Kabanata 25: RAID

162 1 0
                                    

Maganda ang sikat ng araw sa silangan. Ang sinag nito ang nagbibigay lakas sa bagong bukas.

Pasado alas nuwebe na ng umaga......

"HUWHAAAAAAAAA............(hikab)"

"Gising ka na pala. Magandang umaga."

Reji: Eh.........

Chai Ban: May nakahanda ng agahan sa mesa at saka mainit na tsaa. Pasensya na hindi uso ang kape dito sa templo eh.

Reji:  Okay lang. Umiinom naman ako ng tsaa....  :)

Chai Ban: Ah mabuti naman. Talagang napakasarap ng aming "Super Duper Megamax Green Tea"!

Reji: Oo sige, aayusin ko lang 'tong higaan.

Sa malawak na quadrangle ng templo, naroon si Hugo at........

Hugo: 1...2...3...4...5.......................................96...97...98...99...100!!!

Monghe: Wow! Ang galing! Nakapag-push up ka nang isangdaan na gamit lang ang isang kamay?!

Hugo: Heheh! Astig diba!  :)

Monghe: Turuan mo naman ako!

Sa hardin ng templo.......

Derck: Whoa.....ang sarap ng hangin dito sa taas ng puno!

Jacques: Type mo rin palang umakyat sa puno.

Derck: Oo naman, bata pa lang ako, umaakyat na kami ng mga kalaro ko sa mga puno para mamitas ng mga bunga.

Jacques: Kasi ako hindi ko na kailangan umakyat ng puno para manguha ng bunga, basta kumukupit na lang ako sa mga tindahan, hehahahaha!

Derck: Pagnanakaw na yung ginagawa mo loko!

"DERCK! JACQUES!"

Derck: Huh? Oh Chai Ban....

Chai Ban: Mabuti at nandito kayong dalawa.....pwede ba akong humingi ng pabor?

Derck: Ano yun?

Chai Ban: Tulungan nyo naman akong magdilig ng mga halaman dito sa templo.

Jacques: Ok! Walang problema!  :)

Samantala, nasa loob naman ng Grand Temple si Kairi para magdasal. Si Jinma naman ay nagtungo sa aklatan ng templo. At si Van ay naglilinis at nagpapakintab ng kanyang espada.

Sa tuktok ng tore naman ng templo, nagmumuni-muni sya......

Master Gau: Hmm.....maganda ang panahon pero tila may paparating na itim na ulap......

Tapos nang mag-agahan si Reji........

Reji: Tama nga si Chai Ban. Napakasarap nga ng green tea nila.  :)

Lumabas sya ng silid para mag-inat at maglakad.

Reji: Kagabi......nagpakita sa 'kin yung babae.......bakit sya nagpakita sa 'kin? Anong ibig nyang sabihin sa kanyang babala? Baka mamayang gabi, magparamdam sya ulit.......para tuloy akong minumulto, giiihhhh.......

BRRRAAAAAANNNNGGGGGG!!!

Kasunod nito ay ang mga hiyawan sa di kalayuan.....

Reji: Ha? Anong ingay yun? Anong meron?

Isang monghe ang humahagibis ng takbo.

Reji: Shun! Anong nangyayari?

Shun: NANDITO ANG MGA MARA! NILULUSOB TAYO NG MGA MARA! NASIRA  NA NILA ANG HARANG AT ANG TARANGKAHAN!

Reji: HAH?!

Walang salitang lumabas sa bibig ng binata, nagmistulang tuod........

"SUMASALAKAY ANG MGA MARA! MAGSIPAGHANDA ANG LAHAT! IPAGTANGGOL ANG TEMPLO!!!"

DONG! DONG! DONG! DONG! DONG!

Sunod-sunod ang pagtambol sa gong at sa mga batingaw ng templo! Senyales ng isang malaking sigwa!

Pumunta si Reji sa direksyon ng tarangkahan pero hindi pa man sya nakakalapit........daan-daang halimaw na ang natanaw nyang papasok na sa Grand Heng Temple!

Reji: HUH?!

"GRUWAAAHHHH!!! GRHAHAHAHAHHAHAH!!!"

Nagtipun-tipon ang mga monghe sa quadrangle at.......

Monghe: Chai Ban!

Chai Ban: Paano nila nasira ang harang ng templo? Imposible na nalaman nila ang sikreto ng harang!

Monghe: Hindi rin namin alam kung paano nila nagawa yun.....

"ISANG ESPIYA......."

Chai Ban: V-Van!

Van: Naalala mo ba si Igur? Yung ginawan mo ng Purification?

Chai Ban: Siya? Pero hindi ba tinalo mo siya sa laban?

Van: Tama ka. Pero sa tingin ko, nagmanman siyang maigi sa palibot ng buong templo pati na rin sa mga monghe upang malaman ang sikreto ng harang. At bago siya tuluyang maglaho, ipinadala niya agad ang impormasyon sa mga kasama nya.

Chai Ban: P-Pero paanong------------

Monghe: Wala na tayong oras! Ang magagawa na lang natin ay lumaban at protektahan ang templo! Nakahanda na ang mga kasama natin!

Van: Lalaban din ako!

At may sumingit........

Hugo: Kung laban ang pag-uusapan, pasok ako dyan heheh!

Dumating pa sina......

Derck: Oy oy oy! Wag nyo kaming i-etsapuwera!

Jacques: Kasama din kami sa laban noh! Pupulbusin natin yang mga halimaw na yan!

Chai Ban: Okay...........(hingang-malamim)........LALABAN TAYO! IPAKITA NATIN SA KANILA KUNG GAANO TAYO KALAKAS!!!

"HOOOOOOOOOHHHHHHHHH!!!"

Sa mga sandaling iyon..............

"Master Gau! Nandito na sila! Ano pong plano nyo?"

Master Gau: Alam ko. Pero hindi natin inaasahan na ganito kaaga ang kanilang pagkilos......."

"Wala pa po ang mga High Monks, mahihirapan tayo na matalo sila!"

Master Gau: Wag kang masyadong mag-alala. May ipagagawa ako sa iyo."

"Aah.......ano po yun Master Gau?"

Master Gau: Gusto kong ipadala mo agad ang mensahe sa mga High Monks sa lalong madaling panahon. Magagawa mo ba yun FEI?

Fei: Mensahe lang pala! Akong bahala dyan!

At biglang naglaho ang monghe sa harapan ni Master Gau.

Master Gau: Sana ay dumating sila........

ITUTULOY..............

Destiny SevenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