Kabanata 33: ALAS

187 1 0
                                    

Clown Doppelganger..........ang kawangis na kasinglakas ni Serge, isang Monk Slayer. May pag-asa bang manalo sina Jacques at Jinma?

KABOOOOMMMM! KABOOOOMMMM!

Jinma: Tinamaan ba niya?

Bumalot ang makapal na usok sa lakas ng pagsabog at-----------------

Serge: HEHAHAHAHAHAH!!!

Jinma: HAH?!

Jacques: Heeeh........heeeehhh (hingal)............

Gumawa ng isang pambihirang kalasag ang Doppelganger. Mabilis namang kumilos si Serge palapit kay Jacques.

Serge: AHH! Tama na ang laro! Gaano man kahaba ang lubid ay may hangganan din!

Kumuha siya ng isang deck ng baraha sa kanyang bulsa. Ikinalat niya sa ere ang mga baraha at pinagalaw patungo kay Jacques upang palibutan ito.

Serge: Yan ang aking Deck of Bombs. Kanina ay ginamit ko ang Deck of Blades. Mas malakas yan dahil sa isang kumpas ko lang ay sasabog na ang mga barahang yan. Oo nga pala, may pagkasadista nga pala ako. HEHAHAHAHA!

Jacques: Wala akong pakialam kung bomba man yang mga baraha mo. Hindi pa ko tapos, meron pa kong huling baraha..........ang aking ALAS!

Serge: Dapat ay inilaan mo na lang sa pamamaalam ang 'yong mga huling salita.  Kung yan ang gusto mong sabihin, wala na kong magagawa. BABAY...........

At sa kanyang pagpitik.........................TIK!

BOOM! BOOM! BOOM! BOOM! BOOM! BOOM!

Jacques: AAAAAAAAGHHHHHHH!!!

Jinma: JAAAAAACQUES!!!

Serge: Ganyan! Ganyan nga! Ang sarap pakinggan ng isang humihiyaw sa sakit!

Labis na sugatan si Jacques ngunit nananatili pa rin siyang nakatayo! Sinugod ni Jinma si Serge pero mabilis siyang napigilan ng Doppelganger.

Jinma: TCH! UMALIS KA SA HARAPAN KOOOO!

Tinipon niya ang kanyang Aura at nabuo sa kanyang kamay ang isang malaking bolang apoy!

Jinma: HAAAAHHHH! BLAZING METEOR!!!

Pinuntirya niya ang Doppelganger pero agad itong nakaiwas pero................

Serge: WAH?! Ano yan! Isang malaking bulalakaw?!

Agad na gumawa ng harang ang Doppelganger at mabilis na lumayo si Serge!

KABOOOOOM!!!

Matapos ang pagsabog, nalapnos ang katawan ng Doppelganger. Nanlilisik ang mga mata nito na tinitigan si Jinma at kasing bilis ng kidlat na umatake!

Jinma: UHHH?!

Serge: Ganyan katiba at kalakas ang aking alaga! WAHAHAHAHA------------------------

"SPECIAL HOMING GALE MISSILE!!!"

Anim na missile ang lumilipad patungo kay Serge!

Serge: GRR! ABA'Y LINTEK!

Kumilos agad ang Doppelganger upang harangan ang pag-atake!

Jinma: J-Jacques?!

KABOOOOM! KABOOOOM! KABOOOOM!

Sinalag ng Doppelganger ang anim na missile! Subalit dahil sa natamo niyang pinsala kanina, hindi na niya nakayanan ang pag-atakeng ito!

Serge: Ang Knight in Shining Armor kooooohhhh!

Mula sa usok, humahagibis na lumusot ang isang malaking rocket missile!

Serge: AAAAAAGHHHHH!!!

Tinamaan siya nito at tila binabarena ang kanyang katawan!

Jacques: ..................y-yan ang aking huling alas..........W-Windshape technique..........Typhoon Drill Rocket...........heheheeee............

At tumiklop na ang kanyang mga mata.

KABROOOOOOMMMM!!!

Serge: H-Hindeeeehhh.........hindi ako magpapatalo sa isang bata lang.......

Jinma: Nagkalasug-lasog na ang katawan mo pero nakakatayo ka pa rin........

Serge: Hindi pa tapos ang laban.........may baraha pa ko para pagalingin ang-------------

Jinma: JUDGMENT FLAME SLASH!

Tuluyang nahati at tinupok ng apoy ang katawan niya!

Kasalukuyan namang nakikipagtuos kay Jagu sina Kairi at Reji.................

Kairi: Hindi ko siya mahiwa! Matibay ang balat niya!

Pero ipinagpatuloy pa rin niya ang pag-atake gamit ang kanyang katana. Dahil mabagal kumilos si Jagu, ginamit niya ang kanyang bilis at nagawa niyang sugatan ang ilong nito!

Jagu: EEEEGHHHH!

Kairi: Ngayon na Reji!

Reji: AAAAAHHHHH!

Tinipon niya ang matinding puwersa sa kanyang kamao!

Reji: FURY BLOOOOOW!!!

Nasapul niya ang halimaw sa panga at tumilapon ito!

Jagu: UUUUGHHHH!

Lumipas ang ilang segundo na hindi tumatayo si Jagu. Tapos na agad ang laban?

ITUTULOY....................

Destiny SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon