Kabanata 2: Aura

533 8 1
                                    

Kisame. Dingding. Kama. Kuwarto.

Reji: " Anong nangyari sa'kin? Nasaan 'ko?" Pinagmasdan nya ang paligid.

Brgy. Tanod: " Uy buti gising ka na. Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

Reji: " Ah oo okay na 'ko. Nasaan ho ba 'ko?"

Brgy. Tanod: " Nandito ka sa health center ng barangay. Eh nakita ka namin kagabi nakahandusay dun sa may kanto, walang malay. Buti na lang may nakakita sa 'yo at nireport agad dito sa amin. May sakit ka ba?"

Natigilan sandali si Reji at inalala ang mga nangyari. Inapuhap nya ang kanyang tagiliran. Naalala nya na sinaksak sya ng mga holdaper. Pero laking gulat nya nang wala syang makita kahit isang sugat!

Reji: " Manong! Anong nangyari sa sugat ko? Hinoldap ako kagabi tapos sinaksak ako...."

Brgy. Tanod: " Sugat? Nung dinatnan ka namin doon ay wala ka namang sugat ah. Wala ka lang malay tapos dinala ka na namin dito. "

Reji: " Imposible ho! Sinaksak ho talaga ko nung holdaper! "

Hindi nakumbinsi ni Reji ang mga tao sa barangay na sya'y pinagsasaksak ng holdaper. Kahit sya ay nalilito at naguguluhan kung paanong nangyari iyon. Damang dama nya ang sakit at hapdi ng bawat saksak na halos akala nya ay mamamatay na sya. Umuwi syang dala ang labis na pagtataka. Alipin sya ng labis na pag-iisip. Hindi nya pa rin maintindihan kung ano ang nangyari. Mistulang misteryo ang lahat.

Habang sya'y pauwi na, napansin nya ang isang parang pulubi. Pero napansin nya na maayos ang pananamit nito kaya naisip nya na hindi ito pulubi. May isang mangkok na nasa harapan nito na may konting barya at ilang pagkain gaya ng biskwit. Saka nya naalala ang tungkol sa mga monghe na nababasa nya sa mga aklat. Kalbo dapat ang mga monghe subalit ang nakikita nya ay may mahaba't malagong buhok. Napatingin sa kanya ang monghe at gayundin sya. Isang maamong ngiti ang nasilayan nya sa monghe. Wari bang wala itong iniisip na problema. Gumanti sya ng ngiti at umalis na rin.

Kinabukasan, isang part time job ang kailangan nyang asikasuhin. Inabot sya ng gabi sa pag-uwi kaya todo ingat na sya na hindi na maulit ang nangyari nung nakaraang gabi. Naramdaman uli nya na parang may sumusunod sa kanya. Nagmadali sya sa paglalakad habang tinitingnan ang paligid. Nang dumampi sa kanyang katawan ang kakaiba at nakapangingilabot na pakiramdam!

Dumampi ang malamig na hangin sa kanyang balat na nagpatayo sa kanyang mga balahibo.... at napagtanto nya na tanging sya lang ang tao sa kalyeng iyon. Ngunit ramdam nya na may kasama sya sa paligid. Sa pag-aakalang may tao sa likuran nya, lumingon sya at.....

"HAHAHAHAHA! Tamang-tama! Kakainin ko ang 'yong kaluluwa at gagamitin ang katawan mo! Ikaw ang magbibigay buhay sa aking pagkatao! HAHAHAHAHA! "

Sa labis na pagkagulat ay napaupo si Reji at nanigas ang buo nyang katawan.....hindi makasalita, nanuyong bigla ang lalamunan. Kahit naniniwala sya sa mga kwentong multo, ngayon pa lang nya naranasan na makakita ng aktuwal na masamang espiritu. Malinaw na nakatambad sa kanyang harapan na hindi simpleng multo ito kundi isang DYABLO!

Kalahati ang katawan na lumulutang, may mga kamay at kukong matutulis, ang ulo nito'y bungo na may nanlilisik na mapulang mata at patulis na ngipin. Isang nilalang na makikita lang sa mga pelikula o nobela na kathang isip lamang. Subalit ang kasalukuyang nanyayari ay pawang totoo!

"Ohohohow, takot na takot ka na ba? Yan ang gusto kong makita sa mga tao, ang takot! HAHAHAHAHA! "

Reji: " H-h-hinde...hinde....HINDEEEEEE! ", naglakas-loob siyang tumayo at tumakbo!

" Hindi ka makakatakas! Akin na ang iyong KALULUWWWAAAAAAA! "

Sa taglay na bilis ng masamang espiritu, naabutan sya nito at kinalmot. Naramdaman nya ang sakit dulot ng matutulis nitong kuko. Bumawi sya ng suntok ngunit tumagos lamang ang kanyang kamao....

"Heheh, hindi mo ko kayang labanan! ", sumugod ang masamang espiritu at binugbog sya nito.

Reji: " Aaaaahhhhhh! Aaaaaarggghhh! Uuuuuugggghhhh! "

Nasira ang damit ni Reji at nagkasugat-sugat ang kanyang katawan. Alam nyang hindi sya nito bubuhayin pero sa kabila nito, sinabi nya sa sarili na hindi sya susuko, ayaw nyang isipin na ito na ang kanyang magiging kapalaran..... gusto pa nyang mabuhay kahit naghihingalo na sya at wala ng pag-asa.....

" Wala ka ng magagawa pa dahil......... nagsimula na ang aming pagbabalik sa mundong ito! At ikaw una kong PAGKAAAEEEEEEENNNN!!! ", bumuka ang bibig ng masamang espiritu, umunat iyon na kasingtangkad ng isang tao!

Biglang nagliwanag ang paligid. Nasilaw si Reji at ang masamang espiritu.

Sa harapan ng binata, nakalutang ang kulay asul na kristal. Naalala nya ang bagay na iyon, ang kristal na napulot nya nung isang araw! Waring binigyan sya nito ng sapat na lakas para makabangon.

" Anong ibig sabihin nito? Ano ang kristal na yan?! ", galit na wika ng masamang espiritu.

Reji: " Ang kristal.....niligtas ako ng kristal! Salamat! Salamat! "

Gumalaw ang bilog na kristal at patungo iyon sa binata. Nagulat sya nang gumalaw rin ang kanan nyang kamay. Dumikit ang kristal sa kanyang palad at unti-unti itong pumasok sa loob!

Reji: " Waaahhh! Ba't pumasok sa kamay ko ang kristal? ", sabay yugyog nya sa kanyang kamay.

" HINDI MAAARI! SA AKIN LANG ANG 'YONG KALULUWWWAAAAAAAAA!!! "

Dinaluhong sya ng masamang espiritu at kasabay nun..............kusang umangat ang kanang kamay ni Reji at nagliwanag ang kanyang palad! Nagpakawala ito ng pambihirang liwanag!

Reji: " Aaaaaahhhh! A-anong n-nangyayari?! "

Naramdaman nya na nag-iinit ang buo nyang katawan at maya-maya pa' y nabalutan siya ng makapangyarihang AURA! Hindi na nya nakontrol ang sarili at nawala na ang kanyang huwisyo!

Reji: "GRRRAAAAAAAAAAHHHHHHH!!! "

ITUTULOY.....

Destiny SevenWhere stories live. Discover now