Kabanata 5: FURY

342 5 0
                                    

Sa templo, matiyagang naghintay si Master Rugai kay Reji. Hindi sya nakatiis ay sinadya nya ang binata para kausapin ngunit.....

Reji: " Pasensya na Master.... buo na ang pasya ko, gusto ko ng normal na buhay.... "

Sa kabila nito, gusto pa ring maniwala ng monghe na may iba pang paraan para makumbinse nya ang binata.

Samantala....

Reji: " Yosh! May kliyente! Time for a part time job! "

Agad gumayak si Reji para makipagkita sa kanyang kliyente pero nasorpresa sya....

Reji: "Wha?! Miss ikaw si Jena? ", namukhaan nya ang babae, yung nakabangga nya nung isang araw.

Ms. Jena: " Ako nga. I-ikaw yung nakabangga sa 'kin. Ikaw si Reji....", aniya na may kasamang ngiti.

Reji: "Ahehehe, sori nga pala uli. Ah, nice to meet you! ", nakipagkamay sya sa magandang babae.

WOOOOOOOOOWWWWW! HEAVEEEEEEENNNNNNNN!

Ms. Jena: " May nagrekomenda kasi sa akin na marunong ka raw mag-ayos ng computer. May problema kasi ang laptop ko eh. "

Reji: " Ah walang problema, akong bahala dyan. Lahat ng service na gusto mo, package deal! "

Ms. Jena: " Haha okay. Tara, nasa bahay yung laptop. "

Talagang masuwerte ang araw na iyon para kay Reji. Kumbaga sa isang mangagaso, two birds in a one shot! Yahoo!

Habang patungo sila sa bahay ng dalaga, napansin nya na kanina pa sila naglalakad at madalang ang tao sa daan. Nang umiral nang di sinasadya ang kanyang kutob....

Ms. Jena: " Syanga pala Reji, bago mo ayusin ang laptop ko, meron muna akong ipagagawa sa 'yo....", aniyang nakatalikod.

Reji: "A-ah okay. Ano yun? "

Ms. Jena: " IBIGAY MO SA 'KIN ANG KRISTAL! NGAYON DIN! ", sabay harap sa binata, nakakatakot ang boses at nanlilisik ang mga pulang mata!

Reji: " A-anong ibig sabihin nito? Anong kristal ang sinasabi mo? "

Ang kaninang imahe ng magandang babae ay nagbago....... at naging isang halimaw! Ang kanyang hitsura ay tulad ng isang mabangis na pusa at may matatalas na kuko! Ito ay isang Neko Kaijiin o Cat Monster.

Agad nitong sinakal ang binata! "Gagawin mo ba ang pakiusap ko o gusto mo munang pahirapan kita Mr. Pogi? "

Reji: " I-sa k-ka p-palang h-halimaw....", hirap sa pagsasalita ang binata dahil sa sakal sa kanya. " H-hindi ko a-alam a-ang mga s-sinasabi m-mo....."

Neko Kaijin: " Wag ka ng magmaang-maangan. Walang magagawa ang pagsisinungaling mo. Nararamdaman ko ang kapangyarihan ng kristal dyan sa palad mo. Hmm, mukhang balewala ang mga salita sa'yo. Wahahahaha! "

Pinagkakalmot ng halimaw ang binata. Binugbog. Napahandusay na duguan sa semento. Dinampot ng halimaw ang kanyang ulo at ibinalibag! Humampas ang katawan nya sa pader!

Reji: "Uuuurrrrgggghhhhh....."

Neko Kaijin: " Ayan kasi, hindi ka nakinig sa 'kin. Kawawa ka naman, ni hindi mo man lang mgamit ang kapangyarihan ng kristal.... Oras na para tapusin ang misyon. "

Sa mga sandaling iyon, namulat si Reji sa loob ng kamalayan ng kanyang pagkatao. Puro salamin ang kanyang paligid. At sa kanyang likuran....... " YO! "

Natulala ang binata nang makita ang mismong sarili nya! " A-ano na bang nangyayari......? "

Another Reji: " Simple lang, ako ay ikaw. Ikaw ay ako. Ako ang isang bahagi ng 'yong pagkatao. Yung mga bagay na di mo kayang gawin, ako ang gumagawa. Yung mga salita na di mo kayang sabihin, ako ang nagsasabi. Ako ang kabaligtaran mo kaya magkaiba tayo ng pag-uugali. ", bakas sa postura nito ang matinding lakas ng loob at kayabangan.

" Masuwerte tayo dahil di pa tayo nakatakdang mamatay pero..... ito na ang huling pagkakataon natin. Nasa atin ang kapangyarihan ng kristal. Ang kailangan lang ay magtulungan tayo para mabasag ang salamin na yun... ", sabay turo sa salamin sa kanilang harapan.

Tahimik lang si Reji..... malalim ang iniisip, nagugulumihanan....

Another Reji: " Hoy! Tumayo ka dyan! Wala na tayong oras! "

Reji: " W-wala na 'kong magagawa.....", matamlay nyang wika.

Another Reji: " Sinabi ko na ang gagawin natin! Ano ka ba? Wag mong sabihing naduduwag ka?! Heh, hindi ako magpapatalo sa mga halimaw na yun! "

Nanatili pa ring nakayuko at tahimik ang binata.

Another Reji: " HOY! ", hinawakan nya nang marahas ang damit nito. " Hindi ko mababasag ang salamin na mag-isa lang ako! Gusto mo na ba talagang mamatay? HAH?! "

PAK!

Bumulagta si Reji dahil sa malakas na sapak ng kawangis nya!

Another Reji: " RAAAAAAAHHHHHHH!!! ", dahil sa inis, pinagsusuntok nito ang salamin pero hindi man lang ito nagkakalamat.

"REJI.....", narinig nya ang boses na yun at pamilyar sa kanya.....yun ang boses na narinig nya nung unang engkwentro nya sa masamang espiritu! Nagliwanag din ang kanilang kanang palad!

"AKO ANG KAGUSTUHAN [ Will ], ANG IYONG HANGARIN...... NAG-AALALA KA NA PINATAY NG HALIMAW NA YUN ANG BABAE PERO NAGKAKAMALI KA...... BUHAY ANG BABAE AT GINAYA LAMANG ANG KANYANG ANYONG TAO, NGUNIT NASA PANGANIB PA RIN SYA....... KUNG NAIS MO SYANG MAILIGTAS, TALUNIN MO ANG HALIMAW GAMIT ANG KAPANGYARIHAN NG FURY......", hanggang sa maglaho ang kakaibang boses.

Nabuhayan ng loob si Reji. Tumindig sya. Kinuyom ang palad.

Another Reji: " Ayos ka rin, tsiks lang pala ang magpapabago sa 'yo.....", kasabay nun ang isang ngiti.

Nasa harapan na sila ng salamin. Kitang-kita sa mga mata ni Reji ang nagniningas na apoy ng pag-asa at kumpyansa! At sabay nilang nasabi: " Ito ang kapangyarihan ng FURY!!! "

PLAAAAAAAAANNNNNNNGGGGGGGG!!!

Neko Kaijin: " Oras na para tapusin ang misyon.... ", akmang tutusukin na nya ang puso ng binata nang.......

Reji: " Tama na......", sabay hawak sa braso ng halimaw.

Nagulat ito at mabilis na lumayo. Nagtayuan ang mga balahibo nito dahil nakaramdam ng panganib......isang matinding aura mula sa binata!

Tumayo si Reji at nababalutan na ang kanyang katawan ng pambihirang aura! At sa pagkakataong iyon, nararamdaman nyang kontrolado na nya ang kapangyarihan ng kristal.

Neko Kaijin: " Tch! Paano nangyari 'to?! "

Bakas sa mukha ng binata ang galit....... galit dahil sa paglinlang nito sa kanya...... "Hindi kita mapapatawad...... humanda ka sa 'king FURY!!! "

ITUTULOY......

Destiny SevenWo Geschichten leben. Entdecke jetzt