Kabanata 20: Pito

177 3 0
                                    

Nakilala ni Van sa Grand Heng Temple ang mongheng si Chai Ban. At sa loob ng templo ay hinahanap nila si Master Gau.

"At sino naman itong kasama mo Chai Ban? Isa rin ba sya sa mga turista?"

Chai Ban: Ah hindo po. Siya ang ipinadala rito ni Master Fao. Siya si Van. Van, sya si Master Gau. Ang punong monghe dito sa Grand Heng Temple!

Van: Magandang araw po. Ikinagagalak ko po kayong makilala. Ako po si Vander Willsburgh.

Master Gau: Ipinadala ni Fao? Ibig sabihin, isa ka sa mga nagtataglay ng arcana.

Van: Ganun na nga po.

Master Gau: Siya pa lang ba ang dumating?

Chai Ban: Opo, sya pa lang Master.

Van: Sandali, bukod sa akin ay may iba pang tao na nagtataglay din ng arcana?

Master Gau: Tama ka. At ngayon ang takdang araw ng pagdating nyo dito sa templo. Hintayin natin ang iba pa.

Chai Ban: Ah eh Master...... baka pwedeng magbihis na po kayo..... baka malamigan kayo.....

Master Gau: Oo magbibihis na ko........ Hmm........ teka sandali..... NASAAN YUNG MGA BISITA NATING BABAE?

Tumalikod si Chai Ban at.........

Master Gau: Hoy! Bumalik ka dito! Hindi ka sinanay na maging monghe para magsinungaling!

Chai Ban: Kasi Master ang hirap nyong hagilapin, ayaw nyo pang magpa-istorbo......... ayoko na uling tamaan ng tsinelas nyoooooooooooooohhhhhhhhhh..............

Master Gau: Halika ditoooooooo! Tuturuan kita ng leksyoooooooonnnnnn!!!

Van: Hay..............

Pagkaraan ng ilang minuto.............

Master Gau: Pasensya ka na sa paghihintay Van......

Van: Wala po yun.

Master Gau: Tulad ng sinabi mo kanina, may iba pang nagtataglay ng arcana..... at pito kayong lahat.

Van: Aah......

Master Gau: Ipinadala ko ang aking mga monghe sa isang misyon para hanapin kayo. Mamaya ko sasabihin ang lahat ng detalye pag dumating na sila. Magpahinga ka muna.

Van: Sige po. Salamat.

Samantala.............................

Kairi: Nakikita ko na ang Grand Heng Temple......

Jinma: Nakikita mo rin ba yung harang?

Kairi: Oo nga may harang. Siguro para hindi makapasok ang mga Mara kaya may harang.....

Jinma: Mukhang ganun na nga. Sa tingin ko makakapasok naman tayo......

Kairi: Tayo na.....

At lumipas pa ang isang oras.....................

Derck: Sa wakas, nandito na ko sa Grand Heng Temple! Uh-----------------

Isang tinedyer na lalaki ang nasalubong nyang nakahiga sa lupa at nakapikit.

Derck: Oy, ayos ka lang ba?

"Heeeh....... lawit na dila ko...... pagod na kong maglakad.........."

Derck: Dito rin ba sa templo ang punta mo?

"Pwede bang m-makahingi ng tubig?....... naubos na yung tubig ko...... uhaw na uhaw na ko........"

Derck: Eto oh, meron pa ko........

GLUP! GLUP! GLUP! GLUP! GLUP!

"Haaaaaaaaaaahhhhhhhhh........ woooohhhh.........."

Derck: Ano, okay ka na?

"Salamat sa tubig! Ako nga pala si Jacques!"

Derck: Ako naman si Derck. Kung ganun dito rin ang pakay mo.

Jacques: Oo, pinapunta ko rito ni Master Lue!

Derck: Pinapunta ka rin dito ng isang monghe?! Ibig sabihin, meron ka ring arcana?!

Jacques: Syempre heheh!

"Hoooh........ may mga nauna na pala sa atin......"

Jacques: Eh?

Derck: Huh? Sino kayo?

"Yo mga amigos! Ako si Hugo."

"Ako si Reji. Pinapunta din kayo dito ng mga monghe?"

Derck: Oo. Mukhang iisa lang ang dahilan kaya nandito tayong lahat.

Jacques: Wow! Marami pala tayo! Tara pumasok na tayo. Hanapin natin si Master...... si Master....... sino nga ba yun?

Reji: Si Master Gau. Siya ang kailangan nating hanapin.

Hugo: Tayo na mga amigos! Wahahah!

Hindi inaasahan ni Reji na bukod kay Hugo, may iba pang taong nagtataglay din ng arcana. Pinaghalong tuwa at kaba ang kanyang nararamdaman. Tuwa dahil natuklasan nyang hindi sya nag-iisa. Kinakabahan naman sya dahil hindi niya tiyak ang mga susunod na mangyayari.

Reji: Bahala na!

Sa kanyang pagpasok sa templo, kahit papaano ay gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Lord Agon, dumating na po ang tarantula ni Igur. Pero mukhang hindi na sya babalik pa......"

Lord Agon: Ang mahalaga ay nagawa nya ang kanyang misyon. Wala ng dahilan pa para ipagpaliban ang mga plano. Ikaw na ang bahala Gorak.

Gorak: Pamumunuan ko ang pagtupad sa mga plano. Masusunod po.

Umalis na si Gorak at may isa pang pumasok.

"Tuloy na tuloy na ang plano. Kailangan ko bang sumama?"

Lord Agon: Sasama ka pero hindi para lumaban. Manonood ka lang para obserbahan ang mga mangyayari at ibalita mo agad sa akin........ Bargonis.

Bargonis: Masusunod. Natitiyak ko ang matinding sorpresa sa kanilang mga mukha, heheh.......

ITUTULOY..................

Destiny SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon