Kabanata 35: BERSERK

149 2 0
                                    

Nagising na mula sa mahimbing na pagkakatulog ang tunay na lakas ni Jagu! Makakaya pa ba ni Kairi na lumaban?

"Oy oy oy! Wag mong sabihing magpapatalo ka na lang sa isang walang kuwentang halimaw?"

Isang pamilyar na boses ang narinig ni Reji na nagsasalita sa kanyang diwa.

Reji: I-Ikaw na naman.......

"Ikaw ay Ako. Ako ay Ikaw. Kailangan ba na tuwing babagsak ka ay gigisingin pa kita? Dapat na matutuo kang lumaban sa sarili mo! Nasa sa 'yo na ang kapangyarihan ng Arcana. Ipakita mo sa halimaw na yan na mas malakas ka kaysa sa kanya. Ibuhos mo sa kanya ang lahat ng galit mo! Iparamdam mo sa kanya ang bigat ng iyong mga kamao!"

At naglaho na ang pamilyar na imahe. Muling dumilat ang kanyang mga mata.

Jagu: Ihanda mo na ang sarili mo na tuwawid sa kabilang buhay!

Kairi: Hindi pa!

Inilabas ni Kairi ang lakas ng kanyang Aura! Nagliwanag ang kanyang katana at nag-iipon ng lakas..........at sa kanyang paghiwa------------------

Kairi: SONIC WING SLASH!!!

Isang nakasisilaw na paghiwa ng liwanag!

Jagu: GUH!!!

BOOOOMMMM!

Saglit na katahimikan at................

Jagu: GWAHAHAHAH! ITO NA ANG KATAPU-------------------

TSAAAAAAKKKKKK!

Jagu: UGHHH?!

Kairi: TENGOKU NO KAGAYAKU YARI! (Shining Spear of Heaven)

Isang mahabang sibat ng liwanag mula sa katana ang tumusok sa dibdib ni Jagu! Hinawakan niya ito upang mapigilan!

Jagu: EEGHHH! Sa umpisa pa lang ay puntirya mo talaga ang puso ko.......muntik na........GEHEHEHEH!

At sinira ng kanyang mga kamay ang sibat ng liwanag!

Jagu: Yan na ang huli mong paraan pero sumablay ka.......tsk tsk tsk..........

Kairi: Heeeh.......heeeh........konti na lang ang lakas------------------

PAAAAKKKK!

Kairi: UUUGHHH!

Tumilapon si Kairi matapos siyang sapakin ng halimaw! Agad nilapitan ni Jagu ang binata at itinutok ang matutulis niyang kuko!

Jagu: Alam kong wala ka ng sapat na lakas para lumaban kaya huminga ka na lang ng malalim at magpahinga. Tatapusin ko na ang iyong pagdurusa. Wala ka ng karapatang mabuhay. Ang buhay sa mundong ito ay para lamang sa MALALAKAS!

"T-TAMA KA........ANG MUNDONG ITO AY PARA SA MALALAKAS LANG........."

Jagu: EH?

Kairi: Ahhh.........R-Reji..........

Reji: Matira matibay, iyan ang batas ng kalikasan. Mahihina nga kaming mga tao pero hindi mo alam kung paano kami lumalakas.........

Naalala niya ang mga panahong hinahamak siya ng boss at ilan katrabaho na kesyo wala siyang tinapos na pinag-aralan. Pero wala siyang magawa dahil malalakas at maimpluwensiya sila. Sa kanyang paglalakad, isang matandang babae ang nabangga ng isang tumatakbong lalaki. Nahulog ang mga dala nitong gulay at prutas. Isang mansanans ang gumulong sa kalsada. Agad niyang pinulot ito pero isang nakabibinging busina ang umalingawngaw. Minura pa siya ng drayber ng kotse.

"Salamat iho. Hindi mo na dapat pinulot ito. Pero alam mo, isa kang mabuting tao na may mabuting puso. Ang tunay na pagtulong ay bukal sa puso at bibihira lang ang mga taong tulad mo. Hayaan mo kung anuman ang sasabihin ng ibang tao. Gawin mo kung ano ang nararapat. Darating din ang araw na uukol sa iyo ang pagpapala."

Iyon ang mga salitang kumumpleto sa kanyang araw. Galit siya sa kanyang boss, sa mga katrabaho nya pati na rin dun sa drayber, galit din siya sa kanyang sarili dahil wala siyang magawa. Pero ang lahat ng iyon ay humupa dahil sa sermon o kung anuman ang tawag dun sa mga sinabi ng matanda.

Reji: Wala kang karapatang maliitin ang sinuman! Ang buhay ay para sa lahat! WALA KANG KARAPATANG MAGDESISYON KUNG SINO ANG MALAKAS AT MAHINA!

Kasabay nito ang pag-alagwa ng nagniningas niyang Aura!

Jagu: Hanggang salita ka lang mortal! GAAAAHHHH!

Kasimbilis ng kidlat na sinugod ni Jagu si Reji!

Jagu: HUH? Nawala???

Namilog ang mga mata niya! Hindi niya inaasahan na mapapantayan ng binata ang kanyang bilis!

Reji: AAAAAAAAHHHHHHHH!!!

Sumugod uli si Jagu!

Reji: FURY POWER: BERSERKER FIST!!!

Naiwasan ni Reji ang malakas na bigwas ni Jagu! Kitang-kita ng halimaw ang mga matang nanlilisik ni Reji!

PAK! PAK! PAK! PAK! PAK! PAK!

Sunud-sunod na mabibilis na bira ang pinakawalan niya sa katawan ni Jagu! Kasunod nito, ipinihit pa niya ang katawan upang bumuwelo para sa isang SOLID STRAIGHT PUNCH!

Jagu: UUUUUUUHHHHHHHH!

Ramdam na ramdam niya ang pagyanig ng kanyang kaluluwa!

Reji: HAAAAAAAYAAAAAHHHH!

Isa pang solidong suntok sa panga! Tumalsik ang halimaw! At agad niyang sinundan para sa isang SOLID UPPERCUT! Lumipad paitaas sa ere ang kalaban, tumalon si Reji at----------------

Reji: BLASTING FUUUURRRYYYYYYYY!!!

Sapul na sapol sa mukha si Jagu!

BLAAAAGAAAAGGGG!!!

Sa tindi at lakas ng impact.................tuluyang nabasag ang bungo nito!

Reji: Haaaah...........ughhhh..........(hingal)

Kairi: Nagawa mo Reji! Hindi ko alam na may tinatago ka pa lang kakaibang lakas.......

Reji: Heheee...........  :)

Gumuhit ang ngiti sa kanilang mga mukha........ngiti ng tagumpay para sa mga hindi sumusuko!

ITUTULOY......................

Destiny SevenWhere stories live. Discover now