Kabanata 41: SEAL

125 2 0
                                    

Gamit ang black magic, tinawag ni Zedon ang Dragon Zombie na si Barukka at kinain nito ang kanyang kaluluwa. Isinakripisyo naman ni Gorak ang sarili upang pakawalan ang Phantom Beast Behemoth. Nasa alanganing sitwasyon ang mga monghe para labanan ang dalawang dambuhalang halimaw. Ngunit salamat at dumating na rin ang mga High Monks!

"GRRROOOOOOOOOORRRR!"

Master Lue: Eto ang para sa 'yo!

Naghagis siya ng mga buto sa lupang kinatatayuan ng halimaw. Tumubo roon ang mga halamang baging at pinuluputan ang paa at katawan nito.

Master Lue: Hindi pa tapos yan!

Tumubo ang mga dahon mula sa mga baging at---------------

Master Lue: Leaves of Explosion!

KABOOOM! KABOOOM! KABOOOM!

"GRRROOOOOOOOORRRR!"

Dahil hindi makagalaw ang dragon at sa mga pinsalang natamo, nagpakawala ito ng usok mula sa bunganga at sa mga butas ng katawan nito.

Master Bart: Ang usok! Kailangan natin ang barrier!

Gumawa si Bart ng isang barrier upang hindi kumalat ang usok.

Master Lue: Okay. May pangontra ako sa usok na yan. Pero kailangan ko munang gumawa ng harang.

Pinatubo niya ang isang malaki at makapal na dahon sa lupang kinatatayuan nila at nagsilbi nilang kalasag.

Master Lue: Ngayon eto na...............

Ipinakalat niya ang mga petal ng cherry blossom na kinuha niya sa kanyang sisidlan. Kinontrol niya ang mga ito at pumalibot sa nagwawalang dragon.

Master Lue: SAKURA BOMB!

BOOOM! BOOOM! BOOOM! BOOOM! BOOOM! BOOOM!

Kahit may harang, naramdaman nina Lue at Bart ang matinding pagyanig dulot ng pagsabog.

"URRROOOOOOORRR!"

Napawi na ang usok ngunit nagwawala pa rin ang dragon zombie.

Master Bart: Matibay talaga siya.

Master Lue: Pero matindi rin ang mga sugat niya. Nanghihina na yan.

KRRRAAAAAAAAAAAAKKKK!!!

"GRRROOOOOOOOOORRRR!!!"

Nakawala si Barukka mula sa pagkakapulupot ng mga baging!

Master Lue: EEEH!

Master Bart: Mukhang lalo siyang nagalit ah........

At dumaluhong ang dambuhalang halimaw patungo sa kanila!

Master Bart: Akong bahala! Gagamitin ko ang Earth Sutra!

Mabilis siyang umusal ng orasyon at---------------

Master Bart: MUD PRISON!

Bago pa tuluyang nakalapit ang dragon, nakulong na ito sa kulungang gawa sa putik at ang mga paa nito'y nalubog sa kumunoy. Pilit pa rin itong kumakawala.

"GRRROOOOOOOORRR!"

Master Bart: HAMMER OF GAIA!

Isang higanteng bloke ng solidong bato ang nabuo at humampas nang tatlong beses sa katawan ng halimaw hanggang sa tuluyang mabarag ito!

BRAGAAAAAAGGG!!!

"UHHHRRRRRRRRRR!"

Bumuka ang bibig ng dragon at nag-ipon ito ng isang malakas na enerhiya!

Master Lue: Teka magbubuga siya!

Master Bart: Pipigilan ko! GREAT EARTH FIST!

Nabuo mula sa lupa at mga bato ang isang higanteng kamao at dinamba nito nang malakas ang ulo ni Barukka!

"UHROOOOOOORRR!"

Master Bart: Tapusin mo na Lue!

Master Lue: Okay!

Tumakbo siya palapit sa halimaw at tumalon. Initsa niya ang isang uri ng halaman at tumusok ang tangkay nito sa balat ng dragon zombie.

Master Lue: Yan ang special technique! Ang Eternal Growth!

Sinipsip ng halaman ang lahat ng sustansiya at enerhiya ng halimaw. Nagsimula na itong lumaki at magkaroon ng maraming dahon at ugat. Umimpis ang katawan ni Barukka hanggang sa mangulubot ito. Ilang sandali ay bumalik ito sa pagiging kalansay at kahit ang mga buto nito ay naging pataba sa halaman. Naging isang puno ang halaman na may taas ng halos 20 metro.

Master Lue: Ayan, nadagdagan ng isang puno ang templo natin.

Master Bart: Tama lang yan, dahil sinira ng mga Mara yung mga puno dito.

Nakikipagtuos naman sina Fao, Liu at Oji sa Phantom Beast Behemoth!

Master Oji: Kunin nyo ang atensyon nya habang ginagawa ko ang seal.

Master Fao: Okay.

Sinimulan ng bigkasin ni Oji ang sutra.

"RAAAAAAAAAARRR!!!"

Pinaikot ni Liu ang kanyang sibat at mabilis na umatake!

Master Liu: LION DANCE!

TSAAAAAAAAAKKK!

Naputol niya ang dalawang sungay sa ulo nito! Ngunit nais gumanti ng Behemoth kaya't kinalmot niya ang monghe!

Master Liu: HOOP! Masyado kang mabagal!

"UUUUUUUUURRRRRRRR!"

Nakabibingi at nakayayanig ang malakas na ungol nito!

Master Liu: AEEEH!

Master Fao: AIR SLASH!

"URAAAAAAHHHHH!"

Binalingan ng halimaw ang High Monk na si Fao!

Muli siyang umatake gamit ang espada.

Master Fao: CROSSWAVE!

TSAAAAAAAAKKKK!

Dahil nasaktan ang Phantom Beast, pinagalaw nito ang mahabang buntot para hampasin ang monghe!

Master Fao: DIVINE CUTTER!

Naputol niya ang buntot ng Behemoth at--------------------

Master Liu: EAGLE THRUST!

Bumaon ang kanyang sibat sa katawan nito!

Master Liu: OY Oji, hindi ka pa ba tapos?

Nang biglang dumura ng asido ang halimaw!

Master Liu: AHUH! WOOH!

Agad niyang binunot ang sibat at bahagyang lumayo. Ang Behemoth naman ay naglabas ng negatibong Aura.

Master Fao: May binabalak siyang gawin!

Dumilat na si Oji. Isinungkit niya ang isang sagradong papel sa patalim at pinuntirya ang halimaw.

Master Oji: Umalis na kayo dyan!

Master Fao: Ah!

Master Liu: Ayos!

Master Oji: SACRED LOTUS SEAL!

Nagliwanag ang sagradong papel at isang magic lotus ang lumitaw sa ilalim at ibabaw ng Behemoth. Unti-unti itong hinihigop ng makapangyarihang seal!

"URRRAAAAAAAAAAAARRRRR!!!"

ITUTULOY...................

Destiny SevenWo Geschichten leben. Entdecke jetzt