Kabanata 30: Takot

178 1 0
                                    

Si Serge, isa sa mga Monk Slayers ay lumapit kay Jacques upang labanan ito ngunit sumingit si Jinma!

Serge: Kayong dalawa ay hindi mga monghe. Pero taglay nyo ang kapangyarihan ng Arcana. Nakakabagot naman kung mga pipitsuging monghe lang ang lalabanan ko. Mas masisiyahan ako kung kayo ang magiging--------------

Jacques: JINMA?!

Serge: AH!

Inilagan ni Serge ang mga suntok na may kasamang apoy ni Jinma!

Serge: T-T-T-Teka! Mapapaso ako!

Mabilis ang mga kamay ni Jinma at agad niyang nahugot ang kanyang punyal!

Jinma: FLAME DAGGER!

At sa bawat pagwasiwas niya ng punyal ay kasama ang kanyang nagbabagang apoy!

Serge: Wow! Super hot!

Nadadarang siya sa tindi ng init ng apoy at nadaplisan siya nito sa braso!

Serge: Woo! Woo! Woo!

Pinagpag niya ang apoy na kumapit sa kanyang braso.

Serge: Hindi na nakakatuwa yang ginagawa mo-------------

Diretso lang sa pag-atake si Jinma nang............

Jinma: HUH?

Naputol ang ilang hibla ng kanyang buhok! At nakita niya na may hawak na mga baraha ang kalaban!

Serge: Hehehe! Hindi ito mga ordinaryong baraha, kasingtalas nito ng isang espada!

Sunud-sunod ang pag-itsa niya ng mga baraha upang atakihin si Jinma!

Jinma: UHH!

Nasugatan siya ng isa sa mga baraha nito.

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

Serge: OUCH! OUCH! OUCH!

Tinamaan siya ng mga Wind Bullets ni Jacques!

Jacques: Baka nakakalimutan mong nandito pa ko, hehe!

Serge: GRRRR! Mga pasaway na bata!

Lumitaw sa kamay ni Serge ang isang deck ng baraha at ikinalat ito sa hangin........

Jacques: Wow! Lumulutang yung mga baraha!

Jinma: EH?

Serge: Pasensya na, pero kailngan ko kayong turuan ng leksyon! Eto na sila! Wohoo!

Umikot ang mga nakalutang na baraha at sabay-sabay na sumugod sa dalawang binata!

Jinma: AUGH!

Jacques: AWWW!

Kahit nakaiwas pa sila, may ilang baraha ang nagawa pa rin silang sugatan!

Serge: Ang mga batang matigas ang ulo dapat saktan para matuto!

Isa pang set ng mga baraha ang sumunod na umatake---------------

Jinma: FLAMETHROWER!

Naging abo ang lahat ng mga baraha!

Jacques: CYCLONE BAZOOKA!

KABOOM!!!  Isang POINTBLANK ATTACK!

Serge: Urghhh......... Bata, bata, ganyan ba ang turo sa 'yo ng mga magulang mo? Ang lumapastangan sa isang nakatatanda sa 'yo?

Jacques: BLEEEEHHH! Wala kang karapatang sermunan ako dahil isa ka lang halimaw!

Serge: Kung ganun, pagsisisihan mo ang kalapastanganan mo..............

Naglabas uli siya ng isang deck ng baraha at binalasa ito...........

Serge: Ngayon gusto kong makipaglaro kayo sa kanila wihihihihihihihi!

Ipinakita niya ang barahang napili niya. Sa baraha ay naroon ang imahe ng isang payaso at nakasulat sa baba ang salitang "CLONE".

KLOOOOPPPP!

Mula sa nasabing baraha, lumabas ang tatlong payaso na kamukha ni Serge!

Serge: Hindi lang yan! May regalo pa ko sa inyo!

Isang regalo ang lumitaw at binuksan niya ito.......................PLOOOOKKKK!

Mula sa loob, isang higanteng halimaw na payaso ang lumabas!

Serge: Yan ang aking mga alaga, ang aking mga IMAGE CLONES at GIANT CLOWN DOLL! SIGE, MAKIPAGLARO KAYO SA KANILA! GIHIHIHIHIHIHI!

Sumugod ang Giant Clown Doll kay Jinma! At napalibutan naman si Jacques ng tatlong Clones!

Samantala, mahigpit ang labanan sa pagitan nina Derck at Tasuba! Nagawa niyang makalayo sa halimaw pero..............

Tasuba: Kahit saan ka pa tumakbo, aabutan pa rin kita!

Derck: BOOMERANG!

Gumalaw ang tumilapon niyang boomerang at kusa itong bumalik sa kanyang kamay.

Tasuba: Kaya mo pa lang kontrolin ang iyong sandata. Pero kaya ko ring sirain yan!

Initsa ni Derck ang boomerang sa kalaban pero-----------------

Tasuba: AHH?

Gumuhit ito ng parisukat na nasa gitna si Tasuba..............

Derck: ICE SKILL: FROZEN PYRAMID!

Nabuo ang isang piramideng gawa sa yelo at nakulong doon si Tasuba!

Tasuba: GWUUUHHH!

Nag-concentrate ng ilang sandali si Derck at inipon ang kanyang Aura at----------------

Derck: SHATTERING ICE!

CRACK! CRACK! CRACK! CRACK! CRACK!

Nagkabitak-bitak hanggang sa mabasag ang piramide!

Tasuba: AUUUGHHH!

Derck: ICE SKILL: ICICLE STALAGMITE!

Mula sa mga nabasag na tipak ng yelo, nabuo ang mga stalagmite at-------------

TSAK! TSAK! TSAK! TSAK! TSAK!

Tasuba: GUWAAAAHHHH!

Derck: Heeh........heeh...........(hingal)

Puno ng hiwa at sugat ang katawan ni Tasuba pero nanatili pa rin siyang nakatayo.............

Tasuba: GRUWAAAAAAAAHHHHHHH!!!

Naramdaman ni Derck ang tindi ng shockwave mula sa sigaw ng halimaw!

Derck: TCH! Ang tibay talaga niya!

Sa puwesto nina Master Gau................

Gorak: Heh, kung sino man ang gumalit kay Tasuba, wala na siyang takas sa ngitngit niya...........

Master Gau: D-Derck...........

Kitang-kita ni Derck ang nanlilisik na mapupulang mata ni Tasuba! At nagtanim ito ng matinding takot sa kanyang isipan! Takot na ngayon pa lang niya naramdaman at naranasan!

Derck: G-Giiiihhhh...........ba't nanginginig ako?

Napalunok siya.................at napaupo habang unti-unting lumalapit sa kanya ang Monk Slayer...........

Tasuba: GWEHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!

SWINNNGGG!

ITUTULOY......................

Destiny SevenWhere stories live. Discover now