Kabanata 7: Paninindigan

261 6 0
                                    

Great Lamina Tower Building (G.L.C.)

Masaya at excited si Reji sa araw ng orientation ng kanyang bagong trabaho. Iwinaksi nya sa kanyang isipan ang mga kababalaghang nangyari sa mga nakalipas na araw.

Reji: Sa wakas, makakapag-ipon na rin ako....

Secretary: Ah sir, pasok na po kayo sa conference room. Hintayin nyo na lang yung General Manager.

Pagpasok nya, nagtaka si Reji dahil sya lang mag-isa ang naroon. Ang inaasahan nya kasi ay may iba pa syang kasabay na natanggap din sa trabaho.

Reji: Sa dami naming nag-aplay, ibig sabihin ako lang ang pumasa.... heheh, ang galing ko naman, aniya na may halong pagyayabang.

Maya-maya pa, bumukas ang pinto at nakita nya ang isang lalaking nakasalamin at pormal ang uniporme. Tiyak nyang ito na ang General Manager na magsasalita sa orientation. Pumagitna ito sa mahabang mesa na nasa harapan ng conference room.

Gen. Manager: Ah ikaw si Mr. Reji Savall?

Tumango naman sya.

Gen. Manager: Ok good morning. And welcome to our company. We will start now our orientation. Pero bago yun, may gusto muna akong ipagawa sa 'yo Mr. Reji.

Reji: Huh? Ano po yun?

Gen. Manager: Gusto kong ibigay mo sa akin ang kristal, yung tinatawag na Arcana.

Nagulantang ang binata sa narinig at kasabay nun ay nakaramdam sya ng kakaibang kutob....

Reji: Ah sir ano po yun? Hindi ko po alam yung kristal na sinasabi nyo eh....

Gen. Manager: Ang sabi ko.... ibigay mo sa 'kin ang Arcana nang maayos. Pagkatapos, kahit ngayon makakapag-umpisa ka na ng trabaho mo.

Reji: Eh sir, hindi ko kayo maintindihan.... hindi ko talaga alam ang sinasabi nyo....

Gen. Manager: Mr. Reji, ang ayaw ko sa isang empleyado ay yung sinungaling at nagmamaang-maangan. Teka, gusto mo bang doblehin ko ang sahod mo? Sige gagawin ko, ibigay mo lang sa 'kin ang arcana.

Naguguluhan na ang binata sa nangyayari. Naipit sya sa isang alanganing sitwasyon. Ang kaninang masayang pakiramdam nya ay nabahiran ng pagdududa at agam-agam.

Reji: Sir, seryoso ba talaga kayo?

Gen. Manager: Oo, seryosong seryoso. It's a deal. Kung gusto mo ngayon pa lang ay ibibigay ko na ang kalahati ng sahod mo.

Dahil sa napakagandang alok sa kanya, hindi na nya alam ang nararapat na gawin nang biglang....

"Wag kang makikinig sa kanya Reji! Hindi sya tao! Isa yang halimaw!"

Agad nilingon ng binata ang pinanggalingan ng sigaw at.....

Reji: M-Master Rugai?!

At mula sa kisame ng conference room......

Master Rugai: Ang halimaw na yan ay may kakayahang manggaya ng anyo ng isang tao. Kaya wag kang maniniwala sa kanya! Tama ba 'ko...... Khalis?

Gen. Manager: Tsk! Peste talaga kayong mga monghe!

Reji: Kaya pala alam mo ang tungkol sa Arcana! Sandali, anong ginawa mo sa tunay na General Manager?

Ang kaninang anyong tao ay nagbagong-anyo..... at naging isang Batta Kaijin [Grasshopper]!

May hinila si Khalis sa ilalim ng mesa at ang tumambad ay.......

Reji: Ang tunay na general manager!

Khalis: Heh, kung gusto mong mabuhay ang taong ito, ibigay mo sa akin ang Arcana. At syanga pala, kontrolado ko ang lahat ng tao sa gusaling ito kaya lahat sila ay bihay ko! Wahahahahaha!

Reji: Wag mo silang idadamay!

Akmang susugod na ang monghe nang.......... KACHAAAAANNNNGGGGGG!!!

Nabasag ang bintanang salamin ng conference room at.......

Khalis: Oh Sykis, sakto ang dating mo.....

Isa pang halimaw ang dumating........ si Sykis, isang Kamakiri Kaijin [Mantis]. Hawak ng dalawang kamay nya ang leeg ng dalawa pang duguang monghe.

Sykis: Ganun ba..... pasensya ka na at tinapos ko pa ang dalawang ito, hah....

Master Rugai: Dan! Seto! Pinatay mo ang mga kasama ko! Hindi kita mapapatawad!

Sykis: Heh, ang hirap mo kasing hanapin eh.... kaya ayan, sila ang nahanap ko at pinaglaruan heheh!

Master Rugai: Reji! Ako'ng bahala sa isang ito! Ikaw naman ang lumaban kay Khalis! Alam kong kaya mong gamitin ang arcana! May tiwala ako sa 'yo!

Reji: S-Sige..... bahala na! Gagawin ko kung ano ang makakaya ko!

Master Rugai: Kaya mo yan! Wag kang magpapatalo sa kanya!

Sa isang kisapmata, sinipa ni Rugai si Sykis palabas ng bintana ng conference room!

Khalis: Hahahahahaha!

Reji: Anong nakakatawa?!

Khalis: Ang isang hamak na taong gaya mo ay pinagkatiwalaan ng mongheng yun. Sa tingin ko ay nagkamali sya ng pinagkatiwalaaan.

Reji: Hindi sya nagkamali! Dahil sa umpisa pa lang, desidido na kong talunin ka!

Nagliwanag at kamao ni Reji at nabalutan ito ng pambihirang enerhiya! Hindi na sya nag-aksaya ng oras at lumusob sya!

Khalis: Oops! May bihag ako! Gusto mo bang tapusin ko na ang buhay nya ha?

Natigilan si Reji.

Reji: Madaya ka! Ako ang kailangan mo kaya wag mong idamay ang mga tao rito!

Khalis: Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Magkasundo tayo. Ibigay mo sa 'kin ang Arcana at maliligtas ang lahat ng tao rito....... pati na rin ikaw. Maayos at walang gulo diba.... pangako yan.

Reji: Sigurado ka ba sa sinasabi mo?

Khalis: Oo naman! Pangako ko nga diba, yan ang kasunduan natin.

Reji: May isang bagay lang akong gustong tiyakin........

Khalis: Huh?

Reji: Ang alam ko............. WALA PANG DEMONYONG TUMUPAD SA KANYANG PANGAKO! KAYA HINDI MAPASASAIYO ANG ARCANA! ILILIGTAS KO ANG MGA TAO AT TATALUNIN KITA!!!

Isang nagpupuyos na aura ang bumalot sa kanyang katawan! Isang nagbabagang determinasyon at paninindigan!

ITUTULOY.......

Destiny SevenWhere stories live. Discover now