Kabanata 14: Ice Skill

206 4 0
                                    

Nagpakita na ang halimaw kay Derck!

Kulay puti ang malalagong balahibo, mahaba ang biyas ng mga braso, payat ang pangangatawan, matangkad at may ulong kahalintulad sa tsonggo!

"AKO SI URUBA..... MULA SA TRIBONG YETI!"

Natahimik ang binata at nagpipigil na.........

"WAHAHAHAHAHA!  WAHAHAHAHAHA!  WAHAHAHAHAHA!"

Uruba: Anong nakakatawa?

Derck: Hahaha..... hahaha..... nakakatawa talaga ang itsura mo! Ngayon lang ako nakakita ng payat na orangutan! Wehahahaha!

Uruba: Tampalasan! Kung gayon ay iniinsulto mo ang aking tribo! Magsisisi ka!

Derck: Kahit ano pang sabihin mo, di ako natatakot.... wehihihihi! Natatawa pa rin ako dyan sa itsura mo!

TSUWIK! TSUWIK! TSUWIK! TSUWIK!

Sunud-sunod ang pagbato ni Uruba ng mga yelong patalim sa binata!

Derck: Wowowowowaaaahhhh!

Naglabas ng mga darts ang binata.......

Derck: Inumpisahan mo rin lang....... sige laban na! HAAAAHHHH!

Inasinta nya ang kalaban gamit ang kanyang mga darts!

TSAK! TSAK! TSAK! TSAK!

Inilagan ng halimaw ang mga darts!

Uruba: Hmm, walang silbi ang mga patalim m---------

CHUWAK!!!  Tatlong darts ang bumaon sa balikat ng halimaw!

Derck: Heheh! Kaya kong kontrolin at pagalawin ang mga darts..... tinamaan kita!

Uruba: Aahh..... magaling.....

Binunot ni Uruba ang mga darts, ginawang yelo at dinurog!  KRRRAAAAAAKKKK!

Kumumpas ang halimaw at nabuo sa kanyang mga kamay ang mga tipak ng niyebe...... pinalipad nya ang mga ito papunta sa binata!

Derck: Woah!

CHAG CHAG CHAG CHAG CHAG!!!

Nagkalamat ang dingding ng kuweba dahil sa matitigas na niyebeng tumama!

Umatake muli si Uruba, gumanti din si Derck.......

Derck: Hah! Hindi kaya ng mga darts ko ang mga matitigas na niyebe!

Muling nagpaulan ng niyebe ang halimaw!

"YAAAAAAAHHHHHH!!!"

Hiniwa ni Derck ang mga niyebeng kasingtigas ng bato gamit ang kanyang Boomerang!

Uruba: Eh?!

Derck: Ako naman! YAAAAHHHH!

SHUWIIIINNNNGGGG!

Uruba: Hindi ka asinta------------

SHUWAAAAKKKK!

Umikot sa likod ni Uruba ang boomerang at bumalik patungo sa kanya! Sugatan sya sa balikat!

Uruba: Uurrrghhh! Paanong.......

Derck: Wala kang alam tungkol sa boomerang..... heheh beeelaaaat! Kaya ko ring kontrolin ang boomerang sa kahit anong paraang gusto ko! Isa pa uli! Yaaahhh!

Uruba: Hindeee! GRRRAAAAAHHHH!

PWAAANNNGGG!

Isinakripisyo ni Uruba ang kanyang kanang braso upang patalsikin palayo ang boomerang! At matindi ang sugat na kanyang tinamo!

Tumusok ang boomerang sa dingding ng kuweba at binalot ng yelo ng halimaw.

Derck: Pambihira! Ayos lang sa 'yo na masugatan......

Uruba: Oo, at ngayon ay wala ka ng sandata...... madali ko namang mapapagaling ang sugat pagkatapos kitang isakripisyo..... weheheh.....

Nag-ipon ng hangin ang halimaw at pagkaraan ng ilang segundo ay nagbuga ito ng napakalamig na hangin na may kasamang niyebe!

Nanlamig ang binata at nakaramdam ng paninigas ng katawan!

Derck: H-hin-di a-ako m-ma-ka-ga-law...... u-uh-uh.....

Uruba: BWAHAHAHAHAHA! Manigas ka lang dyan at sisimulan ko na ang ritwal ng pagsasakripisyo!

SHHHIIIIIIIIIIIIIIINNNNGGGG!!!

Uruba: Uwah? A-anong liwanag yan???

Ang makakasisilaw na liwanag ay nagmumula sa kanang kamay ng binata! At maya-maya pa'y tuluyang nalusaw ang yelong bumalot sa buong katawan nya!

Derck: Whooo! Nagkamali kang gawin akong yelo........... dahil yelo rin ang kapangyarihan ng aking arcana!

Uruba: A-arcana?!

Derck: BOOMERANG!

Nalusaw din ang yelong bumalot sa boomerang at gumalaw ito pabalik sa binata!

Derck: ICE SKILL!  ABSOLUTE FROSTBITE!

Uruba: I-impo-sible..... n-nani-ni-gas ang k-kata-wan k-ko..... a-anong g-ginawa m-mo?

Derck: Yung mga darts na tumama sa iyo kanina..... hindi yun ordinaryong darts lang.... nagtataglay ang mga yun ng pambihirang lamig at nanuot dyan sa loob ng katawan mo kanina pa......

Uruba: WAAAHHHH---------

Umuusok ang yelong nagpatigas sa katawan ng halimaw!

Derck: BOOMERANG: ICICLE RAZOR!  HYAAAAHHHH!!!

CRRRAAAAAAAKKKKK!!!

Basag ang mga tipak ng yelo kasama si Uruba!

Tinulungan ng binata na makalabas ng kuweba ang dalawang nabihag na mangangaso. At nagkasama-samang muli silang tatlo.

Derck: Itatanong ko lang kung saan ang tamang daan papunta sa bundok ng Heng?

"Doon sa hilaga, paglabas mo ng gubat na ito, may madadaanan kang batis..... sundan mo lang ang daloy ng tubig at mararating mo ang paanan ng Bundok Heng..... maraming salamat uli sa 'yo Derck."

Derck: Walang anuman. Sige, aalis na ko. Mag-iingat na lang kayo.

Narating na ng binata ang dulo ng batis.......

Derck: Ayos! Ang target....... GRAND HENG TEMPLE!

ITUTULOY..........

Destiny SevenWhere stories live. Discover now