Kabanata 21: Pagtitipon

179 2 0
                                    

Naunang dumating sa Grand Heng Temple si Van. Sumunod naman ay sina Kairi at Jinma. At ang huling dumating ay sina Jacques, Derck, Hugo at Reji.

Jacques: WOW! Ngayon pa lang ako nakakita ng ganyan kalaking templo!

Derck: Napakalawak ng lugar! Sakto para sa paglalaro ng boomerang!

Hugo: Malamig at sariwa ang simoy ng hangin..... hmmm...... parang gusto ko na ditong tumira.......

Reji: Oo nga..... ngayon pa lang ako nakalanghap ng ganito kasariwang hangin. Hindi gaya sa lungsod na puro polusyon.

Chai Ban: Mabuti naman at nakarating na kayo dito sa templo. Ako nga pala si Chai Ban. Siya nga pala si Van, kasamahan nyo rin sya. Sige tatawagin ko muna si Master Gau!

Van: Ako si Van. Ikinagagalak ko kayong makilala.

Kairi: Kung ganun, pito pala tayong lahat.

Jinma: ................................

Reji: Sila pala ang makakasama ko para lumaban sa mga halimaw. Hindi ako dapat kabahan. Siguradong malalakas sila at........

"EHEM......"

Master Gau: Sa wakas ay nagkatipon-tipon na rin kayo, kayong pitong nagtataglay ng kapangyarihan ng arcana. Ako nga pala si Master Gau Jing Wu..... ang Punong Monghe dito sa Grand Heng Temple.......

At para sa isang introduksyon:

Si Van ay ipinadala ni Master Fao Xiang.

Si Kairi naman ay si Master Liu Xiao Yu at si Jinma ay si Master Oji Daoh.

Ipinadala ni Master Genji Yutaka si Derck samantalang si Jacques ay si Master Lue Rangi.

Si Hugo ay ipinadala ni Master Bart Gurawahd at si Master Rugai Sattia ang nakatagpo kay Reji.

Ang Kongregasyon ng mga Monghe sa Grand Heng Temple ay pinamumunuan ni Master Gau,  nasa 65 taong gulang, dating "High Monks at isang beteranong monghe. Ang kongregasyon ay binubuo ng pitong pangkat na may kanya-kanyang gawain. At ito ay pinamumunuan ng mga kataas-taasang monghe o mga "High Monks".

Ang unang pangkat ay pinamumunuan ni Master Fao.

Ang ikalawang pangkat ay hawak naman ni Master Liu.

Ang ikatlong pangkat ay nasa mga kamay ni Master Oji.

Ang ikaapat na pangkat ay nasa liderato ni Master Genji.

Ang ikalimang pangkat ay nasa hurisdiksyon ni Master Bart.

Ang ikaanim na pangkat ay nasa gabay ni Master Lue.

At ang ikapitong pangkat ay nasa pamumuno ni Master Rugai.

Ang humigit kumulang 500 monghe na nasa templo ay mga pangkaraniwang monghe na hinasa at sinanay sa pakikipaglaban sa mga Mara.

Master Gau: Dapat ninyong kilalanin ang isa't isa dahil kayo ang magiging magkakasama sa pakikipaglaban sa mga Mara. Panatilihin nyo ang pagkakaisa.

Jacques: Ah eh Master Gau, kailan po darating sina Master Lue?

Master Gau: Maaring bukas ay dumating na sila. May mahalagang gawain pa sila sa ibang templo kaya wala sila rito ngayon. Sigurado akong alam na nila na nandito na kayo.

Kairi: Ah Master, ano po ang plano para labanan ang mga Mara, lalo na yung sinasabi nyong 'Diablo'?

Master Gau: Ang pakikipaglaban natin sa mga Mara ay hindi isang simpleng laban lamang. Ituring nyo itong isang tunay na digmaan. At nakataya dito ang ating mga buhay. Ginagawa natin ito sa iisang dahilan......... ang protektahan ang mga tao at ang mundo laban sa banta ng kanilang pananakop. Upang matalo sila, kailangan natin ang kapangyarihan ng mga arcana.

Van: Master Gau, may gusto lang malaman......... bakit kami ang pinili ng mga arcana?

Master Gau: Hahahahaha! Hindi ko masasagot yan........ Nararamdaman ko na ang mga arcana na taglay nyo ay may sariling pag-iisip. Ayon sa alamat, ang mga arcana ay nagmula sa isang sinaunang sibilisasyon libong taon na ang nakalilipas. Noon ay hindi ako naniniwala sa alamat na 'to, pero sa apat na buwan na nakalipas........... pumaibabaw dito sa lupa ang apat na Diablo at walang nakakaalam kung paanong nangyari yun......... at isang batong tableta ang lumitaw na nagsasaad na ang mga arcana ang tanging makatatalo sa mga Diablo.

Hugo: Uy Reji, hindi ka mapakali dyan........ kung may itatanong ka, itanong mo na kay Master......

Master Gau: Bakit? Ano yun?

Reji: Ah ehh............... M-Master........ bigla ko lang naisip......... magiging panghabambuhay na po ba na nasa amin ang mga arcanang ito?

Master Gau: Hmm......... kayo ang bahalang tumuklas sa kasagutan. Halikayo, sumunod kayo sa 'kin. Chai Ban, ikaw muna ang bahala.

Chai Ban: Opo Master!

Samantala.......... sa Grand Temple sa probinsya ng Chudeng.............

"MGA MARA!!! MAGSIPAGHANDA KAYO!!! PASUGOD SILA DITO SA TEMPLO!!!

Monghe: Master Sheng! Papunta na sila dito! Wala na tayong magagawa kundi ang lumaban!

Master Sheng: Tsk! Hindi natin inaasahan ito! Magpadala agad kayo ng mensahe sa mga kalapit na templo! Sabihin nyo na magpadala sila ng tulong! Ipakalat nyo agad ang balita!

Monghe: Opo! Ngayon din!

Master Sheng: MAGSIPAGHANDA NA ANG LAHAT! LALABAN TAYO! HINDI NATIN HAHAYAAN NA MASAKOP NILA ANG BUONG TEMPLO!

"HOOOOOOOOOOOOHHHHHHHHHHH!!!"

"HOHAHAHAHHAHAHAHAHA! Nagkandarapa na ang mga monghe nang makita nilang paparating na tayo!"

"Ahh........ eeh......... pwede bang makaistorbo? Papalapit na po tayo pinunong Bangjo....... at sa tingin ko ay hindi sila susuko, lalaban sila sa atin.....", wika ng isang alagad na Mara.

Bangjo: Mas masosorpresa sila pag nag-umpisa na ang laban! HOHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

ITUTULOY..............

Destiny SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon