Kabanata 42: Tagumpay

115 0 0
                                    

Dumating na rin sa wakas ang mga High Monks! Natalo nina Master Lue at Master Bart ang Dragon Zombie na si Barukka habang nakikipagtuos sina Master Fao, Master Liu at Master Oji sa Phantom Beast Behemoth............

Master Oji: HAAAHHH!

"AUUUUUURRRRRRHHHHHHH!!!"

Tuluyang nahigop ng seal ang dambuhalang halimaw!

Master Fao: Tapos na!

Sa loob ng sandaling katahimikan.............

KRAAAAAAZZZZZZZZTTTTTTTTT!!!

Isang napakalakas na puwersa ang pumailanlang patungo sa langit!

"GRRRAAAAAAAAAAAARRRRRRRR!!!"

Master Oji: HAH?! Sinira niya ang seal!

Master Fao: UH?!

Master Liu: Tch! Wala na tayong magagawa kundi ang tapusin siya!

Sumugod siya palapit sa halimaw pero..............

Master Liu: HUH?

Hindi niya namalayan na pinuluputan ang paa niya ng mahabang dila ng Behemoth at-------------

BLAAAAAAGGGG!

Inihampas siya ng halimaw sa lupa!

Master Liu: UGHHH!

Muling nitong pinagalaw and dila palapit sa bunganga upang makagat niya ang biktima!

Master Fao: LIU!

TSAAAAAKKK!

Agad pinutol ni Fao ang dila!

"GRAAAAAARRR!"

Inakay ni Fao si Liu palayo sa halimaw.

Master Liu: Whoo! Nakakaasar ang halimaw na yan!

Master Fao: Padalus-dalos ka kasi.........

Master Oji: Kailangan ko ng tawagin ang Divine Spirit of Fire. Ah, teka...........

Nakita ni Oji na nag-iipon ng malakas na puwersa ang dambuhala mula sa bunganga nito!

Master Oji: Pigilan nyo siya Fao! Liu!

Pero huli na ang lahat! Handa ng bumuga ang Behemoth!

"GRRRRRRRRRRR!"

PAAAAAKKK!

Naibuga ng halimaw ang itim na bola ng puwersa sa direksyon ng kalawakan!

Master Oji: Master Gau!

Naging maagap ang Punong Monghe at mabilis niyang sinuntok ng kanyang mga kamao ang baba nito!

Master Gau: Ano pang hinihintay nyo? Tapusin nyo na siya!

Master Fao: Tayo na Liu!

Master Liu: AH!

At sabay silang sumugod!

Master Fao: Sword Lotus Punisher!

Master Liu: Phoenix Slice!

"URRRUUUUUUUHHHHHHHHH!!!"

Natapos nang bigkasin ni Oji ang isang sagradong sutra.

Master Oji: Divine Fire Spirit................AGRI!

Lumitaw ang isang kulay pulang espiritu!

Agri: YAN ANG BEHEMOTH!

Master Oji: Wala na kong oras magpaliwanag! Kailangan na natin siyang tapusin!

Agri: HMM.......SIGE GAWIN NA NATIN!

"ETERNAL FLAMES OF THE BRAHMINS!"

Napalibutan ang Behemoth ng naglalagablab na apoy at sa pagkapit ng apoy sa katawan nito, lalong sumisiklab ang apoy! Pumuputok-putok ito na sinusunog ang bawat himaymay ng laman ng halimaw hanggang sa wala ng matira kundi mga abo.

Samantala, sina Master Genji at Master Rugai ay nakikipaglaban naman sa mga natitirang Mara sa palibot ng templo.

Mara: Kawawang monghe! Tapusin na natin ang isang ito!

Monghe: Auuuhhh.........

Mara: EH? Sino ka?

Monghe: M-Master Rugai!

Master Rugai: Hindi na mahalaga kung sino ako........

Mara: Nag-iisa lang siya! Sabay-sabay tayong susugod!

YAAAAAAAAAHHHHHHHHH!

Master Rugai: Hundred Buddha Palm Strike!

UWAAAAAAAAHHHHHHH!!!

Sa may pader ng Grand Heng Temple........

Mara: Tumakas na tayo! Wala na tayong magagawa!

Master Genji: Sinong may sabing tatakas kayo?

Mga Mara: AEEEHHH?!

Master Genji: Ang lakas ng loob nyong salakayin ang templo tapos basta na lang kayo tatakas?

Nakita ng mga halimaw na inilabas ng monghe ang matalas nitong kunai.

Mara: Wag nyo siyang labanan! Tumak--------------------

TSAAAK! TSAAAK! TSAAAK! TSAAAK!

Sa isang iglap, nahiwa ni Genji ang humigit kumulang 20 Mara na nagtangkang tumakas! Ngunit may iba pang nakapuslit!

Master Genji: Hindi kayo makalalayo sa 'kin!

Gamit ang kanyang Aura, pinalaki niya ang kanyang shuriken!

Master Genji: Five Star Shuriken!

Hinabol ng humahagibis na malaking shuriken ang mga tumatakbong halimaw at............

UWAAAAAAAAAHHHHHHHH!

"NATALO NILA ANG MGA MONK SLAYERS PATI NA ANG BUONG HUKBO........KAILANGAN KO NG IBALITA ANG LAHAT NG ITO KAY LORD AGON..........."

Master Genji: Huh? May isa pang Mara?!

Agad niyang hinanap ang presensya nito pero ang natagpuan niya ay.............

Master Genji: Eh? Putik?

"WOOOOOOOOHHHHHHHHHH!!!"

Nagbubunyi ang lahat ng mga monghe dahil nagtagumpay silang ipagtanggol ang Grand Heng Temple! Walang pagsidlan ang kanilang katuwaan sa natamo nilang tagumpay!

Van: Akala ko ba wala ka ng natitirang lakas!

Chai Ban: Ngayon meron na kasi panalo tayo!

Master Gau: Salamat sa iyong gabay Mahal na Buddha. Pero dito pa lang nag-uumpisa ang laban............ang digmaan laban sa mga Mara...........

Sa kabuuang ulat, walang mongheng nasawi kundi mga sugatan at mga may grabeng pinsala lamang. Salamat sa tulong ng kapangyarihan ng Arcana nina Van, Hugo, Reji, Kairi, Jinma, Jacques at Derck. Ngunit ang laban sa apat na makapangyarihang Diyablo ay papalapit pa lamang.

ITUTULOY.................

Destiny SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon