Kabanata 26: Kalamangan

167 1 0
                                    

Isang hindi inaasahang pagsalakay ng mga Mara sa Grand Heng Temple!

Nagtungo ang Punong Monghe sa quadrangle upang pangunahan ang laban!

Monghe: Master Gau!

Master Gau: Gawin nyo kung ano ang nararapat. Ayon sa ulat ni Fei:

"Sa kabuuang bilang ng ating mga monghe, tig-100 monghe ang nakatalaga sa dalawang karatig templo natin sa katimugan. May 50 din ang ipinadala sa templo sa Hangsai at gayundin ang bilang na naroroon sa templo sa Chudeng. Kaya ang natitira nating puwersa ay nasa 200 na lamang. Kahit magpadala tayo ng mensahe sa mga karatig templo natin sa hilaga at kanluran, aabutin ng oras bago dumating ang karagdagang tulong."

Master Gau: .............samakatuwid, hihintayin nating dumating ang tulong habang IPINAGTATANGGOL ANG ATING TEMPLO! NAIINTINDIHAN NYO BA?

Mga monghe: HOOOOOOOOHHHHHHH!!!

Chai Ban: Okay! Pumunta na kayo sa inyong mga posisyon!

Kairi: Pasensya na, ngayon lang ako dumating. Nasa alanganin tayong sitwasyon. Pero nakahanda akong lumaban.

Jacques: Uy dumating na si Kairi! At si Jinma!

Jinma: Tsk! Kung kelan abala ako sa ginagawa ko, saka naman sila dumating.......

Van: Huh...........REJI!

Reji: (hingal) Heeeh...............ang dami nila! Papunta na sila rito. At pinapalibutan na rin nila ang buong templo!

Master Gau: Ihanda nyo na ang mga sarili nyo. Magiging matindi ang magaganap na labanan. Ito ang tamang pagkakataon upang patunayan nyo ang kapangyarihan ng mga Arcana.

Derck: Gusto ko yan! Tayo ang mga FRONTLINERS!

Hugo: LET'S GET IN ON!!!

Samantala, sa panig ng mga Mara...........

Gorak: Hmm......talagang nakahanda silang lumaban.........

Nakapuwesto na ang mga monghe sa kani-kanilang posisyon. At ang mga Mara naman ay nakapasok na sa balwarte ng templo..............at patungo na sila sa quadrangle!

"TANDAAN NYO! WALA KAYONG ITITIRANG BUHAY SA KANILANG LAHAT!"

Mga Mara: GRUWAAAAAAAHHHHHH!!!

Saglit na katahimikan.................

10......9......

8......7......

6......5......

4......3.....

2......1......

Mga Mara: SUGOOOOODDDDDD!!!

Mga Monghe: NAMO AMITHABA BUDDHA!!!*

*Nagmula sa sanskrit na lengguwahe na ang kahulugan ay "Mindfulness of the Buddha" at "Homage to Infinite Light"

At nagsalubungan na ang dalawang malakas na puwersa!

Derck: Eto para sa inyo! BOOMERANG!

Jacques: WIND BULLETS!

Hugo: GYAAAAHHHHH!

Iwinawasiwas nya ang kanyang malaking espada at lahat ng halimaw na tinatamaan ay nahihiwa at tumatalsik!

Kairi: HAAAHHH!

Walang nakaligtas na halimaw sa mahusay nyang kenjutsu! Ipinatikim nya ang kanyang samurai spinning move habang isa-isang hinihiwa ang mga kalaban!

Reji: FURY BLOW!

Jinma: FLAMETHROWER!

Van: BOLT SLASH!

Gamit ni Chai Ban sa pakikipaglaban ang kanyang Sacred Staff.

Chai Ban: YAH HAH HAH HAH HAH!

Umusal siya ng isang makapangyarihang orasyon at itinukod sa lupa ang tungkod, isang magic circle ang gumuhit sa lupa at lumitaw ang isang nagbabagang ibon!

Chai Ban: TUPUKIN MO SILA NG IYONG SAGRADONG APOY KARURA!

"KAKAAAAAKKKKK!!!"

Lumipad ang mahiwagang ibon at sinugod ang mga halimaw! Ang apoy sa palibot ng katawan nito ay ginawang abo ang lahat ng makasalubong!

"UWAAAAAAAHHHHHHHH..................."

Patuloy ding lumalaban ang iba pang mga monghe upang protektahan ang templo!

Master Gau: Nasaan si Huan?

Monghe: Nakahanda na po ang pangkat nila!

Master Gau: Gumawa kayo ng matibay na harang! Babantayin natin ang kanilang pangkat sakaling may sumugod na Mara!

Monghe: OPO!

Huan: Kami na po ang bahala sa mga masusugatan Master Gau!

Sa mga sandaling iyon..........

"NAIINIP NA KO............GUSTO KO NG MAMUGOT NG ULO!"

Gorak: Maghintay ka lang muna dyan..........titingnan natin kung kakayanin nila ang 600 bilang ng puwersa natin........

600 VS. 200?!

Makakayanan nga ba ng mga monghe ang tripleng puwersa ng mga kalaban?

ITUTULOY...................

Destiny SevenOù les histoires vivent. Découvrez maintenant