Kabanata 3: Monghe

421 7 1
                                    

Isang napakadilim na espasyo..... hindi alam ni Reji kung nasaan na sya..... nang matanaw nya ang liwanag sa dulo at agad na nagtungo doon. Maliwanag ang paligid at napakaputi ng espasyo, nang isang tinig ang umalingawngaw.....

" Gusto mo pang mabuhay, yan ang sinasabi ng kaibuturan ng iyong Kagustuhan...."

Reji: " Sino ka? Anong ibig mong sabihin? "

" Sa kaloob-looban ng 'yong pagkatao ay naroon ang matinding galit na naipon.... ilabas mo yan at gawing lakas at sandata..... "

Reji: " Hindi kita maintindihan! Magpakita ka?! "

" Mayroon kang pangarap, kung gusto mong ituloy ang 'yong mga pangarap..... gamitin mo ang aking kapangyarihan.... "

Lumitaw sa harapan nya ang asul na kristal, nakalutang.

Reji: " Ang kristal..... ", tinakpan nya ang kanyang mukha nang maglabas ito  ng nakasisilaw na liwanag.

" AAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!! "

Masamang espiritu: " Anong kapangyarihan yan? Hindi maari! Isa ka lamang hamak na tao! "

Nababalutan ng napakalakas na aura si Reji, nag-uumapaw ang dumadaloy na enerhiya sa kanyang katawan ngunit....... hindi nya kontrolado ang sarili. Umatake na ang masamang espiritu subalit sinuntok sya ng binata..... suntok na nagtataglay ng kakaibang lakas!

"Aaarghhh! Tinamaan ako! Imposible! Pano sya nagkaroon ng kapangyarihan? A-ang kristal! Ang kristal ang may kagagawan nito! Kung ganun, tatapusin na kita at kukunin ang kristal para mapasaakin ang kapangyarihan! "

Inilabas ng masamang espiritu ang lahat ng kanyang negatibong enerhiya! Humaba pang lalo ang mga kuko nito at ibinuka ang bunganga para tuluyang kainin ang kaluluwa ng binata!

" GRAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!!! "

Kusang kumikilos ang katawan ni Reji. Sa kanyang kanang kamao ay naipon ang pambihirang puwersa. " HAIYAAAAAAAAAHHHHHH!!! "

Nagsalubong ang kanilang pag-atake pero..... sumabog ang pinakawalang puwersa mula sa kamao ni Reji!

"A-aaaaaaaaahhh... aaahhh... aaahhh.... ", unti-unting nalulusaw ang anyo ng masamang espiritu hanggang sa tuluyang maglaho.

Bago nawalan ng ulirat ang binata, narinig nyang muli ang kaninang tinig.... " ako ang FURY! "

Isang nilalang ang dumating sa pinangyarihan ng laban. " Nahuli na ko ng dating.... "

Nakita nya ang walang malay na binata at inusisa ito. Inangat nya ang kanang palad nito at.....

" Walang pagkakamali. Ikaw na nga. Nasa sa iyo ang kristal. ",

Umalingawngaw muli ang boses ng masamang espiritu: " Isa kang monghe diba?! Hindi nyo kami matatalo! Wala kayong magagawa! Huli na ang lahat dahil buha.......aaaahhh......"

Monghe: " Kung ganun, buhay na nga ang mga dyablo...."

Binuhat ng monghe ang katawan ni Reji at umalis.

ITUTULOY.......

Destiny SevenWhere stories live. Discover now