Kabanata 43: Mensahe

150 2 6
                                    

Grang Heng Temple.........

Dapit-hapon..........

Pagal ang lahat matapos ang matinding labanan..........

Sa pagbalot ng gabi, isang malaking bonfire ang kanilang ginawa sa quadrangle upang magsilbing tanglaw at magbigay init sa mga hapo nilang kaluluwa.

Pinagmamasdan ni Master Rugai ang kabuuan ng templo.

Master Rugai: Masyadong malaki ang naging pinsala.......

Master Bart: Dapat pa rin tayong magpasalamat dahil hindi nadamay ang sentrong templo.......

Sa sentrong templo kung saan naroroon ang higanteng estatwa ni Buddha, papasok sa loob si Master Gau........

Master Fao: Master! Gusto ko sana kayong makausap.

Master Gau: Bakit? Ano yun?

Master Fao: Alam kong huli na para ibalita pa sa inyo. Ilang araw bago ang naganap na pagsalakay kanina, unang sinalakay ang Grand Temple sa Chengdu. Karamihan sa mga monghe natin ay nakaligtas pero..........

Master Gau: Eh?

Malungkot na iniabot ni Fao ang isang sulat.

Master Fao: ...............yan po ang huling mensahe ni Master Sheng.........

Binuklat ni Master Gau ang sulat at binasa ang nilalaman:

Master Gau,

Ikaw na ang bahala sa lahat. Gagawin ko ang aking tungkulin bilang isang monghe, tagapayo, guro, kaibigan at higit sa lahat, bilang isang magulang ng ating mga disipulo. Hindi ko hahayaang masayang ang kanilang buhay. Ibubuhos ko ang lahat ng aking makakaya upang pigilan ang mga Mara. Gabayan mo ang lahat ng ating mga disipulo upang malampasan nila ang mga pagsubok. Kapag nabasa mo na ang mensahe kong ito ay tiyak na kasama ko na ang mga Devas.  Pero masaya ako, masaya akong lumalaban hanggang sa aking huling hininga. Huwag ka munang sumunod sa akin! Ipangako mo na tatalunin nyo ang mga Mara!

Hanggang sa muli nating pagkikita,

Master Sheng

KABOOOOOMMMM! KABOOOOOMMMM!

Ryeo: MASTER SHEEEEEEENNNGGG!

Sae: Ano ka ba Ryeo! Umalis na tayo!

Ryeo: Hindi ako aalis! Lalaban ako kasama si Master Sheng!

Sae: Si Master Sheng na ang nagsabing tumakas na tayo!

Ryeo: Hindi ako tatakas! Hindi ako duwag katulad nyo!

Sae: Hindi mo ba naiintindihan ang gustong mangyari ni Master Sheng? Mag-aaral ka niya diba? Ayaw niyang mamatay ka nang maaga!

Ryeo: AAAHHH! Basta lalaba------------------

PAAAAK!

Ryeo: Uuugh!

Namilipit siya sa matinding sakit sa sikmura!

Sae: Hindi ko kukunsintihin ang katigasan ng ulo mo Ryeo. Hindi dapat masayang ang pagsasakripisyo ni Master Sheng.

GYAAAAAAAAHHHHHHHH!!!

Napalilibutan ng mahigit 300 Mara si Master Sheng!

Bengjo: Masyado kang matapang para ibuwis mo ang iyong buhay para sa mga walang kuwenta mong disipulo!

Master Sheng: Kung ganun, patutunayan ko sa 'yo kung bakit...........

Isang pambihirang sinag ng Aura!

Bengjo: EH?!

Master Sheng: Ganap na Kaliwanagan...............ARAHANT!

Habang tumatakas sina Sae at Ryeo.........

Sae: Ginamit na niya ang Arahant Mode!

Nasaksihan ng mga Mara ang isang nagniningning na liwanag!

Bengjo: Tapusin nyo na ang matandang yan!

Mga Mara: HIYAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!!

Master Sheng: Holy Sword Cendar!

Sa loob ng ilang minutong sagupaan, natalo ni Master Sheng ang mahigit 200 halimaw!

Bengjo: Imposible! Yan ba ang tinatawag na Enlightenment ng mga monghe?

Sumenyas ang kaliwang kamay ni Master Sheng na tipong pinalalapit ang kalaban.

Bengjo: Hehehehe! Hinahamon mo ako eh...........SIGE PAGBIBIGYAN KITA!

Inilabas niya ang kanyang nagliliyab na espada!

TSAAAAAANNNGGG!

Bengjo: HAAAAAA---------------

TSAAAAAKKK!

Bengjo: TCH! B-Bigla siyang nawala-uuuhhh..............

Tumilapon siya! At umaagos ang dugo sa kanyang tagiliran!

Bengjo: Aeegh! Ang lakas niya! Daplis lang ang tumama pero malalim na ang sugat ko! Kung hindi ako naging alisto, tiyak na napuruhan nya ako!

BOOOM! BOOOM! BOOOM!

Master Sheng: Sinong---------------

Isang aninong nababalutan ng apoy ang biglang lumitaw at...........

"ISA KANG NAPAKALAKAS NA MONGHE. NATALO MO ANG KARAMIHAN SA AKING MGA ALAGAD. ANG IYONG ENGLIGHTENMENT AY WALANG KUPAS AT MAKAPANGYARIHAN. TUNAY NGANG ISA KANG ALAGAD NG BUDDHA."

Master Sheng: I-Ikaw! Nararamdaman ko ang napakalakas na negatibong enerhiya mula sa 'yo! ISA KANG DIYABLO!

"TAMA KA. MAPALAD KA DAHIL NAKITA MO PA ANG AKING ANYO HABANG NAKATAPAK ANG MGA PAA MO DITO SA MORTAL NA MUNDO. ZORKEYL, GAWIN MO NA ANG NARARAPAT SA KANYA."

Zorkeyl: GUREEEEEEHHHHHHH!

Bengjo: S-Si Zorkeyl! Ang walang awang halimaw! Tapos na ka talaga tanda! Hindi mo siya kayang pigilan!

Sumugod na ang halimaw na si Zorkeyl!

Master Sheng: Kailanman ay hindi magpapatalo ang liwanag sa kadiliman! SHINING ROAR OF HEAVENS!

Isang umaatikabong bakbakan ang naganap ngunit sa bandang huli................

Zorkeyl: GURRRAAAAAAAAAAHHHHHHH!

Hawak ng mga kamay ng halimaw ang puso ni Master Sheng at saka ito kinain.............

ITUTULOY...................

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destiny SevenWhere stories live. Discover now