Kabanata 6: Panaginip

306 2 0
                                    

"Lufa, ikaw na ang bahala sa pagkuha ng arcana.  Kailangan na nating tapusin ang misyon dito at makabalik na sa Hinca upang simulan ang susunod na plano. Kung maari, bawasan mo na ang pakikipaglaro, hmm.... "

Lufa: Hahahaha.... talagang kabisado mo na ang ugali ko Khalis. Wag kang mag-alala, makukuha ko agad ang arcana...."

Ang Neko Kaijin na si Lufa.... na syang nagbabanta sa buhay ni Reji!

Lufa: Mukhang di na nga ko makikipaglaro pa.... Hoy lalaki! Yang tapang mo ay panandalian lang dahil nasa 'yo ang kapangyarihan ng arcana.... Kung iniisip mong kaya mo kong labanan, nagkakamali ka dahil sa oras na ito.... mas mapanganib ako kapag naging SERYOSOOOO!!!

Nabalutan ng negatibong aura ang halimaw na syang nagpagapang ng takot sa katawan ng binata!

"Wag kang matakot sa mga sinasabi nya! Mas malakas ang kapangyarihan ng arcana kaysa sa halimaw na yan! Matatalo natin sya, basta magpokus ka lang! Gawin mo kung ano ang nasa isip mo!", boses iyon ng kawangis ni Reji na umalingawngaw sa kanyang isipan.

Reji: Tama! Hindi ako susuko! Ang arcana na lang ang tanging pag-asa ko.... , bakas sa kanyang mukha ang determinasyon.

Lufa: HAAAAAAAAHHHHH!!!

Mabilis ang pagsugod ng halimaw at kitang-kita iyon ni Reji! Tila ba kusang kumilos ang katawan nya upang ilagan ang kalmot nito. Sunud-sunod ang kalmot at pagsugod ng kalaban ngunit matagumpay na naiwasan iyon ng binata.

Lufa: Imposible! Paanong naiwasan ng isang hamak na tao ang mga pagsugod ko?! Grrrr! HAAAAHHHH!!!  Balewala pa rin ang pag-atake ng Neko kaijin....

Reji: Ayos, naiilagan ko sya! Kaso paano ko sya susugurin? Pakiramdam ko pag lumapit ako ay mas lalong delikado....

Lufa: Hoy hoy! Nakakatamad ka namang kalaban.... puro iwas na lang ba ang gagawin mo? (Sa susunod kong atake, hindi ka na makakailag pa heheh....)

Inihanda ni Reji ang sarili sa muling pag-atake ng kalaban nang.....

Reji: Huh? Nawala sya?!

Naramdaman nya ang mabilis na paggalaw ng halimaw sa kanyang likuran, sa tagiliran, sa harapan hanggang sa hindi na nya masundan ang direksyon nito.

"Wag kang lumingon! Lalo kang malilito! Wag ka na ring gumalaw, manatili ka lang at pakiramdaman mo ang mga kilos nya....", wikang muli ng kawangis ni Reji sa kanyang isipan.

"Malalaman mo kung saan sya manggagaling, sa likod ba, sa gilid, sa harapan.......... SA TAAS!!!"

Nagtutugma ang mga sinasabi ng kawangis nya sa bawat galaw ng kanyang pisikal na katawan, kaya naman naiwasan nya ang mapanganib na atake ng halimaw at.....

Lufa: GRAAAAAHHHH!!!....................URGHHH!!! 

BLAAAAGGGG!!!

Tumilapon si Lufa nang tamaan sya ng makapangyarihang suntok mula kay Reji! Nang iwasan nya ang pagsugod nito mula sa itaas, agad din syang sumugod para sa isang counter attack!

Reji: Nagawa ko! Kailangan ko na lang dagdagan ang puwersa para sa susunod na tamaan ko sya, tapos na ang laban....

Lufa: Aaarghhh..... kung ganun, kaya na nyang gamitin ang kapangyarihan ng arcana.... hindi dapat mangyari 'to...... GRAAAAAAAHHHHHH!!!

Sinugod muli ni Lufa si Reji at nagpalitan sila ng atake! Iniwasan ni Reji ang mga kalmot at ulos ng halimaw at iniwasan din ni Lufa ang mga suntok ng binata hanggang sa magsabay sila at.......

