Kabanata 38: Nether Hole

141 1 0
                                    

Natalo nina Van at Chai Ban ang zombie ng mga mandirigmang sina Genghis Khan at Heneral Yue Fei na muling binuhay ni Zedon........

Zedon: HEHAHAHAHAHA!!!

Chai Ban: Tayo na Karura! Garuda!

Zedon: Sige.......subukan nyong sirain ang aking harang habang ginagawa ko ang aking espesyal na seremonya.........

Nagsimulang umusal ng kakaibang lengguwahe si Zedon. Itinaas niya ang kanyang black staff at ilang sandali pa'y lumitaw ang isang black magic circle na nakapalibot sa kanya.

Garuda: GYAAAHHH!

Muling nagbuga ng mga bolang apoy si Garuda ngunit ang lahat ng iyon ay tumama lamang sa barrier na ginawa ni Zedon.

Garuda: IMPOSIBLE!

Chai Ban: Anong?

BLAAAANNNNGGGG!

Binangga ni Garuda ang harang kasunod ang malalakas na suntok! Ginamit din niya ang puwersa ng kanyang apoy pero.............

Garuda: TCH! ANG HARANG NA ITO AY GAWA SA MAHIKANG NAGMULA SA UNDERWORLD. KAILANGANG PAGSAMAHIN NATIN ANG ATING KAPANGYARIHAN KARURA.

Karura: Kung iyon na lang ang natatanging paraan........kaya mo bang gawin Chai Ban?

Nang biglang dumilim ang kalangitan at kumulog habang patuloy sa kanyang seremonya si Zedon. At sa pagtatapos ng kanyang ritwal..........

Zedon: Buksan ang lagusan patungo sa landas ng Netherworld! Bumukas ka NETHER HOLE!

Isang maliit na butas ang lumitaw sa ere at unti-unti itong lumalaki.

Garuda: HINDI MAAARI ITO!

Karura: Yan ang lagusan patungo sa mundo ng mga Mara! Ang may kakayahan lang na gumawa nito ay ang mga eksperto sa mahika negra!

Garuda: KAILANGAN NATING SIYANG TAPUSIN! KUNG HINDI, LAHAT TAYO AY HIHIGUPIN PATUNGO SA KABILANG MUNDO AT HINDI NA KAILANMAN MAKALALABAS PA!

Chai Ban: Kung ganun, iyon na lang talaga ang natitirang paraan?

Garuda: BAKIT? HINDI MO KAYANG GAWIN ANG SUTRA?

Chai Ban: Kaya ko! Gagawin ko!

Karura: Bilisan mo bago pa tuluyang lumaki ang lagusan!

Agad na inusal ni Chai Ban ang isang sagradong sutra.

Zedon: WAHAHAHAHA! Wala na kayong magagawa! Hindi nyo mapipigilan ang Nether Hole!

Chai Ban: HAAAAAHHHHH!

Napalibutan ang monghe ng isang pambihirang liwanag ng Aura! Itinaas niya ang kanyang staff at doon ay sumanib ang espiritu nina Karura at Garuda!

Chai Ban: DIVINE SPIRIT SPEAR!

Ang kanyang staff naging isang makapangyarihang sibat na may pakpak nina Karura at Garuda! Ang talim nito ay nababalutan ng ningas ng apoy!

Chai Ban: YAAAAHHHH!

Umabot na sa katamtamang laki ang butas ng lagusan at nagsimula na itong humigop ng mga bato, dahon, alikabok at iba pa!

BLANG! BLANG! BLANG!

Sunud-sunod na pag-ulos ng makapangyarihang sibat ang ginawa ng monghe upang sirain ang harang. Tinipon niya ang isang matinding enerhiya at nabuo ang isang higanteng ibon na mula sa alab ng apoy!

Chai Ban: SACRED HOWL OF THE FIREBIRD!

KUWEEEEEHHHHH!!!

Sumugod ang higanteng apoy na ibon sa barrier!

KABROOOOOOMMMMMM!

Zedon: EEEGH!

Matapos ang pagsabog, biglang napaluhod si Chai Ban!

Garuda: HUH?!

Chai Ban: N-Nauubusan na ko ng lakas.........

Zedon: HEHAHAHAHA! Sandali na lang at hihigupin na kayo sa inyong kasawian!

Buo at matatag pa rin ang barrier, pinagmamasdan iyon ni Chai Ban at kitang-kita niya ang isang lamat!

Chai Ban: AHH!

"THUNDER BLADES!"

Tatlong patalim na gawa sa kidlat ang tumusok sa barrier!

Chai Ban: VAN!

Zedon: Sinasayang mo lang ang oras mo bata!

Sumugod si Van at tumalon habang ang kanyang espada ay nababalutan ng puwersa ng kuryente!

Van: HAAAHHH! THUNDER MAGNUM FLASH!

Mula sa langit, gumuhit ang isang nakasisilaw na talim ng kidlat!

KRRRAAAAAAAKKKKKK!

Zedon: GRRR! Nawasak niya ang harang!

Kasabay nito ang paglaki ng butas na kasingsukat ng isang malaking trak! At nahihigop na nito si Van!

Van: AAAEEEHHH!

Mabilis niyang itinarak ang kanyang espada sa lupa para kumapit!

Zedon: WAHAHAHAHA! Ganyan nga! Ito na ang inyong katapusan! HEHAHAHAHA!

Garuda: IHAGIS MO ANG SIBAT PAPUNTA SA KANYA!

Chai Ban: Okay! ETO NAAAAA!

Tinarget ng monghe si Zedon nang ibato niya ang sibat! Nabalutan ng apoy ang sibat pati na rin ang pakpak nito!

Garuda: KAILANMAN AY HINDI KO NINAIS NA MAGTUNGO SA MUNDO NG MGA MARA! TAYO NA KARURA!

Karura: YAAAAHHHH!

Tinira ni Zedon ang sibat gamit ang kanyang black magic power pero.............

Zedon: EEEH?!

TSAAAAK!

Tumusok at tumagos ang makapangyarihang sibat sa katawan ng Monk Slayer!

Garuda: IKAW ANG NARARAPAT NA BUMALIK SA KABILANG BUHAY!

Zedon: GUWAAAAAAAHHHHHH!!!

Chai Ban: Y-Yan........yan ang DIVINE INCINERATION!

At walang natira ni isa mang hibla kay Zedon! Naglaho na rin ang Nether Hole!

Chai Ban: Haaay sa wakas..........natalo din siya..........

Van: Hindi pa tapos ang laban..........marami pang Marang lumalaban.........

"GHEHAHAHAHAHAH!!!"

Van & Chai Ban: HEH?!

"NASUNOG NYO LAMANG ANG AKING KATAWAN PERO HINDI ANG AKING KALULUWA! KAYA BUHAY NA BUHAY PA RIN AKO! GWEHAHAHAHAHAH!"

ITUTULOY..................

Destiny SevenWhere stories live. Discover now