Kabanata 8: VERSUS: CRISIS

234 3 0
                                    

"Ang alam ko............. WALA PANG DEMONYONG TUMUPAD SA KANYANG PANGAKO! KAYA HINDI MAPASASAIYO ANG ARCANA! ILILIGTAS KO ANG MGA TAO AT TATALUNIN KITA!!!"

Khalis: Ohwahahahaha! Naisip mo pala ang bagay na iyan..... tama ka, sa umpisa ay hindi ako seryoso sa ating kasunduan. Gusto lang kitang mapaniwala..... dahil kayong mga hamak na tao ay madaling akitin ng mga bagay na pumapabor sa mga pansarili nyong interes..... heheh.....

Reji: Pagsisisihan mo ang ginawa mo! HAAAAYAAAAAAHHHH!!!

Sunud-sunod ang pag-atake ng binata gamit ang kanyang mga kamao ngunit umiilag lang ang halimaw.

Khalis: Wala akong dapat pagsisihan. Ikaw ang dapat magsisi dahil naakit ka ng materyal na paghahangad. Naghanap ka ng trabaho para kumita ng pera at magkaroon ng magandang buhay..... at kahit pa sa masamang paraan ay gagawin nyo para sa kapakanan ng inyong interes, diba....

Reji: Tumigil kaaaaa!

Akma na nyang tatamaan nang.........   UUUGHHH!!!

Tumalsik si Reji nang salagin si Khalis ang kanyang suntok at sipain sya nito nang malakas!

Khalis: Mukhang naapektuhan ka ng mga sinabi ko heheh.....

Mabilis na sumugod si Khalis..........  at hindi naiwasan ni Reji ang mga suntok nito!

Reji: Aaaghhh! Uuughhh! Aaaahhh!

Pero...............   TSAAAGGG!

Sinalo ng kaliwang kamao ni Reji ang suntok ng halimaw at..............

Reji: Hindi ka isang tao kaya hindi mo alam kung paano ang mabuhay at magtrabaho nang MARANGAAAAAAL!!! 

PAK! PAK! PAK! Taglay ang pwersa ng Fury, nauna ang kanang suntok, sumunod ang kaliwa at ang........... UPPERCUT!

Khalis: UUURGHHHH!!!

Tumilapon ang halimaw at duguan ang pagmumukha nito! Habol ang hininga!

Khalis: Eerhhh..... natsambahan mo lang ako..... pero di ako matatalo ng  mga suntok mo.....

Tumayo si Khalis at pinagalaw ang dalawang antena sa ulo nya. Humaba ito at naglabas ng kumikislap na kuryente!

Khalis: Tingnan natin kung makayanan mo 'to heh......... DOOM SPARK!!!

KRRRRRZZZZZTTTTT!!!

Reji: UWAAAAAAAHHHHHHH!!!

Sa mga sandaling iyon, sa ground floor.......

Sykis: Hoy monghe, nararamdaman kong malakas ka.... mukhang gaganahan akong makipaglaro sa 'yo heheh....

Rugai: Ah talagang malakas ako. Subukan mo nang malaman mo.

GRAAAAAHHHH! Sinugod ni Sykis ang monghe pero naiwasan nito ang kanyang mga atake.

Sykis: Heh totoo nga! Mahina kasi yung dalawa mong kasama hahaha!

Nagngitngit si Rugai.

Rugai: Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanila!

Sykis: Oh gusto mong silang ipaghiganti? Sige gawin mo! Pero alam mo bang kahit yung mga kasama kong gumanti sa 'kin, nabigo silang lahat! Kasi mas malakas AKOOOOO!!! Mas ginaganahan akong lumaban pag may gustong gu-------------------

PAK! PAK! PAK! PAK! PAK! PAK!

Tuloy-tuloy ang pagbira ng monghe sagitan ng kanyang estilo sa martial arts na muay thai! Hindi nakabawi ang halimaw at sa bandang huli ay isang malupit na................ SOMERSAULT!!!

Bumulagta si Sykis dama ang matinding pinsalang natamo!

Sykis: Ungas kaaahhh......

Rugai: Puro ka kasi dakdak eh.....

Tumindig ang halimaw at sa mga braso nito malapit sa kamay, inilabas nya ang matalas na karit! Pinagkiskis nya ang dalawang karit mula sa kanyang braso!  CHING! CHING!

HAAAAHHHH!!! Lumusob si Sykis gamit ang dalawang karit laban sa monghe! Maingat si Rugai kaya ang nahiwa ay isang poste! Pinung-pino at makinis ang pagkakahiwa!

Rugai: [Tsk!] Pwede pa lang panghiwa ng gulay yang mga karit mo!

Sykis: At ikaw ang hihiwain ko saka kakainin! Wahahahahaha!

Pinaikot ni Sykis ang sarili gaya ng isang ipu-ipo! Humahagibis nyang nilusob si Rugai!

" GRIM REAPER TWISTER!!! "

Panay ang paglayo ng monghe para hindi sya tamaan pero naiirita na sya dahil hindi sya makabawi.

Rugai: Hindi pwedeng basta na lang ako susugod..... tsk......

Sykis: Ano na monghe? Sugod na! Bwahahahaha!

TSAAAKKK!

Rugai: Ahaaahhhh!

Isang matalas na sandata ang sumugat sa likod ng monghe! Napahinto sya sa pagkilos habang papalapit sa kanya ang ipu-ipong karit ni Sykis!

" TAPOS KA NAAAAA! BWAHAHAHAHAHA!!! "

Rugai VS. Sykis!      Reji VS. Khalis!

Pareho silang nasa alanganing sitwasyon.........isang matinding krisis!

ITUTULOY.........

Destiny SevenDär berättelser lever. Upptäck nu