, bakit nandito ka sa gubat?"

"Kanina pa ko dito sa gubat, pabalik-balik..... siguro naliligaw ka rin...."

"Sagutin mo ang tanong ko! Anong pakay mo?"

"Ok. Ang totoo ay papunta ako ng Grand Heng Temple."

"Grand Heng Temple..... kung ganun, isang monghe ang nagpadala sa 'yo dito....."

"Oo. Si Master Liu."

Ibinaba na ng di pa kilalang nilalang ang punyal..... ngunit nakaramdam sya ng negatibong enerhiya sa paligid......

"Nandito na sila....."

"Mukhang sila talaga ang sumusunod sa 'yo, napagkamalan mo lang ako. Sa tingin ko, sila ang dahilan kaya tayo naliligaw dito sa gubat.", wika ng lalaki.

"Ang solusyon ay ang labanan sila...."

"Syanga pala," isang bagay ang kinuha ng lalaki sa kanyang bulsa.

"Sa 'yo itong ID diba..... ang nakalagay na pangalan ay JINMA RASHEEDE.", at ipinakita ng lalaki ang ID.

"Huh?! Saan mo nakuha 'to?"

"Napulot ko kanina. Nahulog mo siguro nang di mo namamalayan. Ako nga pala si Kairi. Kairi Yoshida."

Jinma: Salamat sa pagpulot sa ID. Pero hindi ibig sabihin nun ay pinagkakatiwalaan na kita.

Kairi: Ikaw ang bahala. Kailangan munang masolusyunan ang problema dito sa gubat.

"HEHEHEH, MAHUSAY ANG PANDAMA MO. PERO HINDI NA KAYO MAKAKALABAS SA GUBAT NA ITO!"

Lumitaw ang isang halimaw, si Orok (Lizardman).

Jinma: Kanina ko pa hinihintay na magpakita kayo..... mga MARA....

At lumitaw din ang tatlo pang halimaw..... sina Chirop (Bat Monster), Godo (Rhino Monster) at Odon (Dragonfly Monster). Napapalibutan nila ang dalawang lalaki.

Chirop: Wala pang taong nakalabas ng buhay dito sa gubat hehehe.

Jinma: Oy, alam mahusay kang makipaglaban, kaya tapusin na natin 'to.

Kairi: Syempre naman. Eh---------------

Nagliwanag ang kanang kamay ni Jinma!

Kairi: Whoa?! Sabi ko na nga ba..... mabuti pa nga, tapusin na natin 'to.....

At nagliwanag din ang kanang kamay  ni Kairi! Inilabas nya mula sa sisidlang tela ang kanyang samurai sword o Katana. At ang talim nito ay nabalutan ng makinang na liwanag!

Jinma: Flame Dagger!

Naglalagablab na apoy naman ang bumalot sa punyal ni Jinma!

Odon: Y-yan ang a-arcana!

Godo: Aah! Dalhin natin ang arcanang yan kay Lord Agon! Tiyak na matutuwa sya!

Orok: Magandang ideya yan Godo! Kekeekeeke!

Sumugod sina Orok at Chirop kay Kairi samantalang si Jinma ay hinarap sina Godo at Odon!

CHAAAAANNNGGG!!!

Gamit ni Orok ang kanyang sibat, nagpalitan sila ng eskrima ni Kairi! Ipinamalas ng binata ang husay ng kanyang kenjutsu (swordsmanship)!

Orok: Mahusay kang lumaban! Geheehee!

Chirop: GYAAAAHHHH!

Kairi: Ugh! Anong tunog yun?! A-ang s-sakit sa t-tenga....uuuhhh.....

Orok: Huli kaaah!  SHWIIINNNNGGG!

Nahiwa ang manggas ng damit ni Kairi!

Kairi: Uh! Muntik na kong masugatan! Ganito pala ang gusto nilang laban.....

Sa panig ni Jinma.......

Odon: Ako ang may gawa ng ilusyon kaya paikot-ikot lang kayo dito sa gubat..... ngayon tapos na ang pakikipaglaro namin sa inyo heh.....

Jinma: Ganun din ako..... YAAAAHHHH!

Tinamaan ng naglalagablab na punyal ng binata ang katawan ni Godo.......

Godo: Geheheheh! Hindi ako tatablan nyan! Kapalmuks ang balat ko! GYAAAHHH!

Isang malakas na bigwas ng braso ang ginawa ni Godo!

Nakailag si Jinma at bumuwelo upang muling umatake!

Jinma: Huh? Bakit may usok? Wala akong makita!

Odon: Ngayon na Godo! Atakihin mo sya sa likod!

Godo: GRYAAAAHHHH!

Jinma: Aaarghhhh!

Tinamaan ang binata ng suntok ng halimaw at tumilapon kay Kairi!

Kairi: OUCH! J-Jinma?........

Jinma: Uuuhhhh..... a-asarrrr......

Orok: Gyeheheheh..... nasukol na namin kayo.....

Odon: Kahit lumuhod kayo para magmakaawa sa inyong buhay ay wala na ring saysay heh.....

Chirop: Ghihihihihi!

Godo: Gwahahahahah!

Sa isip-isip ni Kairi........ "May naisip akong simpleng ideya......"

ITUTULOY.........

Destiny SevenOn viuen les histories. Descobreix ara