KRRRAAAAKKKK!!!

Bali ang mga kuko ni Lufa dahil sa mas matinding puwersa mula sa mga kamao ni Reji!

Lufa: Ang mga kuko koooo! Hindeee!!!  HUH?!

"Ipunin mo ang puwersa ng Fury sa iyong kamao at gamitin ang.........", wikang muli ng kawangis ni Reji sa kanyang pag-iisip.

Hindi na pinalagpas pa ng binata ang pagkakataon para talunin ang Neko kaijin.....

Reji: FURY BLOW! HAI YAAAAAHHHH!!!

WAAAAAAAAAHHHHHHH!!!

Isang bola ng puwersa mula sa kapangyarihan ng arcana, ang Fury sagitan ng kamao ni Reji ang tumama sa katawan ng halimaw. Parang kandilang naupos ito hanggang sa maglaho.

Reji: Hah......... sa wakas, natalo ko rin sya...., aniya na naghahabol ng hininga.

Pinuntahan nya ang katawan ng dalagang biktima.

Reji: Pasensya ka na Miss Jena at nadamay ka pa....., sabi nya kahit walang malay ang kanyang kausap.

Samantala, sa Budistang templo....

Monghe: Master Rugai, patuloy pa rin ang kaso ng biglaang pagkawala ng mga tao at siguradong may kinalaman dito ang mga MARA......

Master Rugai: Ah, inaasahan na natin yan.... ang kailangan ay sapat na impormasyon kung paano sila kumikilos.

Monghe: Nakasagap kami ng negatibong enerhiya sa loob at labas ng isang gusali..... sa G.L.C. Tower Building.....

Master Rugai: Ha? G.L.C. Tower?

Kinagabihan, malalim ang mga iniisip ni Reji tungkol sa mga kababalaghan na nangyari sa kanya. Hanggang sa sya'y makatulog....... at sa kanyang panaginip, nakitang nyang muli ang mismong sarili nya.

Tiningnan nya ang paligid. May mga gusali subalit wasak-wasak ang mga ito. May iilang puno ngunit walang mga dahon. At dahil nasa tuktok sya ng isang sirang gusali, tanaw nya ang kadiliman ng gabi na walang mga bituin.

Another Reji: Yo! Heheh! Kumusta na! Ang galing natin diba, natalo natin yung buwisit na halimaw!

Reji: Bakit? Bakit nakikita ko ang sarili ko? Pakiramdam ko ay ibang tao ka....

Another Reji: Ano ka ba naman! Iisa lang tayong dalawa..... ikaw ay ako at ako ay ikaw! Sabihin na nating ako ang 'yong konsiyensya.

Tahimik lang si Reji at patuloy na nagtataka....

Another Reji: Syanga pala, ito ang kabilang mundo natin....

Reji: Mundo natin?

Another Reji: Oo, wag mong sabihing nakalimutan mo na, ito ang Dark.... and Dark World....

Reji: Ha???, kunot noong reaksyon nya.

Another Reji: Ito ang mundong binuo natin, at magagawa natin ang lahat ng bagay na gusto natin lalo na ngayong nasa kamay natin ang arcana....

Reji: Ang mundong ito ay isang panaginip lang....... sige aalis na ko.

Another Reji: Siguro nga para 'yo panaginip ito. Hindi mo pa kasi naiintindihan eh, teka sandali!

Reji: Ha bakit?

Another Reji: Tandaan mo, darating ang takdang pagkakataon na magiging ganap ang pag-iisa natin.

Reji: Eh diba iisa lang naman talaga tayo, ikaw na ang nagsabi....... sige na....

Habang papawala ang anyo ng kawaksi.....

Another Reji: Dito lang ako sa mundong ito Reji...... at hihintayin ang tamang pagkakataon na ako na ang papalit sa 'yo, heh........., kasabay nun ay isang makahulugang ngiti.

Sa paglipas ng dalawang araw, kahit may mga sugat pa at masakit ang katawan, kailangan na ni Reji na magtungo sa orientation ng kanyang bagong papasukang trabaho.

Reji: Saan nga bang building yun?......Ah ito, binasa nya ang nakasulat sa papel.....

G.L. C. Tower

ITUTULOY..........

Destiny SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon