Kabanata 10: Desisyon

210 2 0
                                    

Tapos na ang krisis sa G.L.C. Building......

Rugai: Reji, ang talagang misyon ko ay hanapin ang arcana, pero hindi naman kita pwedeng pilitin kung ayaw mo talagang sumama.... sya nga pala, pagkatapos ng bukas ay babalik na ko ng Hinca.  Alas-diyes ng umaga. Kung magbabago pa ang isip mo, pumunta ka lang sa templo.... sige....

Reji: Ah, t-teka..........

Naglaho na sa kanyang paningin ang monghe.

Kinabukasan, aligaga ang binata.

Reji: Waah! Ano bang gagawin ko? Makalabas nga muna.....

Naglakad sya sa mga kalye. Naglalakad na maraming iniisip.

Ale: Ano ba?! Tingnan mo nga yang dinanaanan mo!

Reji: P-pasensya na po.... sori po.....

Patuloy pa rin sya sa paglalakad kahit di nya alam kung saan patutungo. At sa paglalakad na iyon ay parang naghahanap sya ng kasagutan.

Papa: Tay, aalis na ko. Kayo na po ang bahala sa mga anak ko.

Lolo: Oo, akong bahala. Wag kang mag-alala. Ingatan mo ang sarili mo.

Apong babae: Papa, wag ka ng umalis..... wag mo kaming iwanan....

Papa: Hindi ko naman kayo iiwanan eh, magtatrabaho lang ako sa ibang bansa.

Lolo: Iha, wag kang malungkot. Babalik din ang papa mo at may dalang mga pasalubong.

Apong babae: Hihintayin kita papa. Wag mong kalimutan yung mga pasalubong mo ha.

Papa: Oo hindi ko kalilimutan. Sige tay, tuloy na ko.

Habang papalayo ang anak ng matanda.....

Lolo: Iha, darating din ang araw na maiintindihan mo.... minsan kailangan nating lumayo at maglakbay upang hanapin ang ating kapalaran. Kailangan nating makipagsapalaran upang maintindihan ang kahulugan ng buhay.

Apong babae: Ano bang sinasabi mo lolo? Di kita maintindihan eh....

Lolo: Ah hahaha! Sabi ko nga, di mo pa maiintindihan ang mga sinabi ko. Tena umuwi na tayo.

Ito ang mga eksenang nasaksihan ni Reji. At kinagabihan......

Reji: Pansamantagal, ititigil ko muna ang komiks ko..... pero darating ang araw na matatapos kitang gawin.....

At sa paglalim ng gabi........

Reji: Waaah! Hindi ako makatulog? Baket?!

Tiningnan nya ang orasan..... pasado alas-dos na ng madaling-araw!

Nagkukumahog syang naligo at nagbihis..... upang magtungo sa templo!

Reji: Wah! Tanghali na ko! Baka hindi ko sya maabutan!

Sa templo.....

Reji: Master Rugai! Master Rugai!

Katiwalang monghe: Magandang umaga po. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?

Reji: Nasan po si Master Rugai?

Katiwalang monghe: Ah si Master Rugai. Maaga syang umalis kanina.

Reji: Wah! Hindeee! Ano po bang sasakyan nya, barko o eroplano?

Katiwalang monghe: Barko. Doon sa Pier 77.

Reji: Ah ganun po ba! Sige po salamat!

PIER 77

Sa dagat, sa kalayuan, nakita nya ang isang barkong nakaalis na.....

Reji: Ouch! Nahuli ako!

Naibato nya ang dala nyang maliit na backpack. Umupo sya sa semento at sumandal sa isang trailer.

At isang malalim na buntong-hininga....... ilang minutong katahimikan.......

"Oy! Ba't malungkot ka? Nandito pa ko! Hindi pa ko umaalis!"

Sa taas ng trailer.......

Reji: M-master! Master Rugai!

Tumalon ito pababa.....

Rugai: Kanina pa ko sa taas, nagninilay..... at hinihintay din kita. Akala ko nga hindi ka na darating eh.....

Reji: Eh? Alam mong pupunta talaga ako?

Rugai: Syempre. Kitang-kita ko sa mga mata nung nasa G.L.C. Building tayo..... nung matalo mo yung Mara.....

Reji: Ang galing mo naman heheh....

Rugai: Pagdating natin sa Hinca, sa Grand Heng Temple, doon mo malalaman ang lahat tungkol sa Kongregasyon ng mga Monghe. At ang aming pinuno, si Master Gau Jing Wu. Mukhang paparating na ang sasakyan natin.....

Reji: Oh....oo nga....s-sandali..... eh lumang barko yan ah....dyan tayo sasakay?

Rugai:  Oo naman. Kilala ko ang kapitan nyan. At habang naglalayag tayo, sasanayin na kita. Tuturuan kita ng meditation.

Reji: Teka master..... baka naman lumubog yan! Hindi ako marunong lumangoy!

Rugai: Eh di tuturuan kita....

Bakas sa mukha ni Reji ang kasiyahan. Ito ang unang pagkakataon na maglalakbay sya sa malayong lugar. Dala ang kanyang backpack, asul na jacket at ang kanyang rider gloves, pinaghandaan nya ang lahat kahit napuyat sya. Handa na syang harapin ang kakaibang kapalarang ibinigay sa kanya.

Ito ang kanyang desisyon.

ITUTULOY..........

Destiny SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon