Kabanata 28: TARGET

178 1 0
                                    

Kung kailan pumapabor na ang laban sa mga monghe........

Saka naman dumating ang mga Monk Slayers! Sino sila?

Panandaliang nahinto ang labanan sa paglitaw ng mga lider ng pulutong ng mga Marang sumalakay sa Grand Heng Temple.......

Gorak: Oras na para baguhin ang takbo ng laban.....

Si Gorak, isang  Phantom Knight.........nababalutan ng matibay na baluting itim sa katawan, itim na helmet na may mga sungay at isang mandirigmang nagmula sa kailaliman ng Underworld o Hell.

Serge: Kami ang mga barahang magiging alas sa laban na ito!

Si Serge, isang Dark Clown.........isang payasong eksperto sa panlilinlang sa kabila ng maamong mukha.

Jagu: Ah erhhh.......zzzzzzzzzzzz.........

Si Jagu, isang Beast Warrior.........isang antuking halimaw ngunit pag nagising ang diwa, tuluyang nagwawala.

Zedon: Matitikman nyo ang bangis ng aking mga zombie......Gyeheheheheh!

Si Zedon, isang Necromancer........isang black magician at eksperto sa necromancy, ang bumuhay ng mga patay.

Tasuba: Nasisiyahan talaga ako pag nakakakita ng isang pugot na ulo.......hindi ko na mapigilan ang sarili ko......GRRRRRRR!

Si Tasuba, isang Beast Centaur.........isang halimaw na berdugong pumupugot ng mga ulo gamit ang higante nyang palakol.

Chai Ban: SHUUUUNNNN!!!

Tasuba: GRRRRRR! GAAAAHHHH!

Handa na syang iwasiwas ang kanyang palakol sa leeg ng monghe-------------WHOOOOSSSSHHH!

TSAAAAKKKK!!!

Tasuba: UNNNGGG?! 

Mabilis na kumilos si Chai Ban para iligtas si Shun dahil nabitawan ito ng halimaw!

Chai Ban: Shun! Shun! Gumising ka!

Pero wala pa ring malay ang monghe.........

Tasuba: Sino ang may gawa nito?

Nakita niya ang hiwa sa kanyang kamay na nagdurugo, pagkatapos ay dinilaan nya ito........

Tasuba: Wala bang magsasalita sa inyo? Umurong na ba ang mga dila nyo?

"..................AKO!!!"

Napalingon sina Hugo at Chai Ban........

Hugo: D-DERCK?!

Tasuba: Ahah..........ikaw pala batang patpatin........sinira mo ang araw ko ngayon.......Grrrrrrr.......

Derck: Naghintay lang ako ng tamang tiyempo para ihagis ang aking Boomerang..........kaya sinasabi ko sa 'yo, WALA KANG MAPUPUGUTAN NA KAHIT NA SINO!!!

Tasuba: Heh matapang ka.......ito lang ang tangi kong kaligayahan, kaya naman...........IKAW NA ANG UNA KONG PUPUGUTAN!!!

TAGATAK! TAGATAK! TAGATAK! TAGATAK! TAGATAK!

Walang atubiling sumugod ang halimaw kay Derck!

KLAAAANNNNGGGG!!!

Tasuba: EH? At sino ka naman?

"Kung gusto mo ng makakalaban, dapat yung kauri mo. Isang napakalakas na tulad ko, ang macho guwapito na si HUGO!"

Derck: Hoy Hugo! Laban ko 'to!

Hugo: Iba na lang ang labanan mo. At saka hindi mo siya kayang labanan kung boomerang lang ang gagamitin mo. Nararamdaman ko na siya ang dapat kong labanan!

Derck: Ah basta! Ako ang lalaban sa kanya!

Tasuba: Kahit dalawa pa kayong lumaban sa 'kin, parehas ko kayong PUPUGUTAN NG ULO!!!

Gorak: Tayo na!

Serge: Okay alright! Oras na para magtrabaho! Ohweeeehhh!

Zedon: Oy Jagu, kung anuman ang gusto mong gawin, bahala ka na sa buhay mo!

Jagu: Oh.........ah erh.............

Kumilos na ang mga Monk Slayers!

At lumitaw sa harapan ni Jacques-------------

Jacques: HUH?

Serge: Hello! Alam mo, mahilig ako sa mga teenager na gaya mo! HI HI HI HI HI!

Binuhat ni Chai Ban si Shun para dalhin kay Huan upang gamutin nang---------------

Zedon: Oops! Mas maganda siguro kung mamamatay na lang siya at gagawin kong aliping ZOMBIE! At syempre, pati na rin IKAW!

Chai Ban: TSK!

At sa mga sandaling iyon...........

Kairi: Humanda ka na Reji, papalapit na sya rito........

Reji: Eh? Paano siya naging isang Monk Slayer kung ganyan sya kabagal kumilos?

Jagu: Ah eh...........g-gusto nyo ba kong labanan.........erh.........

At sa puwesto nina Master Gau.............

Master Gau: Monk Slayers..........masama ito..........Huan! Ipagpatuloy nyo lang ang panggagamot. Akong bahala sa inyo!

Huan: OPO!

Master Gau: Kayong lahat! Mag-iingat kayo sa mga Monk Slayers! Malalakas sila! Labanan nyo sila ng maramihan!

Monghe: HUH?! May isang papalit dito!

BLAAAAGGGG!

Huan: Aaahhh.......

Gorak: Tama ang sinabi mo Master Gau Jing Wu. Talagang malalakas kami. Pero hindi ko kailangang labanan ang mga monghe mo. IKAW ang gusto kong makaharap. Gusto kong malaman kung gaano kalakas ang kanilang Pinuno.

At isang nang-aasar na ngiti ang ipinakita niya kay Master Gau.

Master Gau: Hmm...........

Nagkasalubong ang kanyang kilay........ Lalabanan nga ba niya si Gorak?

ITUTULOY.....................

Destiny SevenΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα