Kabanata 40: High Monks

144 2 0
                                    

Tinalo ni Master Gau ang lider ng mga Monk Slayers na si Gorak. Subalit buhay pa rin ang kaluluwa ni Zedon at ginamit ang kanyang black magic summon upang tawagin ang isang dambuhala............ang Dragon Zombie na si Barukka!

"GRRROOOOOOOOOOOOOORRRRRR!!!"

Ang kalansay na dragon ay unti-unting nagkaroon ng laman at balat. Nagsimula na itong magwala at magbuga ng kakaibang usok.

Chai Ban: Pambihira! Ang laking halimaw! Mahihirapan tayong talunin siya at saka wala na akong sapat na lakas!

Van: Mas mabuting umatras muna tayo at mag-isip ng ibang paraan.

Samantala, nakawala na sa loob ng kulungan na gawa ni Gorak si Master Gau. At agad niyang natanaw ang dambuhalang dragon.

Master Gau: AH?! Ang dragon na si Barukka!

Monghe: Master, ano pong gagawin natin? Maraming pang mga Mara ang nasa loob ng templo! Mahihirapan po tayong talunin ang dragon na yan!

Master Gau: Sabihan mo ang lahat na lumayo sa dragon dahil nagbubuga siya ng nakalalasong usok.

Monghe: OPO!

Master Gau: Wala pa rin ba sila?

"HEHAHAHAHA...........Ah tinawag na pala ni Zedon ang kanyang alaga............."

Master Gau: HUH?

Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses................

Master Gau: Duguan ka na pero nakatatayo ka pa rin. Pipilitin mo pa ring lumaban?

Gorak: Eeegh.........heh, merong ibang lalaban para sa akin.........

Itinarak niya ang sariling espada sa kanyang katawan!

Master Gau: ?!

Gorak: L-Lumabas ka na at magwala.........lipulin mo sila P-Phantom Beast...........BEHEMOTH!

Lumitaw ang isang itim na dimensyon at hinigop nito si Gorak! At sa ilang sandali pa'y lumabas ang isa pang nakapangingilabot na dambuhalang halimaw!

"URRROOOOOOOOOOORRRRRRRR!!!"

Master Gau: Ang Behemoth! Delikado ito!

Ang Phantom Beast Behemoth ay isang halimaw na may apat na paa, mahabang buntot at dalawang mahabang sungay sa ulo. Kinakain nito hindi lamang ang pisikal na katawan ng kanyang biktima kundi pati na rin ang kaluluwa nito.

Mga Monghe: Ano? Isa pang dambuhalang halimaw? Wala na tayong laban............

Mga Mara: WOOOOHHHH! Mga kasama! Sasamantalahin natin ang pagkakataong ito para talunin ang mga monghe!

Monghe: Chai Ban! Umalis na kayo riyan! Sinabi ni Master Gau na ang usok na ibinubuga ng dragon ay may lason!

Pero nakatuon na ang atensyon ni Barukka kina Van at Chai Ban!

Van: Chai Ban! Umilag ka!

Chai Ban: EH?!

BRRAAAAAAGGG!

Inihampas ng dragon ang kanyang buntot kaya nagkahiwalay sina Van at Chai Ban para umilag. Ngunit nasa masamang posisyon ang monghe dahil malapit pa rin siya sa dambuhalang halimaw!

Van: UMALIS KA NA DYAAAAAANNN!

"GROOOOOOOORRRR!"

Chai Ban: TCH! Bahala na!

Akma na siyang dadambahin ng mga kuko nito-------------------

BOOM! BOOM! BOOM!

"UUURRRRRRRRRRR!!!"

Chai Ban: HUH?!

"SAKTO ANG DATING NATIN!"

"IHANDA MO NA ANG MGA DAHON!"

Van: Aah...........

Nagliwanag ang ngiti sa mukha ni Chai Ban!

Chai Ban: WAH! Nandito na kayo! Master Lue! Master Bart!

Master Lue: Kung kaya nyo pang lumaban, tumulong kayo sa pagsupil sa iba pang mga Mara! Kami na ang bahala sa butiking ito!

Chai Ban: OPO!

Master Bart: Oy Lue! Masyado kang excited! Hindi birong labanan ang dambuhalang ito.

Master Lue: Syempre naman! Lilitsunin ko ang butiking ito at presto, may engrandeng kainan mamaya!

Master Bart: Salamat na lang, hindi ako mahilig sa karne.

"GROOOOOOORRRR!"

Kasabay nito...................

"MASTER GAU!"

Master Gau: AH!  Fao!  Liu!  Oji!

Master Fao: Sinabi na sa amin ni Fei ang mga pangyayari.

Master Gau: Mabuti at dumating na kayo. Nasaan sina Genji at Rugai?

Master Liu: Kasama namin silang dumating. Sila na raw ang bahala sa iba pang mga Marang nakakalat dito sa templo.

Master Oji: Mukhang magiging mahirap ang trabaho natin.

Master Gau: Kaya nyo ba?

Master Fao: Hahahaha! Wala ba kayong tiwala sa amin Master?

Master Liu: Tayo na! Naiinip na ang peste!

Master Oji: Subukan muna nating gamitin ang Sacred Seal.

High Monks to the rescue!

ITUTULOY..................

Destiny SevenWhere stories live. Discover now