Kabanata 29: Momentum

178 3 0
                                    

Sa pagkilos ng mga tinaguriang "Monk Slayers," inumpisahan na nila ang kanilang misyon -- ang tapusin ang lahat ng mga monghe!

Master Gau VS. Gorak!

Gorak: Ikaw talaga ang pakay ko Master Gau. Gusto kong makita at masukat ang lakas mo.

Master Gau: Hmm.............hindi na kailangan............

Gorak: A-Ano?! Anong ibig mong sabihin?

Master Gau: Hindi mo na kailangang sukatin ang lakas ko dahil alam kong sa pagitan nating dalawa ay hindi ka na magwawagi.

Gorak: OH........gusto ko 'yang mga sinabi mo. Pero dapat nating mapatunayan yan........

Kumumpas ang  mga kamay ni Gorak.........

Master Gau: HUH?!

Gorak: Hell Dimesion: PHANTOM CAGE!

Isang parihabang kulungan ang pumalibot sa kanilang dalawa. Hinawakan ito ni Master Gau pero tumagos lang ang kanyang mga kamay. Wala rin siyang mahawakan na matigas na pader.

Gorak: Ang kulungang ito ay gawa sa kakaibang dimensyon, isang walang hanggang espasyo.  Maari kang tumagos pero wala kang makikitang anumang pisikal na bagay at hindi ka rin makalalabas. Maliban na lang kung ako mismo ang magtatanggal nito o kaya naman ay tatapusin mo ako. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, dito na matatapos ang buhay mo, tanda.

Master Gau: Sa palagay mo ba ay nasindak mo ako dito sa ginawa mong kulungan? Gumawa ka ng isang patibong na ikaw rin ang mabibitag.

Gorak: HAHAHAHAHA! Hindi ko ginawa ang kulungan ito kung alam kong magiging dehado ako. Ito ay sadyang nakalaan para sa 'yo. Tingnan mo, dito sa loob makikita mo ang matinding labanan. Unti-unti mong mamasdan ang pagbagsak ng iyong mga alaga. At sa labas, makikita naman nila kung paano kita pababagsakin.

Master Gau: Kahit bumagsak pa sila, muli silang tatayo at hindi susuko sa laban. Tiwala ako sa kanilang kakayahan.

At nagiging mainit na ang labanan sa pagitan nina Hugo at Tasuba!

KLANG! KLANG! KLANG!

Umaatikabo ang bawat pagwasiwas ng kanilang mga sandata! Ang broadsword ni Hugo at ang giant axe ni Tasuba!

Tasuba: Matibay yang espada mo. Sa lahat ng nakalaban ko, ikaw lang ang may binatbat ang sandata!

Hugo: Espesyal 'tong espada ko. Kaya kayang-kaya kitang durugin!

Tasuba: GYAAAAHHHH!

Hugo: HAAAAHHHH!

Nagpalitan muli sila ng eskrima----------------------pero hindi inaasahan ni Tasuba na mabilis na pinaikot ni Hugo ang broadsword at...........

Hugo: BRAVE STRIKE!

Sumirit ang dugo mula sa pagguhit ng hiwa sa katawan ni Tasuba!

Tasuba: Uughhh..........ikaw pa lang ang nakasugat sa 'kin nang ganito.........

Nanlaki ang mga mata niya at nagkiskisan ang kanyang mga ngipin------------at sumugod!

Tasuba: GRAAAAHHHH!

Nasangga ni Hugo ang palakol nito..............pero umangat ang unahang paa ni Tasuba at----------

Tasuba: GYEHEHEH! HOOF STOMP!

BOOOOGGGG!

Naramdaman ni Hugo ang matinding pagyanig sa kanyang katawan at siya'y napaupo!

Hugo: UWAAAAAHHHH!

Muling sumugod ang halimaw!

Tasuba: GYAAAAAHHHHH!

Hugo: EEEGHHHH!

Nasalo at napigilan ng kaliwang kamay niya ang palakol ng kalaban!

Tasuba: GYEHEHEH.......

Umangat muli ang mga paa ni Tasuba at kinalampag ang lupa!

Tasuba: EARTH SPIKE!

Umumbok ang lupa at lumabas ang mga patusok na bato!

Hugo! AAAAGHHHH!!!

Derck: HUGOOOOOOO!

Agad siyang nag-isip ng paraan!

Derck: ABSOLUTE FROSTBITE!

Nagyelo ang kinatatayuan ni Tasuba at nabalutan ng yelo ang kanyang mga paa!

Tasuba: EHH! H-Hindi ako makagalaw! Heh, mga yelo........

Derck: Ngayon wala ka ng kawala!

Tasuba: TSEH!

Derck: A-ANONG?!

KRRRAAAAAAAKKKK!!!

Nagawang basagin ni Tasuba ang ginawang yelo ni Derck!

Derck: TCH! Bahala na! ICICLE RAZOR!

Nasugatan ng boomerang ang katawan ng halimaw pero------------

CHAAAANNNNGGGG!!!

Tumilapon ang boomerang ni Derck!

Derck: AHUH?!

Tasuba: Pangalawang beses..........ito ang pangalawang beses na hinadlangan mo ang momentum ko............GRRRAAAAAAHHHHH!

TAGATAK! TAGATAK! TAGATAK! TAGATAK!

Samantala, nilapitan si Jacques ng isa sa mga Monk Slayers, si Serge............

Serge: Wag ka na lang lumaban bata, nanghihinayang ako sa 'yo......... Kung gusto mo, ibibigay ko ang lahat ng bagay na naisin mo dahil ang aking mahika ang syang pinakamagaling sa buong mundo!

Jacques: Hindi na ko isang batang paslit na pwede mong utu-utuin! Kayang-kaya kitang tapusin!

Serge: Ay ay ay ay ay! Wag kang maging bad boy! Hindi ganyan ang ugali ng isang mabait na bata.........magagalit si Santa Claus nyan.........hmm..........

Jacques: ANONG KINALAMAN NI SANTA CLAUS DITO EEEHHH?!

"Mas mabuti pang ako ang harapin mo. Wag mong patulan ang isang bata lang. AKO ANG TATAPOS SA 'YO."

Serge: At sino ka naman? Hindi kita type noh..........

Jacques: HOY! SINABI NG HINDI AKO ISANG BATA!!!  J-J-J-JINMA?!

Nagniningas ang mga mata ni Jinma. At nagsimula ng magliyab ang mga apoy sa kanyang kamay!

Serge: Wowowowoh! Titig mo pa lang napapaso na ako! Okay sige. Ikaw ang bahala. Pero wag kang umasa sa kumpiyansa. Dahil walang katulad ang aking mahika. Hmm..........

JINMA & JACQUES VS. SERGE!

ITUTULOY.............

Destiny SevenWhere stories live. Discover now