Kabanata 1: Kristal

771 11 3
                                    

Sa malawak na bulubundukin ng Tien Shan, naroon ang dalawang nilalang na balot ng itim na kasuotan. Ang lugar na iyon ay hindi dinadayo ng kahit na sino dahil sa paniniwala na pinamumugaran ito ng mga hindi nakikitang elemento. Isang ritwal ang kasalukuyang isinasagawa ng mga ito. Maya-maya pa'y ang maaliwalas na  panahon ay biglang nagbago. Nagliparan ang mga ibon na tila may kinatatakutan. Nagtakbuhan naman ang iba pang hayop sa lupa na parang may paparating na unos. Dumilim ang kalangitan.... sumigaw ang kulog..... gumuhit ang kidlat.....

Lumindol at nagkabitak-bitak ang lupa, hanggang sa tuluyang mahati ito sa dalawa........ at mula sa kailaliman ay sumingaw ang napakanegatibong enerhiya -- lumitaw ang mga nilalang na hindi nararapat tumapak sa mundo ng mga tao....... ang apat na Dyablo!!!

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Makabagong panahon....

Industriya, komersyo, syensya, teknolohiya at iba pa....mga natatanging pagbabago na nagpabilis sa buhay ng tao, lipunan at sibilisasyon. Ito ang tinatamasa ngayon ng mga bansa, sa isang mapayapang henerasyon. Ngunit hindi maitatatwa na patuloy pa rin ang pag-iral ng dalawang uri ng tao: ang mga mahihirap at ang mga mayayaman. Gaya ng mataong lungsod ng Lamina....

Lalaki: " Ma, para! ", pagkatapos ay huminto ang sinasakyan nyang dyip at sya'y bumaba.

Sa patuloy na paglalakad ng lalaki, natanaw na nya ang matayog na gusali na kanyang hinahanap.

Lalaki: " Mukhang ito na yun. "

Makaraan ang ilang oras, bandang hapon na, palabas na ng pinanggalingang gusali ang binata. Maaaninag sa ekspresyon ng kanyang mukha ang pagkadismaya at kalungkutan. At sya'y napabuntong-hininga.

Lalaki: " Balik na naman sa dating gawi.... "

May kayumangging balat, katamtamang bulto ng katawan, 5'6 ang taas at nasa gulang na 21. Nakapag-aral nang isang taon sa kolehiyo ngunit huminto sa pag-aaral. Katatapos lang nya na mag-aplay bilang isang Call Center agent dangan nga lamang ay di pinalad na makapasa sa ikalawang pagkakataon. Siya ang binatang si Reji Savall.

Reji: " Tatawagan na lang daw....hindi pa diretsuhin, tch..... Hay, ang hirap talagang maghanap ng trabaho.... "

Ilang trabaho na rin ang inaplayan nya: fast food crew, draftsman, promodizer at ito ngang pagiging Call Center agent na pangalawang beses na. Tila nang bumuhos ang malakas na ulan ay sa kanya lang pumatak ang kamalasan. Naisipan nyang magtungo muna sa kalapit na mall para maglibot-libot, at para na rin palipasin ang pagkadismaya.

Sa kanyang pag-uwi, patungo sya sa sakayan ng bus. Habang sa kanyang paglalakad, isang makintab at makinang na bagay ang pumukaw ng kanyang mga mata. Tila hindi pinapansin ng mga kasabay nyang naglalakad ang bagay na iyon. Hanggang sa masipa ng isang matanda ang hugis bilog na makinang at sakto naman na patungo sa direksyon nya ang paggulong nito. Dinampot nya ang tila isang kristal at inusisang maigi sa pag-aakalang isa itong klase ng alahas.

BEEP! BEEP! BEEP!

Busina iyon ng isang kotse na bumasag sa kanyang atensyon dahil nakaharang sya sa daraanan nito. Agad syang tumabi at itinago ang kakaibang kristal sa dala nyang back pack na bag.

Medyo madilim na nang makababa sya ng bus dahil sa haba ng byahe. Sa kanyang paglalakad, naramdaman nyang tila may sumusunod sa kanya. Binilisan nya ang paglalakad hanggang sa makasalubong nya ang isang lalaki. Agad sya nitong hinawakan at....

Lalaki 1: " Holdap 'to,  wag kang maingay kung ayaw mo pang mamatay.... ", sabi nito sa mahinang boses at nakatutok ang hawak na patalim.

Reji: " Pasensya ka na pero wala na 'kong pera.... ", pero ang totoo ay may nakatago pa syang isang libo sa kanyang wallet.

Lalaki 1: " Akin na ang wallet at cellphone mo, bilisan mo.... "

Akmang nakatyempo si Reji kaya nagpumiglas sya at nagawa nyang sipain ang holdaper sa sikmura. Mabilis syang tumakbo papalayo nang....

Lalaki 2: " Ah tatakas ka pa ha! "

Hindi inaasahan ni Reji na makakasalubong nya ang lalaking kanina pa nakasunod sa kanya. Inundayan sya nito ng sunud-sunod na saksak sa tagiliran. Umagos ang sariwang duto mula sa malalalim nyang sugat at sya'y natumba. Agad namang kinuha ng dalawang holdaper ang kanyang wallet at cellphone saka matuling tumakas.

Reji: " Aaaghhhh..... "

Unti-unti na syang nanghihina dahil sa patuloy na pagtagas ng kanyang dugo, naghahabol ng hininga at ilang segundo pa'y tila mapupugto na ang kanyang hininga......saka naman kumatal ang dilim sa paligid.

ITUTULOY....

Destiny SevenWhere stories live. Discover now